Ika dalawampu't-anim💔💔

47 6 0
                                    

"Wala" pagbawi ko. My gosh. Nakagawa ako ng malaking kasalanan..

"You opened my computer?" Pagalit at madiin niyang tanong. Patay!.

"Sorry, nakita ko kasi yung nilalay out mo sir, kaya tinignan ko na. Magbobrowse pa sana ako ng ibang pictures, tapos nakita ko iyong folder pero wala akong nakita. " mahaba kong pagpapaliwanag.

Umayos siya ng upo at isinandal ang likod sa upuan. Humalukipkip siya at hindi na nagsalita.

"Sorry na po" pagpapacute ko sakanya. Inirapan lang niya ako at hindi nagsalita.

Tumayo ako at ginaya ang galaw ni Kathryn Bernardo.

"Sorry po" with matching puppy eyes na parang kinakagat niya dahil nakita ko siyang ngumiti..

"That folder, its password is the day I first saw her" wika niya. Bumalik ako sa pagkakaupo at napaisip. The first day he saw her?. Eh sino nga si her?.

Inubos ko ang kape at tumayo na.

"Goodnight sir" wika ko. Tumango naman siya kaya lumabas na ako kwarto

Now that i figured it out. Patay na patay talaga siya sa babaeng iyon. Tsk. Tsk

Wala namang ginagawa si sir pero pakiramdam ko, hindi na nakukumpleto ang araw ko pag hindi siya nakikita. Nababawasan ang sakit na nadarama ko kapag dinadamayan niya ako at gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakausap siya. Anong klaseng pakiramdam ba ang ganito?. Madalang ko nalang na naiisip si Simon, pero kapag naiisip ko naman siya ay nasasaktan parin ako. Ano naba talaga??..

Dumeretso ako sa kwarto ni ate Vii dahil doon ako matutulog.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto niya nang maalala ko ang imbetasyon, bumaba ako at dumeretso sa harapan ng TV. Nakita ko ang munting scented paper na nakarolyo, nakabalot ito sa isang transparent na lalagyan, ang papel ay may kulay na silver at gold. Nakakatawa. Natatawa ako na naiiyak, binuksan ko doon ang imbetasyon at lalo lang akong napaluha, napaluha sa sobrang sakit.

Mira L. Angeles
Simon Alfred M. Trejada.

Totoo nga??. May pa "you are cordially invited" pa silang nalalaman. Ang mga walang hiya. Nilukot ko ang imbetasyon gamit ang kamay ko. Galit ako, galit na galit ako. Pero wala akong magawa, hindi ko masisi ang kahit sino sa kanila, isinisisi ko ang lahat sa akin.

Pumanhik ako sa kusina at kumuha ng beer, kahit ngayon lang. Nilagay ko sa case ang beer at kumuha ako ng isang bucket ng yelo, dumeretso ako sa likod at pumasok sa kubo. Tulog na ang lahat kaya okay na ito. I will get drunk. Yes. I needed it. Lulunurin ko ang sarili ko.

Ini on ko ang ilaw sa kubo at naupo doon..

Isinalampak ko ang sarili ko at binuksan ang isang bote.

Isa. .  . 

Dalawa.. ..  

Pakiramdam ko ay namamanhid na ang katawan ko pero kaya pa.

Tatlo. ..

Apat. .. 

Hahahahahah. Nakakabaliw.

Hindi ko na mabuksan buksan ang pang lima. Walang hiya, bakit dalawa ang hawak kong bote? Paano naging dalawa ito.hahahahha

"Drunk enough?" Isang baritonong boses ang pumigil sa akin sa pagbubukas ng pang limang bote. Nahihirapan narin akong ibuka ang mga mata ko kaya't medyo malabo na ang dalawang magagandang nilalang na nasa harapan ko.

"Tama na yan" wika niya. Hahahha. Si ano pala ito eh.

Sinusubukan ko siyang ituro ngunit hindi ko maigalaw ng maayos ang katawan ko. Hahaha. Si ano to.

LOVE TAP💔💖#watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon