Nakatitig lang ako sa laptop ko, break time na pala at kailangan ko ng pumunta sa canteen para bumili ng meryenda. I went to the canteen and bought the same food always. For 3 years, ito na ang ginagawa at nakasanayan ko.
"Eii, you're late for lunch" wika ng nagseserve.
"Yeah, i'm kinda busy editing" sagot ko pabalik. Tumango tango siya at ngumiti.
"Thank you" wika ko sabay kuha ng inabot niyang tray.
Kinuha ko ang tray at dumeretso sa cubicle ko. For 3 years, hindi ako kailanman kumain sa canteen ng EM. For 3 years, mag-isa lang ako at walang kasama. For 3 years, naging independent ako. Hanggang ngayon, kinakaya ko padin.
Umupo ako sa upuan at inilapag ang tray sa harapan ko, iginilid ko ang laptop at ilan sa mga papel na nakaharang doon.
"Alone again?" Tanong ng officemate kong si Jia.
"Yeah, always" sagot ko tsaka hinarap ang pagkain.
"Pupwede ka naman kasing jumoin samin Eivhon, bakit nag iisa ka palagi?" Tanong niya. Si Jia ay isang filipina. Last year ko lang nalaman na Pilipino pala ang may ari ng sikat na Elite Magazine, kaya't ang ibang mga trabahador dito ay mga pilipino.
Ngumiti lang ako sa sinabi niya at iginugol ko na ang oras sa pagkain. May mga i eedit pa ako para sa bagong cover ng magazine. Tinapik niya ako sa balikat ang umalis na. Napabuntong hininga ako, bakit nga ba?. Bakit nga ba ako mag isa?.
Kasi, kasi baka nasanay na ako?. Kasi umaasa ako na sasamahan ako ni Simon. Si Simon na iniwan ko sa Pilipinas. Madalas parin naman kaming mag usap ngunit hindi na gaya ng dati, hindi na parang sa dati.
"Simon,let me explain" sabi ko ng minsang dumalaw siya sa bahay. Tatlong linggo bago ako umalis.
"Anong nangyari Eii?" Punong puno ng lungkot ang mata niya. Nakukunsensiya ako sa nakikita ko.
Yumuko ako bago magsalita, "alam kong hindi ka papayag". Narinig ko ang mabibigat niyang buntong hininga.
"Kaya inilakad mo ng hindi sinasabi sa akin?" Nakatingin siya sa akin dahilan para mapayuko ako, hindi ko siya matignan sa mata. Naguguilty ako.
"Sorry. Pangarap ko to" mahina kong wika habang nakayuko.
"Bakit hindi mo sinabi?" Madiin niyang wika.
"Hindi ka papayag na umalis ako, alam ko iyon" tumingin ako sakanya,nakatingin parin siya sa akin, nakatitig. May halong galit at lungkot sa mga mata niya, namumula ito, may mga luhang nagbabadyang tumulo ngunit pinipigilan niya.
"Kaya?. Aalis ka nalang?" Mapagdudang tanong niya.
"Paano naman ako?. Paano naman yung tayo?" Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitawan niya.
"Maghihiwalay ba tayo?". Tumingin ako sa kanya, umiling iling ako sa sinabi niya. Hindi, hindi ganun.
"Gusto mong suportahan kita?" Malungkot niyang tanong. Tumango ako sa sinabi niya.
"Eii, the president wants to see you" sabi ng officemate ko, dahilan para mapabalik ako sa realidad. That was three years ago. Kumusta na kaya si Simon?. Mahal pa kaya niya ako?. Ako parin kaya. I don't have the courage to ask.
"Eii, in five minutes" iritang wika ng katrabaho ko.
"Ahh, yes! Yes!." Sagot ko sakanya, umiiling niyang nilisan ang harapan ng cubicle ko.
Anong kailangan ni boss sa akin?. Bukas pa naman ang deadline ng cover ah.
Iniayos ko ang sarili ko bago tumayo, kinuha ko ang laptop at pumanhik na sa 15th floor kung nasaan ang office ng boss ko.
Nagtaka ako dahil wala si Amy sa receiving area. Kumatok ako at pumasok sa loob.
"Sir, you're looking for me"pormal kong wika sa boss kong halos ka edad ko lang. They said, he's 26?.
Itinigil niya ang pag harap sa mga papeles at hinarap ako. Tumango siya bago magsalita.
"Take your seat" wika niya. Sinunod ko naman ang inutos niya at umupo.
"Be my secretary" wika niya. Dahilan para kumunot ang noo ko.
"I'm your company's photographer, Mr. Montenegro" deretso kong wika. Ni hindi ko pinangarap maging sekretarya.
"I know. As you can see, Amy is not around. I fired her" masungit niyang wika. And so?. Bakit ako?. Nananahimik ako.
"Bakit ako sir?" Curious kong tanong.
"Your independent, you're hardworking. I want you to be my secretary" plain niyang wika. Naka poker face siya habang nagsasalita. Tssss. Ni hindi ko pinangarap maging utusan at taga timpla ng kape.
"But, sir" itinaas niya ang kanyang palad, senyales na tumigil ako sa pagsasalita.
"I will double your salary". Napalunok ako sa sinabi niya. Huwatt???. Double?. My salary is 15,000 dollars. Kung dodoblehin magiging 30,000. Tumingin ako sakanya, sinuri ko kung jinojoke niya lang ba ako o hindi. Wala akong makitang bakas ng pagbibiro. Kumunot ang noo niya.
"Your stare is strange" deretso niyang wika. My gosh. Oo nga. Hindi kaba naman magtaka?. Double the salary?. Why?. Para saan?. Secretary?..me????. Really.
"Be my secretary" pag uulit niya.
Tumango ako, nagets na niya iyon. Kung ano pa man ang iniisip ni sir, ay wala iyon sa akin.
"Secretary/ photographer?" Paglilinaw ko. Umiling siya.huwat?
"Just, my plain secretary" wika niya.
"My contract will end this year sir" paglilinaw ko.
"It's fine. Just until your contract ends then" tumingin siya sa akin. Napaka cold ng features niya. Sayang, napaka good looking pa naman niya.
"If your answer is yes. You can start right this instant" poker face niyang wika.
"What about the cover I am working on sir?" Tanong ko. Siyempre. Bukas and deadline noon,inaasahan din ng team ko na maipapasa ko na iyon mamaya sa meeting.
"Continue with that. That's your last project, this year's magazine cover". Wika niya. Hindi na niya hinintay ang sagot ko at bumalik na siya sa kanyang ginagawa.
"Excuse me sir" paalam ko sakanya. Tumango naman siya. Kaya lumabas na ako.
Anong nangyari?. Ako?. Secretary ng president?. What a big offer. Sinong tatanggi sa nakakalulang offer niya. Pero bakit?. Bakit ako?.
Pagbalik ko sa office namin ay nakatingin lahat ng mga katrabaho ko sa akin. Actually, hindi sa akin kundi sa likod ko. Napagitla ako nang nakita ko kung sino ang nasa likuran ko. Pagtingin ko sa cubicle ko ay nakita kong hinahakot na ito ng mga untility staff ng kumpanya. Just, what the f is happening?..
Nilagpasan ako ni sir at tumayo sa podium na nasa bungad lang ng office.
"Good afternoon sir" bati ng lahat. Tumango lang siya. Ni hindi manlang ngumiti. Napaka suplado naman talaga neto eh.
Agad akong dumeretso sa cublicle ko at tinulungan mag ayos ng gamit ang mga US, bakit ko nga ba sila tinutulungan?. Inaayos ko ang mga papers ko nang bigla siyang nagsalita,
"From this day on, miss Antonio will be my secretary" wika niya. Dahilan para mapa ohh ang lahat, namilog ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Yumuko ako dahil sa hiya. Tatlong taon akong naging photographer tapos magiging sekretarya ako ni boss. Iniangat ko ang ulo ko at isa isa silang tinignan at nginitian. Isang awkward na ngiti ang iginawad ko sa lahat.
*****
Don't forget to leave a vote and a comment. Thank you😍😍

BINABASA MO ANG
LOVE TAP💔💖#watty2018
Chick-LitHighest rank on chicklit is #73. Thankyyy. Please do read my story. Matatawa ka, maiiyak ka, masasaktan ka, mababaliw ka. Heheh. Joke lang. Enjoy ********** Are you willing to take a risk? Kahit alam mong hindi na siya para sayo. Are you willing t...