Epilogue

639K 9.8K 1.7K
  • Dedicated kay Fedejiksters
                                    

End Posting:  April 01, 2015

THANK YOU GUYS FOR EVERYTHING! GOD BLESS YOU!

#TeamMahalForever   #TeamJorTyForever

Photo Credits to Bebe Brianna Jan Roger. Beautiful cover bebe. thanks a lot! mwaaaah!

Walang Poreber dahil FOREVER ang meron.  Believe. 

Love, Ate Mommy Dean

********

EPILOGUE

Jordan

Sa totoo lang ay wala na akong mahihiling pa sa buhay ko. Sobrang saya ko dahil nararanasan ko ang maalwang buhay na kailanman ay hindi ko naranasan noon. Ipinagpatuloy ko na rin ang pag-aaral ko dahil iyon na rin ang gusto ni Ty. Ngayong mag-asawa na kami ay mas mahirap ang kontrahin pa siya. Ibinibigay niya ang lahat sa akin at higit pa nga.

Sa ngayon ay medyo busy na rin si Ty sa pagma-manage nang malalaking negosyo ni Daddy Seb. Nakakapanibago pa rin na tawagin ko siyang Daddy kasi naman ay naiisip ko pa rin kung ano ba ako noon. Kahit naman kay Mommy Ady ay medyo may ilang factor pa rin kahit na nga sobrang bait niya. Siguro masasanay rin naman ako. Tutal naman pang habang buhay ang kontrata ko sa minamahal kong asawa.

Nandito ako sa library para sa thesis ko. Medyo nakakapanibago rin ang mag-aral dahil ang tagal kong nahinto. Saglit lang naabala ang pagbabasa ko nang may maulinagan akong mga estudyante na parang nagkakagulo? Huh? Anong mayroon? At sa halip na pagtuunan ko nang pansin ang nagkakagulo ay nag-focus na lang ako sa pagbabasa.

"Busy, Mahal ko?"

Muntik nang malaglag ang puso ko sa gulat.

Nang mag-angat ako nang tingin ay nasalubong ko ang gwapong mukha ng aking asawa. Kagat niya ang kanyang labi habang matamang nakatitig sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" halos pabulong na tanong ko pa at tumayo rin naman ako para sana halikan siya sa pisngi, pero labi niya ang agad niyang isinalubong. Hindi talaga marunong mahiya! Ang daming mga estudyante ang nag-uusyoso sa amin! Haist! Wala pa rin talaga siyang kupas sa mga babae.

"It's late, Mahal ko. We should go home." Agad pa niya akong hinapit sa baywang at tangka na naman sana akong hahalikan, pero tinakpan ko ng daliri ang labi niya.

"Nasa school tayo, okay?" Dinilatan ko siya at ismid lang ang isinukli niya sa akin.

"You're my wife and I really don't fucking care," pasupladong sagot pa niya habang nakakunot ang noo at para pa ngang nainis sa pagpigil ko sa kanya.

"May tipos ka yata? Problem?" Hinawi-hawi ko ang kanyang buhok at siya naman ay malalim na napabuntong-hininga. Alam ko namang pressured siya masyado sa pag-handle nang malalaking negosyo nila.

"I'm okay. Pagod lang siguro," pag-amin din naman niya. "I need your service tonight, Mahal ko. Sobrang miss na miss na kita." Nakakaloko pa siyang ngumiti at alam na alam ko ang serbisyong hinihingi niya. Manyak talaga!

"Akala ko ba pagod ka?"

"Tss... Pampa-recharge rin sa akin 'yun." Ngumuso siya at tangka sanang hahalikan ako, pero umiwas na ulit ako at inginuso ko ang grupo ng mga estudyante na nakamata sa amin.

"Tara na, uwi na tayo."

Bumitiw ako sa kanyang hawak at agad na nilimpya ang mga gamit ko. Halos hindi ko namalayan ang oras sa sobrang pagka-busy ko.

"You haven't change a bit, Mahal ko. Pakipot ka pa rin," iiling-iling pang sabi niya sabay ipinasok ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang slacks.

"Bakit ayaw mo?" Tinaasan ko siya ng kilay at napataas lang din siya ng kilay.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon