Chapter 12.2.3

565K 7.2K 223
                                    

#CBTG

#JorTy

#MeetTiffany

********

CHAPTER 12.2.3

Jordan

Around three o'clock nang biglang maligaw si Kirsten sa canteen. Simula kasi nang maging sila na ni Chance ay madalas na niya akong puntahan dito ngayon. As usual, nakamasid na naman ang mapanuring mata ng mga madlang people sa aming dalawa. Ang suwerte ko lang at napapalibutan ako ng mga kagaya nilang mayayaman kaya siguro ang daming nai-imbiyerna sa akin. Sino ba naman kasi ako para magustuhan nila? Kumpara sa estado ng pamumuhay nila Ty at Kirsten, walang-wala talaga akong sinabi dahil hamak na serbidora lang ako. Narinig ko pa ngang inakusahan akong gold digger. May times na parang gusto kong magwala, pero ano nga bang mapapala ko? Kaya nga hinahayaan ko na lang.

"May isusuot ka na ba sa birthday ni Kuya?" excited pang tanong niya.

"Huh? W-wala..." Nagkamot lang ako ng batok. "Wala naman akong alam sa dapat na isuot sa ganyang sosyalan..." At iyon naman talaga ang totoo. Kahit pa may kaya sa buhay si Cary, never naman akong sumama sa kanya sa mga kasosyalang okasyon na pinupuntahan niya kahit na anong pilit pa niya.

"Naku, dapat paghandaan mo 'to, sis!" Oo nga pala, sis na ang tawag niya sa akin at sure naman daw siyang ako na talaga ang para sa kapatid niya. Ang sweet lang din talaga nitong si Kirsten. At kahit gusto ko mang isapuso na ang sinabi niya ay hindi ko pa rin magawa dahil alam kong marami pa kaming pagdadaaanan ni Ty. At puwedeng dumating ang oras na magsawa siya at makakakita nang iba. Haist, ang nega ko ba?

"Hindi na lang siguro ako pupunta."

"What?!" gulat pang aniya. "You must be kidding me! Birthday ni Kuya 'yun! Importanteng occasion para sa family and you're family, okay?"

"Hindi naman ako bagay d'un, Kirsten." Reality hurts, eh?

"No. We'll go shopping for clothes right now. You need to be beautiful on that night, sis." Namaywang pa siya sa harapan ko at para bang pinag-aaralan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Kirs... puwedeng magtanong?"

"What?" Bahagya pa siyang kumunot.

"S-sino si Tiffany?"

"Tiffany who?" Mas lalong kumunot ang noo niya.

"Narinig ko lang pinag-uusapan nila Dalton kanina, may gusto raw sa Kuya mo 'yun at bisita rin siya nung—"

"Oh, Tiffany Montemayor ba?" Nagliwanag rin naman ang mukha niya.

"O-oo..."

"Anak ng isa sa mga kaibigan ni Dad sa business. Bakit mo naitanong? Kilala mo?"

"Huh? H-hindi, narinig ko lang." Umiling-iling pa ako.

"Kababata namin si Tiff. Matagal na natira sa America 'yun at last year lang din siya nakauwi sa birthday party ni Kuya Ty. Alam ko nga may crush 'yun kay Kuya."

"Ah, gan'un ba?"

"Pero sis, wala kang dapat ipagselos d'un, okay?" Mahina pa niya akong tinapik sa pisngi. "Hindi naman gusto ni Kuya 'yun. Like I said, ikaw lang naman ang babaeng sineryoso n'un." Kinindatan pa niya ako.

"Hindi naman—"

"Naku! Mas lalo pala kitang dapat na pagandahin sa gabing 'yun! Para naman nganga silang lahat kapag ipinakilala ka ni Kuya. Excited na ako!" napapatili pang sabi niya at napangiti lang ako sa reaksyon niyang iyon. "C'mon, shopping na tayo! Ngayon din!" Agad pa niya akong hinila sa kamay, pero pinigilan ko rin naman siya.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon