#LandiangJorTyPaRin
#CBTG
********
CHAPTER 11.4.4
After two hours kahit na sobrang sama pa rin nang pakiramdam ko ay pinilit ko pa ring bumangon. My Dad taught me to be responsible. Kahit na kung tutuusin puwede akong bumayad ng taong gagawa ng project naming, pero hindi kailanman ginawa. I didn't ever want to fail my Dad especially my Mom, who believed in me.
Maingat akong gumalaw sa pag-aalalang magising ko si Jordan.
"Ty, saan ka pupunta?" Shit. Nagising pa rin siya.
"Kailangan naming tapusin ang project, Mahal ko. You may go back to sleep."
"Huh?" Pupungas-pungas pa siyang bumangon at agad na dinama ang aking noo. "Pero lagnat na lagnat ka pa rin." Nag-aalala pa siyang tumitig sa akin.
"I'll be okay, Mahal ko. Nakakahiya rin naman sa mga ka-groupmates ko. Isang araw na lang naman ang ipagtitiis ko."
"Aish! Ang tigas ng ulo!" Nakipag-unahan siya sa pagtayo at umikot sa gawi ko. "Tutulungan kita. Lahat nang kaya ko namang gawin, ako ang gagawa para sa'yo."
"No, Mahal ko. I'll be fine. May trabaho ka pa rin sa canteen bukas, 'di ba? Ako na ang bahala." Tumayo siya sa aking harapan. Hinawakan ko ang maliit niyang baywang. Tumingala ako sa kanya habang nakaupo pa rin ako sa bed. Pakiramdam ko ay walang lakas ang mga paa ko na tumayo at maglakad.
"Hindi ka rin naman mananalo sa akin. Tara na. Sasamahan kita." Aish! Maipilit din talaga!
"Pero-"
"At 'wag ka na mag-reklamo pa!" Ngingiti-ngiti pa niyang ikinulong ang mukha ko sa dalawa niyang mga palad. "Kahit may sakit ka, ang gwapo mo talaga!" gigil pang sabi niya at hindi ko na rin naiwasan ang mapangiti. Ang weird doon, kahit pa alam kong gwapo ako, kapag siya na ang nagsabi ay mas naa-appreciate ko. And yeah, it may sound gay, pero para akong bata na kinikilig. Damn!
"Hmmm..." Marahan akong tumayo at automatic na siya naman ang napatingala sa akin. Hawak ko pa rin ang maliit niyang baywang at agad ko ring hinuli ang labi niya.
"Ooops! Baka mabaho!" Nahihiya pa niyang tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay.
"I don't think so." Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kanyang kamay niya sa bibig at hindi ko na siya binigyan nang pagkakataong makatakas pa. Mariin ko siyang hinalikan sa labi at tila sabik din naman siyang tumugon. Only Jordan could only make me feel things when kissing. Her smell and taste was really intoxicating. Fuck. I needed to stop! Baka mahawahan ko pa siya nang wala sa oras. "Jeez..." Mariin kong kinagat ang aking labi habang magkadikit ang aming mga noo. "I don't know for how long I will be able to control myself, Mahal ko. Just stop me when you feel uncomfortable, okay?"
Tumango lang siya at namumulang napatitig sa labi ko. Shit, Jordan. Please, don't look at me like you wanted me to kiss you again. I cleared my throat and put a distance between us.
"C'mon. Baka may gising na sa kanila," iwas ko na lang din at mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.
"Sure ka bang kaya mo? Ang init ng palad mo." Bahagya pa niya akong hinila pabalik. But no, Jordan, ayokong magkulong sa kwarto with you. No.
"I'll be okay. C'mon." Hinawakan ko siya sa kamay and maybe, I could get a little help from her. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.
Paglabas pa lang namin sa kwarto ay nakakuha na kami ng attention. And like I said, I really don't fucking care.
![](https://img.wattpad.com/cover/13568181-288-k20856.jpg)
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
General FictionSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...