CHAPTER 22.5.5
JORDAN's POV (Continuation)
Magkatabi kaming naupo ni Ty at agad pa niyang isinandig ang kanyang braso sa backrest ng upuan ko. Obvious na kami ang pinapanood nila at gusto ko na lumubog ngayon din!
"Pasyal tayo sa Skyranch, Sir," sabi pa ni Sir Martin. Hindi ko magawang tumingin sa kanya sa hiya. Pilit ko munang ibinaling ang tingin ko sa ibang table na tila sa amin din mga nakatingin lalo na ang mga kababaihan. Hindi ko naman sila masisi dahil sobrang gwapo naman talaga ni Ty. Masyado siyang takaw mata at feel ko nang mandukot ng mga mata!
"Okay..." Bahagya lang siyang tumango at binalingan ako. "You okay?"
Tumango ako bilang sagot at naramdaman ko na lang na tinanggal niya ang pagkakasandig ng kanyang braso sa backrest ng upuan ko. Pero gayon na lang din ang gulat ko nang maramdaman kong ginagap niya ang aking kamay sa ilalim ng table. Haist, ang landi naman ng lalaking 'to!
Pigil ang kanyang ngiti sa akin at kinagat lang niya nang mariin ang kanyang labi habang pasimpleng hinapyawan nang tingin ang nakaawang kong labi. Agad na nag-init ang aking mukha at nag-iwas na lang ulit nang tingin.
Matagal-tagal rin bago dumating ang aming pagkain, pero isang himala na wala man lang talagang nagtanong. Pero gan'un pa man ay palagi pa rin silang nakamasid sa bawat kilos namin.
Halos isang oras din ang ginugol namin sa pagkain ng dinner. Matapos noon ay pumunta na nga rin kami sa Skyranch na unang pagkakataon ko pa lang din mararating. Na-excite ako nang kaunti dahil hilig ko kasing sumakay sa ganoong rides.
Si Ty na rin ang nagbayad sa aming entrance at halos lahat ay tuwang-tuwa. Dadalawa lang naman ang lalaking kasama namin maliban kay Ty, si Sir Martin at ang driver na si Mang Canor. Tapos sa Finance ay ang baklitang si Robert a.k.a. Princess, si Ma'am Janice na mukhang pang beach pa rin yata ang attire and the rest ay ang staff na sina Lita, Tessie at Triple A's na sina Ashter, Annie at Amy. Kaninang dinner ko lang din napagisip-isip ang mga pangalan nila since karamihan ay pulos mga baguhan pa.
"Shit naman, o. Ang lamig pala rito!" Si Ma'am Janice na hindi na mapakali sa kalalakad sa aming harapan. Nakatambay kami sa gazebo habang pinapanood ang mga nakasakay sa Super Viking.
"E, kasi naman, akala mo yata nasa beach tayo!" Umismid pa si Robert a.k.a. Princess. Naka super ikling shorts kasi siya at sleeveless. Beach na beach talaga! Ako nga, e, balot na balot na ay nilalamig pa rin. Dapat pala nagbitbit din ako ng jacket.
"Eto ang in! Hello!" Kuntodo irap pa siya kay Princess at halos mapapadyak sa lamig. Malakas din ang sapak nitong babaeng 'to, e. Mamatay ka sa ginaw! Tsss...
Saglit pa siyang napatingin sa gawi namin ni Ty at may kung anong ibinulong kay Princess na napatingin rin sa akin. Paniguradong ako ang laman nang bulungang iyon. Hindi naman sila pansin ni Ty na nakatingala dun sa mga nakasakay sa Super Viking at bahagyang nakangiti. Aliw na aliw d'un sa mga kabataang halos maputol na ang litid sa kakasigaw!
Pamaya-maya'y lumapit sa amin si Ma'am Janice at diretsang humarap kay Ty.
"Sir, sobrang nilalamig na ako. Puwede bang mahiram ko ang jacket mo kahit saglit lang?" Huh?! Ano raw?!
Wala namang ekspresyon na dahan-dahang hinubad nga ni Ty ang kanyang jacket at bahagyang kumunot sa akin.
"Nilalamig ka rin ba?" tanong pa niya.
"Huh? E..." Shit. Hindi naman ako makakapagsinungaling dahil obvious namang nangangatog na rin ako sa lamig kanina pa. At hindi rin naman ako makakapayag na gamitin nang haliparot na si Ma'am Janice ang jacket niya. No way! Alam kong sa akin niya ibibigay ang jacket kapag sinabi kong giniginaw din ako. "Oo, e, ang nipis naman kasi nitong dress..." Para-paraan Jorge, eh?
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
General FictionSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...