Bago pakawalan ang tali ay lumingon siya sa akin, his looks, his stares feels like natural to me, it gives me a comfortable feeling,it feels like. . . HOME.
Now that i figured it out, kailangan ko na itong pigilan, i have Simon and he has his loved one. Crush lang naman ito, madaling mawala. Crush lang Eii. Ibabaling mo sa ibang bagay ang mga gumugulo sa sayo.
Pagkatapos noon ay nag breakfast na kami. Tumulak na kami paalis doon at nagpunta sa malacañan of the north.
We spent the three weeks in travelling and picturing the scenic places of the north.
Ang huling top namin ay ang Dinadiawan, hapon na kami nakarating kaya't nahirapan na naman kaming maghanap ng hotel at kung sinuswerte ka padin, iisang kwarto nalang na naman ang available.
Pagkapasok namin doon ay nahiga ako kaagad sa kama,samantalang siya'y tumingin lang sa akin.
"Tired?" Tanong niya habang nakapamewang.
"Yup" mahina kong wika.
"Saan ang next top natin?" Tanong niya sabay upo sa dulo ng kama.
"Sir,uuwi ako sa amin" paalam ko, pinagmamasdan ko ngayon ang likuran niya.
"Kailan?" Tanong niya nang hindi ako tinitingnan.
"Bukas, sir" wika ko. Ayun, napalingon na siya.
"Babalik na ako sa Canada then?" Tanong niya sa akin. Bumaling ako sa kaliwa para hindi ko siya makita. I don't know, parang ayoko na na hindi siya nakikita. After this one month work here, babalik na naman kami sa dati ni sir.
Bumaling ulit ako sa kanya para makitang nakatingin siya sa akin.
"You can come with me sir, if you want" mahina kong wika.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Tumalikod siya sa akin at baka?. Nag iisip.
Hinintay ko siyang sumagot pero wala, ipinikit ko ng bahagya ang mata ko pero hindi ako matutulog, naramdaman ko ang paggalaw ng kama, hudyat na umalis ang taong nakaupo doon. Narinig ko ang pagpihit sa doorknob at pagbukas/pagsara ng pinto.
Haaayyy, anong ginagawa mo Eii?. Bakit ganito?. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, i'm confused in everything. Kay Simon, kay sir.
Thirty minutes na ang nakalilipas ngunit wala padin si sir. Bumangon ako sa kama at ipinusod ang buhok bago lumabas.
Paglabas ko ay sinalubong agad ako ng malamig na hangin, napayakap ako sa sarili ko. Babalik na sana ako sa loob para kumuha ng blazer ngunit may humuli ng atensiyon ko kaya't napatitig ako doon without minding the coldness.
Nakita ko si sir na naglalakad lakad sa may buhanginan kasama ang isang magandang babaeng may mahabang buhok na blonde, sexy at parang comercial model. Napahawak ako ng bahagya sa aking dibdib, parang may tumutusok na karayom, hindi ko maintindihan. Bago pa man ako mainis sa nakikita ay bumalik na ako sa loob ng room namin. Isinalampak ko ang sarili ko sa kama at itinalukbong ang unan sa aking batok. Ayoko na. When will this feeling stop?.
Nagising at naalimpungatan ako sa ingay na nanggagaling sa veranda ng kwarto namin.
Napabangon ako bigla at tinignan kung anong naroroon.
"Gising kana pala" pamungad ni sir sa akin.
Oo, gising na gising. Mulat na mulat din ako kaninang may kasama kang magandang babae. Pero syempre, hindi ko sasabihin sakanya iyon. Magmukha pa akong desperada.
"Wash your face Antonio" seryosong wika niya sa akin. Ano na naman bang mali sa mukha ko?. Inirapan ko lang siya bago ako pumanhik sa CR.
Ano na naman bang mali sa akin?. Ano na naman bang problema niya at naka poker face na naman siyang kinakausap ako.
Nagmartsa ako papunta sa cr, pagharap ko sa salamin ay OH MY GOSH, OH MY GOSH!. Nakakahiya. Ang mata ko, may mga stars! At ang gilid ng labi ko.!. Nakanganga ba akong natulog?. Nakakahiya.
Naghilamos ako ng bongga at nag toothbrush nadin.
Habang naglalakad ako papuntang veranda ay biglang napalingon si sir, napako ang tingin niya sa akin dahilan para maconscious ako sa itsura ko. Tsss.
"Let's eat, ipina akyat ko na ang dinner dahil tulog kapa" wika niya habang tinuturo ang isang upuan. Umupo ako doon at hinarap ang mini table kung nasaan ang mga binili niyang pagkain.
Walang sali salitang kinuha ko ang pinggan at kumain na. Wala ako sa mood magsalita. Siya nama'y kumain nadin. Paminsan minsa'y nagkakatinginan kami pero agad ko din iniiwas ang tingin ko. Now that i figured it out, it feels awkward.
Pagkatapos kumain ay tumawag siya ng housekeeping.
"Anong oras ka uuwi bukas?" Tanong ni sir.
Nakahiga na ako sa kama at balot na balot, siya nama'y nasa baba lang ng higaan, nagrequest kami ng pang isahang foam para may mapaghigaan siya.
"Pagkatapos natin dito sir" hihikab hikab kong wika.
"Goodnight, Antonio" wika niya tsaka bumaling na patalikod sa akin. Ang inaasahan ko'y sasagutin niya ang tanong ko kanina pero parang may iba naman ata siyang plano.
Paggising ay pumunta kami sa gilid ng dagat para kumuha ng picture. Inilabas ko ang phone ko at binuksan ang camera nito, lumapit ako kay sir na nasa dalawang metro ang layo sa akin.
Kinapalan ko ang mukha ko at inakbayan siya, sabay tutok ng camera sa mga mukha namin, ngumiti ako ng wagas, iyong naningkit-ang-mata-sa-tuwa pose.
Pagkatapos noon ay ngumiti lang siya sa akin. Ako nama'y nginitian lang siya pabalik. Akala ko ay aangal o magsusungit siya. Buti nalang at hindi. Somehow, this feeling makes me feel light and refreshing. Ibang iba, bagong bago. But i know, deep down in our hearts, mayroon ng nagmamay ari. That is the reality we need to accept. May mahal siyang iba at may taong naghihintay sa pagbabalik ko.
Mag aalas dose na ng natapos kami sa pag aayos at pag hahanda ng mga gamit. Sa Canada ko na aayusin ang mga pictures, tsaka ko nalang ieedit pagbalik ko.
"Let's go" pag aaya niya habang dala dala ang parehong bagahe namin. Babalik naba talaga siya sa Canada?.
Hahakbang na siya palabas nang magsalita ako. .
"Sir" tawag ko dahilan para matigil siya sa pag hila ng mga bagahe namin.
"Hmmm?" Lumingon siya sa akin.
"Anong oras ang alis mo?" Tanong ko. His eyes were darted on me. Kinabahan ako ng bahagya, strange feeling. Nakakakaba.
"When is yours?" Tanong niya. Inilabas niya ang gamit namin kaya't sumunod nadin ako palabas.
"2 pm" plain kong wika. Hinila niya pababa ang mga gamit namin at ako'y nakasunod lang sa kanya.
Pagbaba ay lumabas na kami, may mga nadaan kaming souveneir shop kaya bumili ako ng pampasalubong. Ganun din ang ginawa ni sir. Bumili siya ng isang ethnic inspired purse at dangles. Hindi ko lang alam kung kanino niya ibibigay,baka kay ma'am Venice.
Ang plano ko ay sumakay ng van patungong isabela, it's a 4 hours travel kung galing ka sa aurora kaya magvavan nalang ako. Ang hindi ko mawari ay kung sasabay paba sa akin si sir sa van o papuntang maynila na ang sasakyan niya. Hindi ko alam. Nawawalan ako ng lakas magtanong.
Nang makarating kami sa paradahan ng van ay sumakay kami pareho sa van papuntang isabela, ngumiti ako sa loob loob ko, bakit siya sasabay sa akin? Baka naman sa may cauayan siya sasakay?
********
Hahahhahaha😂
Don't forget to leave a vote or a comment. Thank you😘
BINABASA MO ANG
LOVE TAP💔💖#watty2018
ChickLitHighest rank on chicklit is #73. Thankyyy. Please do read my story. Matatawa ka, maiiyak ka, masasaktan ka, mababaliw ka. Heheh. Joke lang. Enjoy ********** Are you willing to take a risk? Kahit alam mong hindi na siya para sayo. Are you willing t...