"Gabriel" bulong ko sa sarili ko. Tsaka sinundan ng tingin ang likod niyang papalayo sa akin. Gabriel, sino kaba talaga?. Kung ano anong kababalaghan ang nararamdaman ko pagdating sayo, pakiramdam ko, mali na naman ako.
At Ano daw? Call him what?. Gab?. Tsk tsk.
Nauna na siyang bumaba at iniwan akong pinoproseso pa ang mga huli niyang sinabi.
"Oh! Nandyan na sila. Kakain na" tawag ni tatay. Dali akong naupo sa tabi ni Nii, samantalang si sir ay nasa pagitan namin ni Nanay.
Ngiting ngiti ang lahat ng tao dito dahil sa bisita.
"Si nanay ang nagluto niyan" wika ko sabay abot ng mangkok na may lamang adobong baboy sakanya.
Tumango naman siya at nagsalita.
"Perfectly cooked" wika niya sabay ngiti sa aming lahat. Teka nga, napapano ba ang panga ni sir?. Hindi ako sanay na ngiti siya ng ngiti at? Teka nga, sa akin lang ba siya ganun ka cold kung ganon?..
Nagkuwentuhan at nagtawanan ang ginawa namin sa dinner na iyon. Pagkatapos kumain ay pumanhik na ang lahat sa sala. Kami nalang ni sir ang naiwan dahil nag prisenta akong mag hugas ng pinggan, tinatawag siya ni tatay sa sala ngunit nag paiwan siya.
Sa kusinang ito, 4 years ago, dito ako tinanong este inutusan ni Simon na maging girlfriend niya. Wala paring pagbabago, hindi naman nagpabago ng interior ang nanay at tatay. Ang sabi nila, madalas pumunta dito si Simon pag weekend, biyernes ngayon. Bukas kaya?. Pupunta siya?. Pero pakiramdam ko,sa dami ng issues niya ngayon, hindi siya magkakaroon ng oras dumalaw dito. Tsaka, hindi din niya alam na nandito ako eh. Tsaka, anong gagawin ko kapag nandito siya?. Paano ko siya kakausapin.
"Tabi" masungit na wika ni boss sabay siksik ng kanyang sarili sa harap ng lababo dahilan para mapa atras ako ng bahagya.
"Sa lalim ng iniisip mo, tapos mo na sana mag hugas" wika niya sabay kuha ng sponge. Teka?..marunong ba siya maghugas ng pinggan?
Tumabi ako sakanya at agad na kinuha ang sponge, dahilan para malagyan ng konting bula bula ang mga damit at mukha namin. Akala ko'y magsusungit siya pero hindi, kinuha niya ulit ang sponge sa akin. Dahilan para mapatawa ako, para siyang bata!.
Pinabula ko ng pinabula ang diswashing liquid na nasa maliit na batya tsaka iwinisik sakanya ang mga bula na naroon.
"Stop it" masungit niyang wika pero halatang may mumultong ngiti ang gumuguhit sa kanyang labi. Hahahhaha.
Inulit ko pa ulit ang pagwisik, this time, kumuha nadin siya ng bula at nagwisikan kami sa harapan lababo.
Hindi tumigil ang tawanan. Hanggang magsalita siya ulit.
"Stop it Antonio" tatawa tawa niyang wika. Tumigil ako at umubo ubo ng konti dahil sa katatawa kanina.
"Marunong kabang maghugas sir?" Tanong ko habang sinasabunan ang mga baso.
"Gabriel" wika niya.
"Gabriel" wika ko. Bagong bago, nanginginig ang mga labi ko habang binabanggit ang pangalan niya.
"Marunong kabang mag hugas ng pinggan, Ga. . Gabriel?" Tanong ko. Ini abot niya ang mga pinggan bago sumagot.
"I live alone in my penthouse" wika niya.
Tumango tango ako sa sinabi niya. Pinagpatuloy namin ang paghuhugas ng pinggan, walang umiimik, tahimik ang kusina ngunit wala akong reklamo, ginugusto ko ang katahimikang ito at tanging mga hugasin lang ang maingay.
"Hi" galing sa likod ang malaki at buong boses. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, samantalang si sir ay bumaling sa nagsalita.
Kinabahan ako ng bahagya, i suddenly felt guilty.
BINABASA MO ANG
LOVE TAP💔💖#watty2018
ChickLitHighest rank on chicklit is #73. Thankyyy. Please do read my story. Matatawa ka, maiiyak ka, masasaktan ka, mababaliw ka. Heheh. Joke lang. Enjoy ********** Are you willing to take a risk? Kahit alam mong hindi na siya para sayo. Are you willing t...