Photo Credits: Bebe Jhane Elizalde#SoJorTyTogether
********
CHAPTER 24.1.2
Tyrone
Yesterday was probably the most beautiful day in my life for the last three years. Me and Jordan made love all night as if it is really our last. And I guess it was... This is our last day in Tagaytay today. After the seminar we are all heading home. And us, back to reality.
Kung ano ang itinahimik ko the entire day ay gan'un din naman si Jordan. Gusto ko sana siyang kausapin about us but it looks like she made up her mind to end what we have... our love. It fucking hurts that she's really letting me go. I knew that she had the best intention at heart for me, but it's just so hard to accept. Hindi ko kaya... But I needed to be firm with my decision even if it hurts like hell!
Inihatid ko siya sa MRC dahil doon naman talaga siya natutulog. The entire building was already empty though six o'clock pa lang nang gabi noon.
"I had a great time..." Mapait akong ngumiti. I find it really hard to smile knowing that she chose not to be with me.
"Me too..." Kinagat niya nang mariin ang kanyang labi na para bang maiiyak. We can't be emotional right now. I don't think I can take that.
"I need to get going," paalam ko na rin.
"Sige..." Bahagya pa siyang tumango and her eyes teary.
"Bye..." Agad na rin akong tumalikod at mabilis na naglakad palayo. Ayokong makita pa siyang umiiyak dahil baka hindi ko na kayaning pawalan pa siya. Oh fuck, this is harder than I thought! I so love her! Fuck!
The next two days was a complete hell for me. Hindi pa rin sang-ayon si Dad sa plano kong ibenta na ang MRC ng gan'un-gan'on lang since it's a growing company. Nanghihinayang siya dahil malaki raw ang potential na mapalago pa 'yun. But then, he is still my dad. Sinuportahan pa rin niya ako sa mga plano ko since iyon daw ang gusto ko. Ipinipilit niyang mag-usap kaming maigi ni Jordan, but that's a no for me. Hindi ko na kasi alam kung kakayanin ko pa ulit ang rejection. I knew that it would kill me.
Inasikaso ko na rin ang paglilipat sa kanya sa HR sa halip na sa utility. I made sure to secure her future since kilala ko naman ang taong pagbebentahan ko ng company. At isa 'yun sa pinakamahigpit kong request. I still wanted what's best for her because after all, I knew that she loved me.
Pagbalik ko sa office that Monday ay nagpatawag na rin ako ng board meeting. Kumalat na rin ang balitang agarang pagbibitiw ko sa company kasabay nang balita tungkol din sa amin ni Jordan. But that doesn't concerned me anymore. I have people to look after her welfare and I knew that she'll be fine. I also made sure that nobody will ever dare bully her or else, they will get their assess fired.
One hour before the board meeting ay sinorpresa ako ni Jordan sa aking office. Well it's a surprise because I never thought she'll talk to me again.
"Hey, anything I can do for you?" I think alam na niyang ipinalipat ko na siya sa HR. Baka nandito siya para tanggihan ang offer ko maybe. Haist...
"Inilipat mo raw ako sa HR..." Of course... it's so Jordan.
"I did," matipid na sagot ko. "It's what I can do to help you. And, please 'wag mo na tanggihan. I'll be gone and people will never gossip about us. I can assure you that. You can start anew and have a better future."
"Bakit ginagawa mo 'to? K-kahit iniwan na kita, bakit nagagawa mo pa ring maging mabuti sa a-akin?" Nanginig ang kanyang boses at agad na nagluha ang kanyang mga mata.

BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
General FictionSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...