Chapter 18.2.2

380K 6.8K 682
                                    

CHAPTER 18.2.2

JORDAN's POV

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Pakiramdam ko ay huminto ang aking mundo sa pag-ikot at napatitig lang sa mukhang iyon na sobrang miss na miss ko na. Clean cut ang kulay brown niyang buhok. Medyo nagmature nang kaunti ang kanyang hitsura, pero hindi maipagkakaila ang magagandang mga matang nagtatago sa dark eyeglasses na 'yun. Matangos at sobrang pulang mga labi. Ang labing huling humalik sa akin...

Pakiwari ko'y higit din siyang tumangkad at mas maganda na ang built ng katawan. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang corporate suit. Sobrang gwapo.

Kinagat ko nang mariin ang aking labi at hindi ko namalayang naglandas ang luha sa aking pisngi. Hindi nangyayari 'to. Panaginip lang 'to! Ipinikit ko nang sobrang diin ang aking mga mata at umasang ibang tao talaga ang nakikita ko. Panaginip lang 'to, Jorge. Panaginip lang 'to! Pati ba naman sa ibang tao naiisip mo si Tyrone?! Haist!

At matapos nga lang ang ilang saglit ay dahan-dahan na akong dumilat. Tila muli na namang tumigil ang puso ko sa pagtibok dahil nasalubong ko ang mga matang kanina'y nagtatago sa dark eyeglasses na 'yun.

"Ty," nanginginig na usal ko pa.

Sobrang talim ng kanyang titig at wala akong ibang naramdaman kundi ang sakit at galit na mayroon siya para sa akin. Agad din niyang iniiwas ang kanyang tingin, pero nakita ko ang pagtiim ng kanyang bagang.

"Sir Tyrone, dito po kayo," tarantang sabi pa ni Sir Martin sabay bigay sa mismong inuupuan niya.

Halos magkagulo ang mga staff doon at hindi magkamayaw sa gagawin. Sino bang magkakaisip na pati ang maliit na recording company pinapasok na rin ng mga Greene?!

Kailangan kong umalis dito! Hangga't kaya ko pa!

"Jordan Gonzales!" Oh shit.

Napatingin ako kay Sir Martin na dinilatan pa ako at pinapapunta na ako sa harap! Akala ko ba pangatlo pa ako?!

"Come here!" Sumenyas siya sa aking pumunta na sa harapan. Mas lalong nangatog ang aking buong katawan. After three years, makakaharap ko na naman si Tyrone. Pinunasan ko ang mukha kong nabasa na pala ng luha. Aish, Jorge! Move on, move on din kapag may time!

Nang makarating ako sa unahan ay mas lalo kong nakita nang mas malinaw ang mukhang iyon ni Ty. Hindi pa siya nakatingin sa akin at parang binabasa lang niya ang profile ko. Kunot ang kanyang noo at tipong sisigawan na lang niya ako pagkatapos.

"Jorge, start with your tagalog song." Si Sir Martin na ngiting-ngiti pa sa akin at nagthumbs-up pa. Titig na titig din sa akin ang dalawang judge na hindi ko nakikilala, pero mukhang compositor 'yung lalaki.

"Can you change your choice of song, Ms. Gonzales." Napatuon lang ang atensyon ko sa nakakunot-noo na si Ty. Nasalubong ko na naman ang sobrang lamig na titig niya sa akin. Para bang wala na sa kanya ang pinagsamahan namin noon at nasasaktan ako sa isiping iyon.

"S-sir?"

"Sing Mahal na Mahal. Your first song choice," matigas na sabi niya na parang may himig pang-uuyam. Halos magyelo ultimo kalamnan ko sa sinabi niya.

"I-it's not an audition s-song, Sir," lakas loob kong sagot kahit na gusto ko nang maiyak.

"I don't care. Just sing that song," malamig na sagot lang niya at padabog na ibinaba ang profile ko sa table. Deserved mo lang 'to, Jorge. Deserved mo lang 'to!

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon