Ika-walo💕💖

48 6 0
                                    

Gusto ko lang mapag isa ngayon. 8 pm na at nandito padin ako. Hindi na ako pumupunta sa bar kahit tawag ng tawag si Betty. Ayoko munang ma associate sa mga bagay bagay na mag papa alala sa akin kay Simon.

Busy ako sa paggawa ng draft nang biglang may umubo sa harapan ko. Sa gulat ay napatayo ako bigla.

"How long will you stay here?. "Iritadong tanong niya.

"Tinatapos ko lang itong cover sir. Tsaka nagdadraft nadin para sa content" sagot ko. Hindi padin ako umuupo.

"Go home"pag uutos niya. Pumasok ulit siya sa loob at iniwan ako sa labas.

Naupo ako sa upuan ko. Tatapusin ko nalang ito sa bahay. Iuuwi ko nalang. Eivhon. Okay lang yan. Iuwi mo nalang.

Wala pang limang minuto ay bumalik na si sir. Dala ang car keys niya. Car keys??. Dito lang naman siya nakatira ahh.

"Let's go" pag aaya niya. Ako nama'y parang asong ulol na tumango at sumunod.

Paglabas sa lobby ay nagsalita siya.

"Wait here". Iniwan niya akong bigla at naglakad papuntang garahe. Segundo lang ata ang hinintay ay nakita ko na ang sasakyan niyang tumigil sa harapan ko. Bumaba siya doon, sa pagbaba niya'y nag slow motion ang lahat. Si sir, para siyang comercial model ng isang beauty product para sa lalaki. He's perfect. Pero mas perfect yung kilala ko. The memory drown me. Ibinaling ko agad ang tingin ko sa kaliwa. Naramdaman ko na naman ang kakaibang sakit. Sobrang kirot.

"Get in" binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya para sa akin. Itinuro ko ang sarili ko, sabay tingin ng ako-po-ba look.

Tumango lang siya at nakita ko na naman ang iritable niyang mukha. Fine. Fine. Sumakay ako sa sasakyan niya at?.

"I'm taking you home" deretso niyang wika. Without even looking at me. Talaga naman??. You want to get rid of me that fast. Kaya ihahatid mo na ako para lang hindi mo na makita sa office mo??.

"Hindi na sir. Sa plaza nalang po" paki usap ko.

"May pupuntahan kapa?" He suddenly asked. Himala?

"Wala na po. Ayoko lang umuwi"i plainly said.

Hindi na siya sumagot. Nagmaneho nalang siya papuntang plaza.

"I know a place." Hindi na ako umangal sa sinabi niya. Hinayaan ko nalang siya. Kahit ngayong gabi lang. Gusto kong magpahinga. Gusto kong makaramdam ng kalayaan.

Akala ko naman kung saan niya ako dadalhin. Ipinark niya ang kotse niya sa gilid at pinagbuksan ako ng pinto. Sa Orpheum. May balak pa ata ito mag mcdo eh.

At hindi nga ako nagkamali.. pumasok nga kami sa macdo. Ang yaman pero cheap. Sumunod nalang ako sakanya.

"We'll eat here" pinagtitinginan siya ng mga tao. Haaay. I remember Simon. Ganitong ganito din siya dati. Pinagtitinginan ng tao.

My boss has everything while my Simon, he's simple, kind,loving, caring but that was back in the days.

And now, ang hinihintay ko nalang ay ang araw na magkita kami para magkaliwanagan pero kailangan paba iyon?. Parang hindi na eh. May mali ako at may mali din siya. Suma tutal,patas na kami. Pero bakit nakakatanga?. Bakit ang sakit ng sobra. Napatigil ako sa pagsunod sa boss ko.

"Antonio" and his call snapped me back to reality.

Umiling ako sa iniisip at tumuloy sa paglalakad.

"A bucket and upgrade" wika niya sa cashier na mistulang namesmerize sa nakikita. Tsss. Ang mga babae talaga. Nakakita lang ng gwapo. Tsss. Naningkit ang mata ko sa babaeng nasa counter. Nakita niya naman iyon at agad inasaikaso ang order ng antipatiko kong boss. Nag abot siya ng 100 dollars.

Binigyan kami ng number, sabi, 10 minutes pa daw ang order namin. Umupo kami sa bandang dulo malapit sa glass wall.

Seryoso siyang naupo sa harap ko. Tumingin siya sa labas, ni walang bakas na nais niya akong kausapin o ano. Kaya't nanahimik nalang ako. Walang may nais bumasag ng katahimikan.

"One week overtime. What was that?" Malumanay niyang tanong. Ayan na naman. Pina alala mo na naman ehh. Umaayos na ako eh. Ni hindi ako makapagsalita, may bukol na bumabara sa lalamunan ko. Lumunok ako para mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Wala sir. Ine enjoy ko lang ang pag i stay sa office" palusot ko na parang hindi naman bumenta dahil pinaningkitan niya lang ako ng mata.

"What's your problem?"seryoso ba yan sir.

Kinalma ko ang puso ko bago sumagot.

"Love" yan ang naisagot ko. Siguro, iniisip na nito ngayon na ambabaw kong tao. Na na papraning na ako dahil lang sa pag ibig.

"So, that explains why" tatango tango niyang wika.

"Naka buntis eh"walang pag aalinlangan kong dagdag. Nakita ko ang gulat sa mukha niya,magsasalita pa sana siya nang buti nalang ay dumating na ang order namin.

Kinuha ko agad ang pagkain at nilantakan. Hindi na. Huwag mo na akong kausapin sir. Please lang.

Hinatid na ako ni sir sa tinitirhan ko. Akala ko ay pabababain nalang niya ako ngunit hindi. Balak niya pa ata akong ihatid hanggang sa pinto ng tinutuluyan ko.

"Thank you sir, kaya ko na po" wika ko nang tumayo siya sa harap ko.

"Let's go" at naglakad na siya papuntang building. Bigla akong kinabahan?. Hindi kaya?. May masama bang agenda si sir?. Di bale. Okay lang. De, joke lang. Isipin mo nalang Eivhon,. Nagmamagandang loob lang siya at nilulubos lubos na niya. Sa tagal mo ba namang nagtrabaho sakanya, eh deserve mo naman ang kahit minsang special treatment..

Nasa 4th floor lang ang akin, nasa dulo palang kami ng hallway ay may pumukaw na sa paningin ko. Anong ginagawa niya dito?

Bumalik ang ilang daang ala ala at isang milyong sakit na nadarama. Mukhang nakita ng boss ko ang bisita ko kaya't napatigil siya. Dahilan para mapatigil din ako.

"I'll see you tomorrow" paalam niya. Nagpasalamat ako at nag paalam nadin.

Dumeretso ako sa harap ng tinutuluyan ko kung saan nakatayo ang taong hindi ko inaasahan. Ngumiti ako sakanya sa abot ng aking makakaya, ngunit sa likod ng ngiting iyon ay mga tanong, isinantabi ko ang mga sakit. Ngumiti siya sa akin pabalik.

*****
Don't forget to leave a vote and a comment. Thank you😍😍

LOVE TAP💔💖#watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon