Chapter 22.4.5

465K 7.8K 405
                                    

CHAPTER 22.4.5

JORDAN's POV (Continuation) 

            

"I plan to sell MRC so, that you can stay with your job and I'll be gone in your life for good."

"Ty, h-hindi mo kailangang gawin, ako na lang ang aalis."

Saglit siyang napatitig sa akin at nag-iwas nang tingin.

"I'll leave, Jordan. So, you can have a peaceful life without me."

Hindi ko alam, pero tumulo na lang ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Nangalog ang aking tuhod at agad akong napasandal sa barandilya.

"Mahal ko..." Gulat pa siyang napadalo sa akin at agad na pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang mga daliri. "Please, don't cry... Ayoko lang na nahihirapan ka kaya gagawin ko 'to."

"Ty, kasi—"

"Naiintindihan kita."

"Ty?" Napakurap lang ako at pilit na hinanap ang katotohanan sa kanyang mga mata. Anong alam niya?

"Come on, let's eat. I'm starving." Pilit pa niyang pinasaya ang kanyang boses at inakbayan ako.

Tumango na lang ako at nagpadala na lang sa kanyang mood. Siguro nga, baka mas mabuti pa ang paraan niya. Hindi ko alam kung ano ang rason na alam niya, pero siguro nga ay mas mabuti 'yun para sa aming dalawa. Baka nga... Baka nga.

Matapos ang lunch namin kasabay ang mga taga Finance ay nagdiretso na rin kaagad sila sa Function Room. Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari doon dahil hindi naman nga ako kasama. Gusto ko sanang mamasyal na lang muna kaya lang ay ayoko rin namang mag-alala pa si Ty kapag hindi niya ako naabutan sa suite.

Nanood na lang muna ako ng t.v. habang nagpapalipas nang oras. Pero dala siguro nang lamig ng panahon ay hindi ko naiwasan ang makaramdam nang antok at nakatulog na pala ako.

Hindi ko alam kung anong oras na noon, pero gan'un na lang ang gulat ko nang makita ang isang kamay na nakayakap sa baywang ko. Si Ty!

Napabalikwas ako at gumapang ang init sa aking pisngi.

"S-sorry... Did I wake you u-up?" pupungas-pungas pang tanong niya at bahagyang nagkusot ng mga mata.

"K-kailan ka pa rito?" Eto na naman ang puso ko!

"T-thirty minutes, maybe..." Humikab siya at dumiretso nang higa.

Tangka sana akong tatayo nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay at pinigilan ako.

"Please, stay here..." sumamo pa niya. Malamlam ang kanyang mga mata habang diretsong nakatitig sa akin. "Please..."

At kahit na hindi man ako sigurado sa pinapasok ko ay tumango na lang ako. Banayad niya akong hinila palapit sa kanya at iniunan ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Mahigpit niya akong niyakap at langhap ko ang bango ng kanyang katawan. Naramdaman ko ang banayad na paghalik niya sa aking noo, pero wala naman siyang sinabi pang iba.

"K-kumusta ang seminar?" lakas loob ko pang tanong.

Malalim lang siyang napabuntong-hininga bago sumagot.

"It's okay. Learning new things," tipid namang sagot niya habang hinahangod ng kamay ang aking braso.

Mahabang katahimikan ulit ang namagitan sa aming dalawa dahil parang hindi gumagana nang maayos ang aking utak. Ano bang dapat kong itanong? Ang awkward naman kasi na hindi kami nag-uusap, pero at the same time ay ayokong umalis sa mainit na yakap niya. Mamimiss ko 'to nang sobra...

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon