Chapter 16.1.2

558K 7.3K 342
                                    

CHAPTER 16.1.2

Jordan

Matapos na mangyari ang bagay na 'yun sa pagitan namin ni Ty pakiramdam ko ay naging kanya na ang buong pagkatao ko at wala na akong itinira para sa aking sarili. Alam ko at nararamdaman kong mahal na mahal niya ako. At natatakot ako dahil gan'un din ako. Mukhang 'di ko na kakayaning bumangon kapag nawala pa siya sa buhay ko.

Bisperas na ng birthday niya ngayon. Sinundo niya ako para isama ulit sa mansion nila. Hindi naman na talaga ako dapat sasama kaya lang ay dumating si Kirsten at talagang kinulit ako. Hindi raw siya papayag na hindi ako sa mansion nila matutulog. Aish, wala na talaga akong nagawa! Ikaw ba naman ang mapagtulungan na naman. Binitbit ko na rin ang mga damit na binili niya sa akin noong isang araw. Hindi naman ako sanay makipagsosyalan kaya hindi ko talaga maiwasan ang mag-alala.

Bahala na nga!

Maaga pa lang ay nasa mansion na nila kami. Hindi ko tuloy malaman kung ano bang gagawin ko doon. Nakakahiya tuloy sa parents nila. Baka akala nagpapasarap lang ako ng buhay. Haist talaga!

"Sis!" Si Kirsten na kakagaling lang sa kwarto niya. Dapat talaga ay magsasama na kami sa kwarto niya kaso naman ang siraulong si Ty kontrahin ba naman! Hiyang-hiya tuloy ako kay Kirsten dahil para bang nahuhulaan na niya kung bakit. Siraulo talaga ang gagong 'yun! At kahit walang sinasabi si Kirs, ngiti pa lang ay alam na. Kainis talaga!

"Mmm?" Bumaling ako sa kanya. Nakaupo ako sa bed at nagpipi-pindot sa remote control ng t.v. Maghuhugas sana ako ng mga plato kaso naman ang dami pala nilang katulong.

"Come on, magpapaganda tayo." Napapalakpak pa siya nang bahagya.

"Huh?" Ano raw?

"Nand'yan na sa ibaba ang mag-aasikaso sa atin. Let's go!" Buong lakas pa niya akong hinila kaya ni hindi ko man lang nagawang tumanggi.

Pagbaba namin sa unang palapag ay naabutan namin ang Mommy niya na nagpapalinis ng mga kuko sa kamay at paa. Agad din kaming umupo sa magkabilang sofa at automatic ding lumapit sa amin ang mga maglilinis ng kuko namin. Jusko! Mayaman lang talaga ang peg ko ngayon gan'un ba?!

Suwerte mo, Jorge!

"Kailangan super pretty tayo bukas, sis. At para na rin mas lalong ma-inlove sa'yo si Kuya!" My God, ang sarap takpan ng bibig nitong si Kirs! Kakahiya sa Mommy niya!

"She don't need to, Kirs." Biglang sumulpot si Ty sa hagdan at tila prinsipeng bumaba roon. Shit. Ang gwapo lang talaga ng boyfriend ko!

Diretso siyang tumitig sa akin at 'di ko naiwasan ang pamulahan dahil pagbaling ko kay Kirs ay pilyang ngiti ang isinalubong sa akin. Ang Mommy naman niya ay nakangiti lang din at napakibit-balikat lang.

"You heard my son," nakangising sabi ni Tito Seb na kakagaling lang sa may kusina at may bitbit na juice. Ang gwapo! Sila na talaga ang lahi ng mga magaganda at gwapo.

Nasaang level nga ba ako?

Agad na naupo si Ty sa tabi ko at kagat-labi pang tumitig sa akin. Tangna naman 'tong lalaking 'to, parang may ibig sabihin ang ngiti na 'yun, e!

"Bakit Dad, paano ka ba na-inlove nang husto kay Mommy?" Si Kirs na tumalungko pa sa unang nasa hita niya at matamang tumitig sa Daddy niya, na iniabot naman ang juice na hawak kay Tita Ady.

"Hmm..." Malalim pang napaisip si Tito Seb at matamang tumitig kay Tita Ady na parang kinikilig na agad kahit na wala pang sinasabi si Tito. Kung sabagay sa gwapo ba naman ni Tito wala lang pakiramdam ang hindi kikiligin sa kanya!

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon