Ika dalawampu't - pito💔💔

45 5 0
                                    

Tumingin ako sakanya, bumuhos na naman ang walang hiya kong luha. Walang hiya eh.

"Ini akyat mo ako kagabi?" Uutal utal kong wika. Tumango lamang siya sa sinabi ko.

Hindi ba panaginip iyong nangyari kagabi? Hah??. Kasi parang totoo eh. Pero hindi ako sigurado. Paano kung imagination ko lang pala iyon?..

Hayaan nanga lang, ang nangyari kagabi ay magsisilbing matamis na ala-ala para sa akin.

Tumayo ako at pumanhik sa kwarto ko. Nagbihis at nag ayos. Bibili ako ng susuutin ko sa kasal nila. Pagagandahin ko ang sarili ko, aayusin ko ang sarili ko. Iisipin ng lahat na kaya ko, na kakayanin ko, kakayanin kong wala sila, wala si Simon.

Hinawakan ko na naman ang dibdib ko dahil kumikirot na naman, sinuntok ko ito ng mahina. Hindi ako makahinga.

Kasama ko si Gabriel sa pagpunta sa mall. Bawat palit ko ng damit at naka poker face siyang umiiling. Tsk. Tsk.

"Bagay ba??" Umikot ikot ako sa harapan niya.

Napatigil siya ng bahagya sa pag kulikot sa kanyang cellphone at kinuhanan ako ng litrato.

Napangiti ako sa ginawa niya, siya man ay napangiti din. I don't find it offensive. Ewan ko kung bakit? Tsk.

Dahil pakiramdam ko ay maayos naman na ang damit, pumunta ako sa bilihan ng mga sandals.

Dahil maganda naman ang paa ko, hindi na kami nahirapan maghanap ng babagay dito.

"Ako na" wika niya sabay abot ng card niya sa cashier. Sa cashier na kanina pa kurap ng kurap dahil sa taong nasa harap niya. Inirapan ko ang babae pero hindi niya ako napansin. I crossed my arms and looked at her directly. Susundutin ko na ang mata neto eh.

"Hey"sipat ni sir sa akin. Sabay akbay, dahilan para magulat ako. Nakita ko ang pag asim ng mukha ng babae nang mapalingon siya sa akin, pinanlakihan ko lang siya ng mata.

Pagsakay namin sa sasakyan ay nagsalita siya.

"Are you sure about this?" Tanong niya. Pinaandar niya ang sasakyan at ilang sandali pa ay nakalabas na kami sa mall.

Tumango ako. "Babayaran ko iyong damit at sapatos sayo". Tumingin ako sa bintana.

Hindi ko siya narinig na nagsalita hanggang makarating kami sa bahay.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Bukas, bukas ay dapat uuwi na kami ng Canada pero bukas din, ay kasal na nila.

Iyon ba ang settle the issue na sinasabi ni Simon?..ang pakasalan siya. Tapos, sasabihin niya na hintayin ko siya. Mahal ko siya pero parang may mali. Parang hindi na ako masaya sa mga nangyayari.

Nakatambay na naman ako sa kwarto ko at ang boss ko ay busy na naman sa pagharap sa mga papel at laptop niya. Isang buwan na ang nakalipas mula noong pumunta kami dito sa pilipinas. Hindi ko alam kung kumusta naba ang EM ngayon dahil ayaw din akong i involve ni sir doon, dakilang sekretarya lang naman kasi ako.

Nasa veranda ako at nasa working table siya. Hindi na ako mag eextend ng isang taon. Tama na. Tapos na. Papatusin ko na ang offer sa akin sa Barcelona. 2 years na maging wedding photographer. Not bad. Mas okay na iyon. Para makalimot.

Iiwan ko lahat ng masakit na ala-ala at magmomove on ako mag isa.

Tumunog ang cellphone ko kaya't tiningnan ko iyon.

Fr: Simon<3
Goodmorning, Eii. Please, wait for me. Mahal na mahal kita. Nothing has changed. Pupunta ako diyan mamaya.

Talaga?. Hah!. Nakakatawa. What do you want me to do?. Wait for you?. Wait for you! Kaya ko Simon eh. Pero ang hindi ko kaya, ang isipin na naitali kana at ako naghihintay ng walang kasiguruhan.

LOVE TAP💔💖#watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon