#LandiangJorTy
#CBTG
********
CHAPTER 11.1.4
Jordan
So far, ang mga sumunod na Linggo ay sobrang smooth naman nang naging takbo ng relationship namin ni Ty. May mga times pa rin na nagpaparinig ang mga fans niya sa school, pero wala namang nagtangkang saktan ako or gawan nang kalokohan. Kahit nga si Tarah ay himalang nananahimik, pero 'yun nga lang ilang beses na siguro akong sinasaksak sa mga titig niya.
Sina Chance at Kirsten naman ay everyday yatang mas nai-inlove sa isa't-isa. Parang kami lang din ni Tyrone. Unti-unti ay nakikita ko kung papaano niya ako pahalagahan at mahalin sa kabila man nang malaking pagkakaiba namin ng estado sa buhay. Well, may mga times pa rin na umaandar ang pagiging bossy niya, pero wala siyang magawa kapag ako na ang may gusto. Buong puso siyang nagpaparaya para lang makita akong maligaya. Ewan ko ba kung ano ang nakita niya sa akin at gan'un na lang din kabuhos ang pagmamahal niya.
May kung ilang weeks na rin akong nag-stay na ulit kay Cary. Bumalik muna kasi ang German boyfriend niyang si Maxi sa homeland niya para raw mag-asikaso ng negosyo ng pamilya. Ewan ko lang kung kailan babalik 'yun. Pero mukhang seryoso naman sila ni Insan na magsama na sa susunod.
Kinukulit nga ako ni Tyrone na sa unit na lang niya ako tumira, pero kahit gustuhin ko man, ayoko pa ring masira ang pagtingin ng pamilya niya sa akin. Besides, 'yun na rin siguro ang makakabuti para sa aming dalawa dahil medyo tumitindi na kasi na elektrisidad sa pagitan namin. At kung hindi pa ako lalayo ay baka nga may mangyari na sa amin. Hindi naman sa nagpapaka-conservative ako, pero hindi ko pa rin kasi maramdamang handa na ako para doon. Though alam kong matinding pagtitimpi na rin ang ginagawa ni Tyrone para lang 'wag kami umabot sa kama.
Wala ako sa sariling iginala ang aking paningin dahil isang himala na wala ang Mahal ko.
"Chance, nasaan si Ty?" Hindi ko na rin mapigil magtanong bago pa man sila bumalik sa susunod na klase nila.
"Ah, may group project sila. Wala lang magawa at malapit na deadline nila. Hindi ba nagpaalam sa'yo?"
"Hindi, e..." Bahagya pa akong umiling.
"Don't worry, ikaw pa ang matiis n'un," ngiting-ngiti pang sagot niya. "Malapit na ang birthday n'un, a. Any plans?"
"Birthday?" Shit. Hindi ko pa nga pala alam ang birthday niya!
"Don't tell me hindi mo alam?" nakangiwi pang tanong niya.
Kahiya-hiya man, pero ayaw ko namang mag-pretend na alam ko kaya umiling na lang ako.
"What-?" Natatawa pa siyang tumitig sa akin. "Hindi man lang ba kayo nag-uusap? Puro naman yata landian ang inaatupag ninyong dalawa!" Malakas pa siyang humalakhak at agad namang nag-init ang aking pisngi. Mas masarap kayang maglandian!
"Hindi, a!" tanggi ko agad. Defensive yata masyado. Tangna!
"Really?" Tatawa-tawa pa rin siya. Wala sa mukha niya ang kumbinsido.
"Nag-uusap naman kami, 'no! 'Di lang sumagi sa isip namin 'yung about sa birthday..." Naku Jorge, puro ka kasi landi!
"Fine!" nakangiti pa rin siyang umiling-iling. "Next Sunday na 'yun. May time ka pa para pag-isipan ang gift mo sa kanya."
"Gift?"
"Yeah... Not unless sarili mo ang gift mo?" nakangisi pang sabi niya at gusto ko na siyang kutusan sa noo!
"Gago! Bastos!" Sinapak ko siya sa braso at agad naman siyang napaiwas nang mapagtantong hindi ko siya titigilan.
"Chill! Just kidding!" tawang-tawa pang sabi niya. "No wonder ang laki ng takot sa'yo ni Ty, ang lakas mo manuntok! Para kang si Pacquiao!"
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
General FictionSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...