Chapter 10.4.4

670K 8.7K 361
                                    

#CBTG

#MahalKoAngJorTy

********

CHAPTER 10.4.4

JORDAN's POV (Cont.)

Pagpasok sa loob ng bar ay agad naming hinanap ang pamilya niya. Nagsisimula na ring tumugtog ang banda at paniguradong mamaya ay puro sayawan naman. Hindi naman din nagtagal ay agad na namin silang namataan na magkakasama nang nakaupo sa iisang table. May pailan-ilan pa ring makikiring mga babae ang napatili pa nang makita na naman nila ang boyfriend ko. Sorry na lang sila, dahil si Tyrone ay para kay Jordan lang. Lakas din namang makahaba ng buhok ang treatment sa akin ni Ty dahil talaga namang pirmes siyang nakahawak sa baywang ko.

"Eto na pala ang newest artist of the year natin!" Si Dalton na agad pang nagsalita nang malakas kaya napalingon naman silang lahat sa amin.

Agad ko ring namataan ang tila kinikilig na ngiti ni Kirsten sa akin habang nakaakbay sa kanya si Chance.

"Sweetheart..." Si Tita Ady na agad pang inilahad ang kamay niya.

"Mom..." Agad namang yumuko si Ty at hinalikan ang Mommy niya sa pisngi. "You sang really well."

"Yeah, thanks Mom," nahihiya pang sagot niya sabay baling sa Dad niya at tinapik iyon sa balikat. "Dad."

"I've never seen that side of yours, son. You amazed me," nakangiting puri pa ni Tito Seb at kumindat din sa akin.

"Thanks, Dad." Umiling lang siya at ngumiti sa akin.

"Sit right here," sabi pa ni Tito Seb. Umusad sila at binigyan kami ng espasyo na mauupuan, pero tumanggi na akong makisali dahil kailangan ko na magtrabaho.

"Kayo na lang po. May trabaho pa po kasi ako."

"I'll take care of that, Jordan. Join us," iiling-iling na sabi pa ni Tito na tipid pang ngumiti. Ganoon lang talaga kadali sa kanila ang makipag-usap sa owner ng bar? Ganoon ba talaga sila ka-impluwensya?

"Hindi na po, Tito," tanggi ko na lang ulit. "Sige po." Nagmamadali akong lumayo sa kanila dahil paniguradong kukulitin nila ako. Hindi ko na nga nakuhang magpaalam pa kay Ty dahil alam kong isa rin siya mangungulit.

Nang sumapit na ang end shift ko ay nagsipagtayuan na rin sila sa kanilang puwesto. Mukhang ako lang talaga ang hinintay nila.

"Jordan, minsan sa amin ka naman mag-dinner ulit nang makapag-bonding man lang tayo." Si Tita Ady. Wala akong masabi sa kabaitan niya. Ang ganda na at ang bait pa.

"Sige po, Tita," nahihiya pang sagot ko. Nakaka-intimidate ang kagandahan niya kaya hindi kataka-taka kung in love na in love si Tito Seb sa kanya. Sobrang PDA kasi ni Tito. Parang palaging mawawala si Tita kung makakapit.

"I'll be expecting that, Jordan," sagot ni Tita sabay pisil sa aking pisngi.

"Baby, we need to go. I have an early meeting tomorrow." Si Tito Seb na napasulyap pa sa kanyang relo. Ang gwapo talaga ni Dad. Haist...

"Sige, Baby," sagot naman ni Tita Ady bago bumaling ulit sa akin. "Good night, Jordan." Hinalikan niya ako sa pisngi. Ang swerte ko naman dahil kahit gaano sila kayaman ay walang bakas nang pagiging matapobre ang mga ugali nila. Kung sabagay kahit naman si Kirsten ay ang bait din.

"Mag-iingat po kayo, Tita... Tito..." Nahihiya akong tumango sa kanila.

"Ingat din, Jordan." Matamis pang ngumiti si Tita Ady bago balingan si Ty at hinalikan iyon sa pisngi. "Call me more often, Sweetheart. Nakakalimutan mo na ako, e," may paghihinampo pang sabi nito.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon