I would like to thank JHANE ATIENZA ELIZALDE for this book cover. It was so sweet of you. Try ko y post kahit hanggang one week as promise. Iniiwasan ko lang may selosang kaganapan between my readers na gusto din akong gawan ng book cover. hihi I hope u understand. I appreciate this a lot. So, thank you. I love u! God bless you!
#JorTyCountdownToLove
********
CHAPTER 8.1.5
Jordan
Maaga pa lang ay gumayak na kami ni Tyrone para pumunta sa mansion nila. Ilang araw na naman kaming walang kibuan at hindi ko talaga siya maintindihan. Halata namang nagseselos siya kapag panay ang panghaharot sa akin ni Chance, pero wala naman siyang ginagawa. Ewan ko ba sa kanya! Ngayon nga ay pupunta kami sa beach house nila na hindi ko rin alam kung saan. Hindi ko naman siya matanong dahil parang ang seryoso na naman niya. Kahit na nga sinabi kong mauuna na ako sa kanya dahil magkikita kami ni Chance sa condo ni Insan ay wala lang din siyang reaction. Kumunot lang, pero wala namang sinabi. Bading nga yata itong lokong 'to! Hindi maipaliwanag ang ugali, e.
Palabas na sana ako ng unit niya nang makatanggap ako nang tawag kay Chance.
Jorge, naku medyo male-late ata ako nang dating. Padaanan na lang kita kay Ty, huh?
"Ah, gan'un ba? Sige, ingat ka na lang."
I'll see you later, okay?
"Sige. Mag-iingat ka."
Bye!
"Bye..." At noon ko na nga tinapos ang tawag. Napabaling ako kay Ty na noon pala ay nakatingin din sa akin na para bang alam na niya kung sino ang tumawag.
"Nag-message na siya before pa man makatawag sa'yo," seryosong sabi pa niya habang nakapamaywang. Shit. Ang gwapo talaga! Naka faded jeans at white t-shirt lang siya, pero sapat na 'yun para makaagaw siya nang atensyon.
"Gan'un ba..." Napayuko na lang ako. Paniguradong mapapanis lang ang laway ko sa kanya. Haist...
"I'll just get my keys." Saglit lang siyang pumunta sa kwarto at hindi naman nagtagal ay lumabas na rin.
"W-wala ka bang bag?" puna ko pa.
"Mayroon akong gamit sa beach house," simpleng sagot niya sabay suot sa sky blue Aviator niya. Tangna, lalo siyang gumuwapo!
"Ahh, okay..." Alanganin akong ngumiti dahil kinakabahan talaga ako sa puwedeng mangyari sa beach house nila. Ang plastic ko lang kung hindi ko aamining umaasa ako sa kaunting chance na baka nga may magandang mangyari sa pagsama ko sa kanila.
Hindi naman din nagtagal ay nakarating na kami sa mansion nila. Tuwang-tuwa na sumalubong sa amin si Kirsten kasama ang gwapong lalaki na nakita kong kasama niya noong isang araw. Boyfriend kaya niya?
"I'm glad you came Ate Jordan!" Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "So, where's Chance Daniel?"
"Naatraso lang nang kaunti, pero for sure padating na 'yun."
"Gan'un ba?" Tipid lang siyang ngumiti at binalingan naman ang kapatid niya. "Kuya..." Humalik pa siya sa pisngi ni Ty. Ang sweet lang nila.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
General FictionSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...