CHAPTER 24.2.2
Jordan
Hindi ko alam kung tama ba itong pinapasok ko. Pero ano bang gagawin ko? Hindi ko na talaga kayang malayo pa kay Ty. Sobrang mahal na mahal ko siya. May rason naman siguro kung bakit kami pinagtagpo ulit sa pangalawang pagkakataon, 'di ba? Pero sana nga tama itong desisyon kong ito. Hindi ko kakayanin kapag napahamak siya dahil sa kagagawan ko.
Tulad nang pakiusap ko ay hindi na niya binitiwan ang MRC. Wala naman din daw siyang problema sa dapat na bibili since malapit na kaibigan ng pamilya niya ang tao na 'yun.
And as expected din ay kumalat ang tungkol sa amin sa opisina. Nakakagulat lang na wala akong narinig na kahit na ano. Kahit si Isaac ay nananatiling tahimik at walang sinasabi. Iyon nga lang, medyo malamig na siya sa akin. Pero mas mabuti na rin iyon dahil ayoko namang magselos pa si Ty sa kanya.
Hindi na rin siya pumayag na bumalik ako sa pagiging utility. Ipinagpilitan pa rin niyang sa HR na ako bilang Assistant. Gustuhin man daw niyang palitan si Luhan na personal assistant niya ay hindi rin daw makakabuti para sa kanya dahil magiging distracted lang siya sa trabaho dahil sa presensya ko. At baka sa halip na trabaho ay asawahin na lang niya ako. Ang manyak talaga! Tsss...
Ngayon nga ay pauwi na kami sa bagong tirahan niya. Hindi pa naman daw niya binibitiwan ang dating condo unit niya at tamang kumuha lang siya ng kwarto sa hotel dahil iyon ang malapit sa MRC. Pero pagbungad pa lang namin sa hotel ay agad kong nakita ang pagkalaki-laking initials ng pangalan niya! T.G. Luxury Hotel! Tangna lang...
"H-hotel m-mo?" Hindi ko naiwasang mapalunok. Grabe na pala talaga ang agwat naming dalawa, pero mas pinipili pa rin niya ako sa kabila nang lahat nang mayroon siya.
"Ohh, is it too obvious?" Nagkamot pa siya ng batok.
"Gago ka ba? T.G. Tyrone Greene... Tss..." Umirap ako at humalakhak lang siya. "At ayan puro clover leaf ang design ng floor. Paanong 'di magiging obvious?"
"Oh, well..." Napakibit-balikat lang siya at inakbayan ako.
Naglakad kami sa kahabaan ng engrandeng lobby at binati siya ng mga staff doon.
"Good evening, Sir," kabi-kabila ang mga bati sa kanya, pero tanging matitipid na ngiti at tango lang ang pinawalan niya. At tangna lang, kapag pala gan'un ang lakas maka-inlove. Ang professional kasi nang dating niya!
"Ang gaganda ng mga receptionist mo, huh." Fine! OA na kung OA, pero naiisip ko pa lang na nagkaka-interes siya sa iba ay selos na selos na ako.
"I still like it when you're jealous, Mahal ko. No, I'm loving it, actually. You're too cute," nakangiting sabi pa niya habang palapit na kami sa concierge. "But you have nothing to get jealous. My eyes are set only for you."
"Dapat lang!" nakaismid pang sagot ko.
Humalakhak lang ulit siya sa aking sagot at bahagya akong kinabig para halikan sa noo.
"You can always be sure about that," dagdag pa niya.
Ngumiti ako sa kanyang sinabi at iniyakap ang aking kamay sa kanyang baywang. Paglapit namin sa concierge ay agad niyang kinausap ang dalawang receptionist na obviously ay nagpapa-cute sa kanya.
"Any messages for me?"
"Sir, hinihintay po kayo ni Ma'am Tiffany..." Huh? Sabay kaming napalingon ni Ty sa engrandeng waiting area at nakita nga naming nand'un si Tiffany na tila nakakita ng multo sa pagtitig sa amin.
Mahigpit na hinawakan ni Ty ang aking kamay at tipid na ngumiti bago ako hilahin palapit sa tulalang si Tiffany.
"Hey, Tiff," matabang na bati lang niya.
"A-are y-you out of your mind, Ty?" Agad na nangilid ang kanyang luha at matalim akong tinitigan. "Iniwan ka na ng babaeng 'yan, 'di ba? Tanga ka ba?"
"I know..." Malamig pa rin ang tono niya at malalim na napahugot nang buntong-hininga. "But I love her, Tiff... and I'm sorry..."
"W-what-?" Noon na siya tuluyang umiyak at tangka sana akong sasampalin, pero naagapan ni Ty ang kanyang kamay.
"I wouldn't do that if I were you," matigas pang sabi niya at pagalit na binitiwan ang kamay ni Tiffany. "'Coz if you do, you'll never get to step on my building ever again."
"B-but Ty-? I thought you love me?"
"I never told you I love you, Tiff. You just assumed." Umismid siya at agad akong inakbayan.
"Ty-?"
"Goodbye, Tiff." Tatalikod na sana kami nang magsalita ulit siya.
"You can't just walk away like that, Ty," galit pang sabi niya.
"I can, Tiff. I can," seryosong baling pa niya na mas lalong nagpaiyak dito.
Umiiyak na nagwalk-out si Tiffany kaya naman nakakuha siya nang atensyon. Ibig kong maawa dahil alam kong mahal niya si Ty.
"Kausapin mo siya... Kawawa naman..." Kinurot ko siya sa bandang tiyan at umiling-iling lang siya sa akin.
"I have nothing to tell her because she knew how I felt about you." Pinisil pa niya ang aking pisngi.
"Ang landi mo kasi!" Ngumuso ako at muli na naman siyang natawa.
"Come on. Kung anu-ano 'yang sinasabi mo." Inakbayan niya ako at muli kaming lumapit doon sa concierge.
"I want a duplicate card key for my wife tomorrow morning." Huh? Ano raw? Wife?!
"S-sir?" taka pang napakunot ng noo 'yung receptionist. Sino ba namang hindi magugulat d'un? Loko talaga!
"Name it after Mrs. Jordan Greene, okay?" Walang pakialam na sabi lang niya kahit na laglag ang panga ng mga nakarinig. As in natigilan sila at tumitig sa akin. Aish, siraulo talaga!
"Remember this beautiful face, okay? Or I'll fire all of you." Iginala pa niya ang kanyang paningin sa ilang empleyadong nakikinig. Ang hard talaga... Tsss... "Understand?"
Nagtanguan lang ang mga empleyado at pilit na nagsipag-ngitian sa akin.
"Puro ka kalokohan..." Pasimple ko pa siyang kinurot sa tagiliran at bahagya lang siyang napaigtad.
"Just letting them know that I'm taken and you're taken by Tyrone Greene."
"Baliw ka na..." Inikot ko ang aking mga mata kahit sa totoo lang ay kinikilig ako nang sobra.
"Baliw na baliw sa'yo," dugtong pa niya sabay mabilis na kinudlitan ako nang halik sa labi.
Agad na nag-init ang aking pisngi sa kanyang ginawa at napatingin d'un sa mga empleyadong mas lalong nakumpirma ang sinabi ni Ty sa kanila. Matapos noon ay hinila na niya ako palapit sa private elevator.
"Kung anu-anong sinasabi mo. Mrs. Jordan Greene ka diyan!" Umismid ako at iiling-iling naman niyang hinapit ang aking baywang.
"You'll be Mrs. Tyrone Greene. Soon. So, you'll never have to leave. Ever."
"Paano kung ayaw ko?" biro ko pa at pigil na ngumiti.
"I'll never give you that chance, Mahal ko. Even if that means you'll hate me for loving you too much."
"Ang seryoso naman..." Ngumuso ako at pinisil lang niya ang aking ilong.
"Ayoko lang mawala ka ulit sa buhay ko..." Hinawi-hawi pa niya ang ilang takas na buhok at inilagay iyon sa likod ng aking tainga. "Hindi ko kakayanin..."
Napatitig lang ako sa kanyang gwapong mukha at ako na mismo ang humalik sa kanya. Hindi ko na rin naman kakayanin na wala siya sa aking buhay. Pakiramdam ko ay ikakamatay ko. Minsan na akong nagkamali nang iwanan ko siya. Hindi ko na kayang ulitin pa.
Hindi na.
**********Dear Readers/Angels,
Pasensya na po, maigsi lang ang UD nito. Hindi ko magawang i-check susunod na chapter. Walang 1500 words to. Pasensya na po. I am totally not myself today. Ingat na lang po. Try ko na lang mag UD ulit by wed and fri. I'll try but I can't promise.
Ate Mommy
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
General FictionSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...