Ikalawa💖

79 8 0
                                    

Isa akong teacher sa isang private school at ganun din siya. Kami ay nasa sitwasyong LDR.
Kaya't sa text, tawag o chat sa messenger lang kami madalas nakakapag-usap.

Kaya't isang gabi habang ako ay nagmumuni muni sa kadiliman ng paligid, tumunog ang aking selpon. Agad ko itong sinagot nang nakitang si Simon ang tumatawag. Umubo ubo muna bago nagsalita. Ahem

"Hello" nakangiti kong bati. As if naman nakikita niya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Wala, nakahiga na"

"Matutulog kana ba?"

"Oo sana"

"Bakit sana?"

"Tumawag ka eh. " hahahha. Geeez. Nauuso na naman ang pick-up lines dito.

Narinig ko ang malutong niyang tawa sa kabilang linya. Gumulong-gulong ako sa kama sa kilig, inaayos ko ang kumot ko bago siya muling nagsalita.

"Pupunta ako sa inyo sa weekend"

"Hmmm. Sige, hihintayin kita" kinikilig pero deretso kong wika

"Sige, I miss you Eii, I can't wait to see you" wika niya. Umiinit ang mukha ko sa sinabi niya, tumayo ako bigla para magsalamin, sinasabi ko nanga ba! . Mukha na akong kamatis. ! Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Sige. See you" tsaka ko pinatay ang tawag.

Ano kayang gagawin niya dito sa weekend?. Medyo matagal tagal nadin nung nagpakilala siya at hanggang ngayon ay nanliligaw padin. Tatanungin na niya kaya ako kung maaaring  maging kami na?.  I can't wait for the weekend to come.

Bilang isang 20 year old na babae, mabilis lang akong kiligin sa mga simpleng bagay. Pumifeeling bagets panga ako minsan.

Si Simon, he's a year older than me. Mabait, masipag, gwapo. Nasakanya na ang lahat. We were bestfriends before he asked me kung pupwede niya ba akong ligawan, akala ko nga nagbibiro lang siya eh. He always says "tayo nalang kaya, kilala na natin ang isa't isa, dina tayo mahihirapan" and I always reply "adik kaba?". Pero sa loob loob ko, "sana nga".

Who'd have thought na seseryosohin niya?. Akala ko hindi niya kakayanin.

Simon's family is a simple one like ours. Unlike him, hindi ko pa nakikita sa personal ang pamilya niya, kahit na gusto ko ay dumadalagang pilipina ako dahil natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao. Ayokong pag isipan nila kaming dalawa ng masama.

Alam niyo naman diba?. Our world is full of judgementals, tabi tabi po.

Nakatulog ako sa pag-iisip.

"Eii!!  Gumising kana!!" Sigaw ng ate ko, habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko.

Kinuha ko ang unan at tinakip sa magkabilang tainga ko. Urggggh.

"Eii, gumising kana!. Nandito na si Simon!" Sigaw ulit ni ate. Dahilan para mapabangon ako bigla. Tumayo ako at agad kumaripas sa pinto, bubuksan ko na sana ngunit naramdaman kong halos hindi ko mabuka ang mga mata ko, kaya't napa atras ako para pumunta sa banyo ng kwarto ko, doon ay nakita ko ang mata kong punong puno ng stars hahahha. Agad kong ini on ang faucet at naghilamos, nag toothbrush nadin para fresh breath, hindi ba??.

Ready nako!. Pumanhik nako palabas, pababa na ako ng hagdan nang narealize kong lunes palang pala ngayon at kailangan kong pumasok sa  school. Naisahan ako ni ate ah. Mabilis kong tinahak ang daan papuntang kusina, naabutan ko silang nag aalmusal na.

"Gising na pala si mrs Trejada" panunudyo ng bunso kong kapatid. Inirapan ko lang siya tsaka humarap na sa hapag.

"Ate, magpapaturo ako mamaya gumawa ng TOS ah" pabor ko kay ate sabay abot ng ulam at kanin.

"Mamayang gabi na yan Eii. Madami din akong gagawin eh" tumango tango ako sa sinabi ni ate. Isa din siyang teacher, buti nalang at nandidyan siya.

"Bilisan mo na diyan Nii, malelate kana naman, dika pa nakakaligo" utos ng nanay ko sa bunso kong kapatid.

Pagkatapos kumain ay pumanhik na ako sa taas para maligo. Eksaktong 7:00 am nang nakarating ako sa eskwelahan.

Araw-araw, simula ng nagsimula akong magturo ay lagi kong tinatanong sa sarili ko kung ito ba talaga ang gusto ko, kung ito ba talaga ang landas na nais kong tahakin, kung dito naba talaga ako? Hanggang hanggan. Hanggang ngayon ay may mga bagay pading bumabagabag sa akin. Is this really for me?. I am setting that thought aside everytime.

Pumasok ako sa classroom ko at sinimulan nang magturo. Iniwan ko lahat ng dapat isipin sa loob ng bag ko. Mamaya ko nalang iisipin ulit pagkatapos ng trabaho..

Lunch time na nang i check ko ang phone ko.

"Don't skip any meal" text ni Simon.

"I won't. Thank you. Ikaw din" reply ko sakanya.

"Bes!, si Simon ba yan?" Tanong ng co-teacher/bestfriend kong si Mira. Kararating niya lang at nilapag niya ang biniling pagkain sa table namin.

"Oo" sagot ko sabay lagay ng phone sa bag ko at hinarap ang pagkain.

"Kumusta naman kayo?" Tanong niya habang ngumunguya.

"Maayos naman" sagot ko. Tumingin siya sa akin na may halong pang aasar at panunudyo. Inirapan ko lang siya.

"Kumain nalang tayo"  wika ko pa.

Tumango tango naman siya at ginugol ang atensiyon sa pagkain.

Bumalik na kami sa kaniya kaniya naming classroom dahil malapit ng mag ala una.

This is my life and I find it plain but not boring. I like teaching, it's great pero hindi ko mahanap sa sarili ko ang sobrang pagka gusto dito. Simon always tells me na dito nalang ako, na mas okay na magturo nalang ako, kaming dalawa. Sa loob loob ko,oo, maganda nga iyon pero parang may mali. May mali sa akin, may ibang bagay akong gustong gawin ngunit hindi ko lubos maisip kung ano yun.

"Nay, ako na po ang magsasaing" wika ko sa nanay ko sabay panhik sa taas. Nagpalit ako ng pambahay at dumeretso sa kusina.

Habang naglalagay ako ng bigas sa kaldero, nagsalita ang nanay ko.

"Kumusta ang pagtuturo, nak?" Tanong ni nanay. Isinalang ko sa kalan ang kaldero tsaka nagsalita.

"Maayos naman ho nay" sagot ko. Lumabas kami ng kusina at dumeretso sa sala. Wildflower na pala.

"Mag-iisang taon kanang nagtuturo" wika ni nanay..

"Opo" sagot ko. Hindi ko alam kung bat ako tinatanong ni nanay ng ganito.

"Hindi ba, sinabi mong gusto mong mangibang bansa?" Sabi ni nanay, dahilan para mapalingon ako sakanya.

"Opo nay, bakit?" Interesado kong wika. Hininaan ko ang volume ng tv at hinintay ang nanay kong sumagot.

"Iyong tita mo kasi, gusto niyang kunin ang ate mo, ayaw ng ate mo. Kaya ikaw ang naisip ko." Wika ni nanay, dahilan para mapangiti ako ng napakalapad. Yes! Yes! Yes!. Ang tanong?. Anong gagawin ko sa ibang bansa?.

Pagkatapos mag hapunan at dumeretso na ako sa kwarto ko. Ini open ko ang laptop at nagsearch ng mga job offers abroad. May DH, factory worker, teacher,nurse at marami pang iba. Ngunit may isang site na pumukaw sa paningin ko.

EM(Elite Magazine)
Hiring: photographer(5 vacancies)
             Secretary/asst. Secretary(1 vacancy)
👉click here for the salary

Pinindot ko iyon at nakita ko ang tumataginting na 5 digits in dollars. Wow! Just wow!.

Ito ang gagawin ko, last summer, kumuha ako ng kursong photography sa TESDA kaya't may NCII ako dito.

Bumaling ako sa kama at humiga doon, kinuha ko ang planner ko na nasa bedside table, binuklat ko iyon at isinulat ang mga plano ko sa buhay. I made up my mind. Mangingibang bansa ako. I will be a successful photographer. I can't wait to tell Simon about my plans.
             
*****
Don't forget to leave a vote and a comment. Thank you😍😍

#will publish a new story soon.

LOVE TAP💔💖#watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon