Ika dalawampu't - siyam 💔💔

61 6 0
                                    

"Simon, when the time comes that the heavens will give its permission to us, hihintayin ko ang araw na wala ng sagabal. Na tayo nalang. Pero kung hindi iyon dumating, nagpapasalamat ako dahil naging parte ka ng buhay ko. I love you so much that i am letting you go. I love you so much, please, let me carry the burden, let me carry all the hurt. Tandaan mo na mahal na mahal kita." With that. Naramdaman ko ang panghihina ni Simon, naramdaman ko ang unti unting pagkalas niya sa yakap.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at nagsalita.

"I love you so much Eii." . With that, I felt his lips touched mine. I closed my eyes, tears pooled from it. Ito na ang pinaka masakit. Ito ang pinaka masakit na nangyari sa buhay ko. Letting the man i love the most being tied from a woman that is not me. But what can i do. Masisisi niyo ba ako kung ganun ako kadaling sumuko?

Naramdaman ko ang pagbitaw ni Simon sa akin. Pagbitiw niya sa lahat ng koneksiyon namin. This ends here. Ito na ang katapusan ng masasaya naming araw at marami naming pangarap.

Tumalikod ako at nakita ang isang nilalang na punong puno ng pag aalala ang mga mata. Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya sa loob ng sasakyan. Pumasok ako at naupo doon. Umikot siya para makapunta sa drivers seat. Wala pang ilang segundo ay pinaandar na niya ang sasakyan. Hindi ako lumingon. Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Simon. Hindi ko narin kakayaning makita pa siya dahil baka bumalik lang ako at lalong gumulo ang lahat.

Pagbalik namin sa bahay ay nasa labas na ang mga bagahe namin. Pinapalayas naba kami?. Nakita ko din sa terrace ang pamilya ko. Tumakbo ako palapit sa kanila at agad nila akong niyakap.

Bumuhos ulit ang luha ko. Kotang kota na ako sa luha na yan. Hinagod ng nanay ko ang likod ko..

"Sige na anak" wika ni nanay. Humarap ako sa kanila at nakitang lahat sila ay galing din sa iyak. Alam ko nanay, tatay,ate at Nii.

Ang ranger ang ginamit nilang pang hatid sa amin.

Nang makarating kami sa airport ay nag iyakan na naman kami. Babalik ako, at pagbalik ko. Mas matapang na Eivhon na ang makikita nila.

Nagpaalam kaming dalawa ni sir sa pamilya ko, nagpasalamat din siya sa mainit nilang pagtanggap. Ilang minuto pa ay ini anounce na ang susunod na byahe ng eroplano. Pumasok na kami sa loob. Ni hindi na ako nakapagpalit ng damit.

Bago pumasok sa eroplano ay naramdaman ko ang mainit na jacket na bumalot sa buo kong katawan. Tumingin ako sa katabi ko at ngumiti lamang siya sa akin.

"Let's go" hinawakan niya ang kamay ko papasok ng eroplano.

Dalawang araw ang nakalipas.

"Are you sure about this Antonio?" Tanong ni sir. Balik sa dating gawi. Mr. Poker face na naman siya.

Nasa office kami at sinabi ko sakanya na hindi na ako magrerenew ng kontrata.

"Opo sir. Thank you po sa lahat lahat:)" tumango tango siya sa sinabi ko.

"Very well then, kung babalik ka, magsabi ka lang, you are welcome here" wika ni sir.  Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Here" may ini abot siyang USB.

"Para saan po ito?" Tanong ko. Kinuha ko ang kulay blue na usb at tinitigan.

"Pictures ng huling project mo. Baka lang, gusto mong makita ang naging outcome" wika niya.

"Friends na tayo diba?" Singit kong tanong. Tumingin siya sa akin at tinitigan ako.

"Oo. We're friends" wika niya. Somehow, being friends is not bad. Salamat sa kakaibang pakiramdam na ipinaramdam mo sa akin sir. I will keep this feeling of mine forever. Sana, magkaroon kana ng lakas ng loob magtapat sa babaeng mahal mo.

Nagpaalam ako sa kanya at lumabas na ng opisina. Pumunta ako sa cubicle ko at inilagay sa kahon ang mga gamit ko. Nagpaalam ako sa mga katrabaho ko.

******
Paalam sir Gab😢😢
Don't forget to leave a vote or a comment. Thank you. 😘😘

LOVE TAP💔💖#watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon