Chapter 8.5.5

679K 10.1K 2.4K
                                    

#TotohanangJorTyHanNaIto

#KirsChanCountdownToLove

********

Chapter 8.5.5

JORDAN's POV

Ramdam na ramdam ko na ang mainit at mabangong hininga ni Chance palapit sa aking labi. Wala ako sa sariling napapikit nang mariin nang halos kaunti na lang ay didikit na ang kanyang labi nang biglang may tumulak sa kanya. Si Ty!

"What the fuck, dude?!" sigaw pa ni Chance. Acting pa rin ba 'yun?!

"Just back off my girl, asshole!" galit na sigaw lang din ni Ty. Mabilis kong iginala ang tingin sa paligid and, as expected, nakamata silang lahat sa amin.

"E-excuse me?" Parang nakita kong napangiti si Chance, pero hindi ko lang alam kung napansin iyon ni Ty. Nasa ulo na lang din niya 'yung Aviator kaya kitang-kita ko ang ekspresyon nang maganda niyang mga mata. He's jealous. Walang duda. "She's not your girl, Ty," dagdag pa ni Chance na nanatiling may multo nang ngiti sa labi. Halatang nagpipigil na matawa.

"Yes, she is," matigas namang sagot ni Ty at diretsong nakipagtitigan kay Chance.

Ang haba ng hair ko! Pakihawak nga!

"No, I'm not!" Nakisabat na rin ako. Kung mag-assume naman 'tong lokong 'to, e, wala pa nga siyang sinasabi.

"See." Noon na lumapit si Chance para sana kuhanin ang kamay ko, pero galit lang siyang tinabig ni Ty.

"Don't touch her!" matigas pang sabi niya sabay tulak sa dibdib ni Chance. Salubong na salubong ang kilay niya.

"Whoa, whoa, whoa... Easy! Easy!" Si Chance na nagtaas pa ng dalawang kamay at makahulugang tumingin sa akin. Parang gusto na niyang matawa, pero nakukuha lang niyang magpigil.

"She's my girl and you should back off from now on, Chance," seryoso pa ring sabi ni Ty sabay hila sa akin palayo.

Nakita kong mabilis ding lumapit si Chance sa kinalalagyan ni Kirsten at hinila ito sa kamay.

"Now, let's talk!" matigas na sabi pa ni Chance.

"What?" gulat na tanong lang ni Kirsten, pero hindi ko na nakita pa ang reaction niya dahil mabilis na akong nahila ni Ty palayo.

"Bitiwan mo nga ako!" Piglas ko pa sa tangan ni Ty, pero mas lalo lang humihigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"How many times do I have to tell you to avoid him, huh?! Nananadya ka ba?!" galit pang sabi niya habang halos kaladkarin niya ako paakyat sa batong hagdan.

"You're not my boyfriend, Ty! Kaya wala kang karapatan!" sigaw ko lang. Push his buttons. huh? Mukhang tama nga yata si Chance.

"I am now your boyfriend, Jordan." Saglit lang siyang huminto at hinarap ako. "Kaya tigilan mo na ang pakikipaglandian mo kay Chance."

"Excuse me?"

"You're just trying to get me jealous, right?"

"W-what-? No!" Buking ba kami?!

Napangisi lang siya at umiling-iling.

"I am so fucking jealous. Happy now, e?" Muling sumeryoso ang kanyang mukha bago muli rin akong hilahin paakyat sa hagdan. Kulang na lang ay masubsob ako sa bilis nang pag-akyat niya! Siraulong 'to sarap pektusan nang isa sa noo, e.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon