#CBTG #JorTy
********
CHAPTER 15.1.3
Tyrone
Pagpasok ko sa school the next day ay masamang-masama talaga ang pakiramdam ko. Papaano naman kasi ang demonyong Jeric na 'yun, hindi talaga umuwi. As in doon din siya natulog sa condo unit ni Cary kaya doon naman ako natulog sa sofa. Fuck! Sumakit ang katawan ko! Even if I really wanted to sleep beside Jordan, I chose not to. My raging hormones would probably give me a hard time. Fuck this raging hormones!
"Uy, Ty, what's wrong?" tanong pa ni Chance. Kasalukuyan kaming nasa classroom at hinihintay ang next Prof namin.
"Masakit lang ang ulo ko." Sapu-sapo ko ang aking ulo habang nakasandig sa armchair ang isang kamay ko.
"Hindi ka ba nakatulog?"
Umiling lang ako at hindi ko maiwasang mapangiwi sa sakit.
"Kisspirin lang 'yan, dude!" natatawa pang sabi niya sabay mahinang sinuntok ang aking braso.
"Tss..." Sinamaan ko siya nang tingin at humalakhak naman siya.
"Fuck, dude! Obviously, ngayon ka lang talaga nahirapan sa babae!" Gago talaga! Ang lakas tumawa! Aish!
"What do you fucking care?" Umismid ako at nagpatuloy pa rin siya sa pagtawa. What the fuck is so funny?
"Hindi ka maka-score, 'no?" Taas-baba pa ang kilay ng gago. Asshole.
Sinamaan ko lang ulit siya nang tingin at agad naman niyang itinikom ang kanyang bibig. Gagong 'to, a. Don't tell me naka-score na siya kay Kirsten?!
"Have you-?!"
"We're on the same page, dude! Chill!" Itinaas pa niya ang kanyang dalawang kamay habang tawa nang tawa.
"Don't you dare break her heart, Chance. I will fucking kill you!" And, I really fucking mean it!
"That is not going to happen, dude. No way," seryosong sagot niya. "I'm in love with Kirsten."
"You better be," seryosong banta ko pa at napailing lang siya habang nakangiti pa rin.
Naputol na lang ang pag-uusap namin nang biglang pumasok ang Prof namin. I really don't know kung may papasok pa sa utak ko sa sobrang sakit ng ulo ko.
Ito na siguro ang pinakamahabang araw para sa akin. Kahit nakainom na ako ng gamot ay sobrang sakit pa rin ng ulo ko. Damn it!
Kaya naman nang makarating kami sa canteen ay naupo na lang ako sa isang sulok at yumupyop. Pakiramdam ko ay sasabog talaga ang ulo ko sa sakit. Kailangan ko na itulog 'to, pero kailangan ko pang ihatid si Jordan sa work niya. Kakayanin ko pa kaya?
"Jordan, kailangan ng kisspirin ni Tyrone!" malakas na sigaw pa ni Dalton sabay halakhakan pa ng mga gago!
"Yakapsul na rin para mas effective!" dagdag pa ng gunggong na si Vaughn!
"Tsss..." Hindi ako nag-angat ng ulo at nanatili pa rin akong nakayupyop. It's better this way at medyo gumagaan nang kaunti ang pakiramdam ko.
"Kulang sa sex 'yan, dude. Don't tell me hindi pa rin ninyo ginagawa ni Jordan? Come on!" Ang manyak na si Dalton. Ibang klase talaga ang taong 'to. Wala kasing sineryosong babae kaya ginawang sport ang sex. Kung sabagay ay parehas sila ni Vaughn. Ayaw paawat sa pagbibilang ng mga babae.
"I think hindi pa nakaka-score si Ty!" Malakas pang halakhak ni Vaughn at napasunod naman ang iba. Hindi pa rin ako nag-aangat nang tingin at baka masapak ko sila nang wala sa oras. I am not really in the mood for anything.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
Ficção GeralSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...