Chapter 20.1.2

372K 7.1K 574
                                    

#CBTG

#KirsChanPlayingCupidAgain

********

CHAPTER 20.1.2


Tyrone

I find it hard to sleep the last couple of days. I didn't know kung kakayanin ko ba talagang i-handle nang mag-isa ang negosyo. Sobrang daming pressure at nakakapanibago na kailangan kong mag-desisyon na nag-iisa. Now, I knew how it feels to be on my Dad's shoe. But he is so good at these. Hindi ko man lang nakitang masyado siyang nape-pressure sa problema nang ibang company namin. He was way too damn good and hopefully I wouldn't fail him.

I was in the middle of listening to one of our soon to be released tracks next month when my personal secretary phoned me. Surprisingly, my nosy sister Kirsten is here. What the hell is she doing here? Tss, ito na nga ba ang sinasabi ko kung bakit ayaw kong ipaalam na nakita ko na si Jordan. Kaya lang ang galing nang pandinig at pati ang pag-uusap namin na 'yun ni Dad noong family dinner nitong nakaraang weekend ay narinig pala niya.

"Hi, Kuya!" nakangiting bati niya pagbungad pa lang sa pinto. Kasa-kasama niya si Chance na bitbit ang baby nila. Yes, may baby na sila. They got married last year at naunahan pa talaga ako.

"What are you doing here?" pasupladong bungad ko naman habang padabog na ibinababa ang headset.

"Visiting you, I guess," pilyang sagot pa niya at agad na naglibot sa buong opisina.

"Hey there, bro." Si Chance na agad pang iniabot sa akin ang gwapo kong pamangkin. Sobrang gala talaga nang dalawang 'to at idinadamay pa ang bata. To think he is only 1 ½ years!

"You should have left CK at home!" panermong sabi ko pa, pero parang wala lang siyang narinig at nakilibot din sa office tulad nang ginagawa ni Kirs. I couldn't believe this.

"Padala ka nga ng juice dito, Kuya. Si Ate Jordan ang papuntahin mo, huh." Nagliliwanag pa ang mukha ni Kirs.

"You're not playing cupid again, Kirs." Umismid ako at bahagyang tinapik-tapik si CK na panay ang ngiti sa akin. God, he's handsome. Kung sabagay, wala siyang pagmamanahang pangit sa family. Both families have good roots.

"Why? Is she married?"

"May boyfriend na siya, Kirs. And besides, she's planning to leave the company. She wanted to be away from me again." That's the saddest part, I guess. She didn't want me anymore. Loud and clear.

"You're not too sure about that Kuya." She smirked at naupo sa katapat kong upuan. Gan'un din ang ginawa ni Chance at dumekwatro sa harap ng asawa niya.

"Did you even dare asks her why she leaves?" Si Chance na mataman pang tumitig sa akin.

Umiling ako bilang sagot. As much as I wanted to, I'm scared that I might not like her answer.

"I think you should ask her." Si Kirs na ngiting-ngiti pa rin. "Or I will."

"You're not interfering here, Kirs. Don't you even dare!" Sinamaan ko siya nang tingin at ngumuso lang siya pabalik.

"Wait, tawagan ko lang secretary mo!" Agad pa niyang idinial ang phone!

"What the fuck?!" Aagawin ko sana ang phone, pero nailayo na niya agad! Pasalamat siya at hawak ko ang pamangkin ko! Aish!

"Oh, hi, pakipadalhan naman kami ng juice here and some cookies too, pero si Ms. Ramirez ang pakipagdala rito."

Kumunot ako kay Kirsten at nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon