Chapter 18.1.2

408K 7.3K 983
                                    

#JorTyFastForward

********

CHAPTER 18.1.2

Jordan

Halos tatlong taon na ang nakakalipas simula nang lisanin ko ang mansion nila Ty noong gabing iyon. Yes, iniwan ko si Ty. Iniwan ko ang lalaking pinakamamahal ko para na rin sa kaligtasan ng pamilya nila. At sa tatlong taon na 'yun, araw-araw akong nasasaktan at hindi ko magawang makalimot. Pero kailangan kong gawin 'yun para manatiling ligtas si Ty. Hindi ko kakayaning may mangyaring masama sa kanya. Hindi ko kaya.

Wala akong sinabihan kahit na isa sa pamilya ko kung saan ako nagpunta. Tamang tinawagan ko lang noon si Cary at ang mga magulang ko sa probinsya, pero wala akong sinabing dahilan. Nagkunwari akong nag-abroad kahit na sa totoo lang ay nandito lang din ako sa Pilipinas at sinadyang lumayo lang sa mga mata ni Tyrone. Mas pinili kong manahimik at mas mainam na rin 'yun para madali kong makalimutan ni Ty.

"Uy, ang lalim na naman ng iniisip natin, a." Si Isaac. Kasamahan kong utility rin sa papasikat na recording company.

Clerk sana ang papasukan kong trabaho rito, kaya lang sa dami nang naga-apply na trabaho na tapos ng college, natural na mauungusan ako dahil hindi naman ako tapos ng college. Kaya lang desperada na rin ako at walang-wala na talaga akong pera. Hindi ko magawang humingi nang tulong kahit na kanino dahil ayokong may makaalam sa kinaroroonan ko. Pinatulan ko na talaga kahit ang pagiging utility may ipambuhay lang sa sarili ko. Kahit papaano naman maayos-ayos ang pasuweldo at may kaunting benepisyo kaya pinagtiyagaan ko na rin kaysa wala.

"Hindi naman. Nalipasan lang ako ng gutom," palusot ko lang. Madalas naman kasi akong nawawala sa sarili sa tuwing mararamdaman ko ang pangungulila kay Ty.

"Sus!" Iiling-iling pa siyang ngumiti at agad na inilabas ang dala-dala niyang lunchbox tuwing pumapasok sa trabaho. Matagal na rin siyang utility sa company na ito. Tulad ko, nangarap siyang magtapos ng college, pero dahil sa kakapusan sa pera ay hindi rin siya nakapag-aral. "Eto o, ipinagtira kita! Magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo, e."

"Sorry naman, ang dami kasing dumi ngayon sa finance. Mukhang sobrang busy nila."

"Oo nga. Bali-balita ay iba na raw ang mag-manage ng MRC (Music Recording Company). Ewan ko lang kung totoo kasi parang palagi namang gan'un at hindi naman natutuloy. Mukha pa rin ni Madam Lulu ang nakikita ko," natatawa pang sabi niya sabay bukas sa lunchbox na dala niya. Ngayon ko na lang naramdaman ang sobrang pagkagutom. "Sige na, kainin mo na!" Inilagay pa niya sa harap ko ang pagkaing dala niya. Isang dagunot na kanin at adobo lang naman na may kamote ang laman noon. Pampadami din daw ang kamote at wala siyang budget masyado para sa karne. Kuripot din talaga!

"Thanks, Isaac, huh. Hulog ka talaga ng langit sa akin."

"Nambola ka pa! Tsss..." Nakangiting umiling lang siya at sinimulan ko na nga ring kumain. Shit. Gutom na talaga ako! E, anong petsa na kasi, lagpas na alas dos nang hapon ang lunch ko.

"Jorge, hija!" Si Aling Mameng na bigla na lang sumulpot sa headquarters namin. Ang luwag nang pagkakangiti niya at para bang may hatid siyang good news.

"Aling Mameng, kain po!" alok ko pa.

"D'yaskeng, bata ka! Ngayon ka pa lang kumakain ng tanghalian?! E, talaga palang magpapakamatay ka, e, 'no?" May panermong himig pa niya at naupo sa katapat na upuan ko.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon