Biglang kumabog ang dibdib ko, i scanned all the pictures pero iyon lang ang larawan na nandoon ako,nagkataon lang siguro iyon. Nagkataon lang na nandoon si sir.
Humiga ako sa kama niya, ang luwang. I took my phone from my pocket and opened it. I googled Simon's name. Hindi padin tumitigil ang issue sakanya. Haaaay. When will this stop?. Ganun ba talaga pag nasa showbiz ka? It will take time para makalimutan ng mga tao ang ginawa o nagawa mo?. Kung sabagay, parang ganun din naman in real life, hindi ko naman sinabing hindi totoo ang buhay sa showbiz pero basta.
Nakatulugan ko ang pagbabasa ng mga article tungkol sa lalaking mahal ko. Nagising ako sa katok na nanggagaling sa pinto.
"Ma'am, kakain na po kayo" tawag ng isa sa mga katulong nila.
Hindi na ako sumagot, inayos ko ang mukha ko at mga suot ko bago lumabas. Iginaya ako ng katulong sa dining table.
"Kumain na tayo" nakangiting wika ng kuya ni Sir. Ngumiti ako pabalik at naupo sa tabi ni sir, dahil doon nakalagay ang isang pinggan.
Sa pagkain ay tahimik ang lahat, nag uuntugang kutsara at tinidor lamang ang naririnig ko. Hindi din naman ako maka open ng topic dahil nahihiya ako.
Pagkatapos kumain ay maghuhugas sana ako ng pinggan ngunit pinigilan ako ni sir kaya't pumanhik nalang ako sa kwarto niya. Pagod kaming lahat kaya't napaaga ang tulog.
Maaga kaming gumising at nag ayos, inihatid kami ni Sir Vam sa airport.
As usual, VIP again. Pagdating sa bora ay kumuha agad ako ng picture, wala akong pinalagpas.
Naglakad kami ni sir papunta sa mga hotel na naroon, lahat ay punuan na, ang rason ay dahil pa ber season na kaya't maraming turista. Kung sinuswerte kanga naman oo.
"Isang kwarto nalang po ang available" wika ng nasa front desk ng pang huling hotel na nandito.
"We'll take it" english na sabi ng boss ko. May karapatan ba akong umangal?. Syempre, meron, pero pagod nadin naman ako. Sa sofa nalang ako, wala naman siguro siyang gagawing masama sa akin eh.
Pagdating sa room ay agad sumalampak si boss sa higaan, sinasabi ko nanga ba eh. Akala ko pa naman gentleman si sir. Tsk tsk.
"I know what you're thinking" inihilig niya ang ulo kung saan ako nakatayo.
Tinignan ko lang siya ng talaga-ba-look.
He laughs at me at saka naupo sa kama.
"You will sleep in the bed. Hindi ako kasing sama ng iniisip mo" seryosong wika niya. Ahh. May pagka mind reader din pala si sir ano?. Wait. Teka!. Yun na yun ang naiisip ko eh.
Napahakbang ako papuntang higaan, uupo na sana ako sa kama ng isinangga niya ang kamay para hindi ako makatuloy. Awww. Conservative din ito. Hahahah.
In the morning, hinintay talaga namin ang sunrise, pareho kaming may dalang professional camera ni sir. I took a picture of him, itinapat ko iyon sa araw para magmukha siyang silhouette, bago pa man niya maramdaman na kinukuhanan ko siya ay tumigil at bumaling na ako sa ibang view.
Pagkatapos sa bora ay pumunta na kami sa norte. I'm so excited. Sa sobrang saya ko ay nakalimutan ko lahat ng iniisip ko. Hindi kami naka langoy sa bora dahil pagod kami pareho but this time, i will make it sure na lalangoy ako,hindi ko palalagpasin ito.
Sa Ilocos kami pumunta. Hindi ko alam kung nananadya pero palagi nalang walang bakanteng kwarto sa mga hotel. Pinaglalaruan ba kami ng pagkakataon?.
Hapon na ng makarating kami kaya pa high tide na, siguro, bukas nalang ako lalangoy?.
Pagkatapos namin ilagay ang mga gamit namin ay lumabas na kami dala dala ang mga camera.
"The view here is good" wika ni sir habang naglalakad palabas ng hotel.
"I came here once before" wika ko. Napatigil siya sa paglalakad at napalingon sa akin.
"Really?" Mapang usisa niyang tanong. Tumango lang ako. Bumaba kami sa buhanginan at hinintay ang sunset.
"Sir" tawag ko sakanya habang nakatapat ang camera ko sakanya. I took a stolen shot of him. Kahit stolen, parang greek god. Madaming paiiyakin ito kapag nagloko.
"Antonio" tawag niya sa akin. Lumingon ako sakanya tsaka ko narinig ang click na galing sa camera niya. Aba! Gantihan pala ito hah.
Bumaling ako sa dagat at nakitang papalubog na ang araw,the view is picture perfect. Napakaganda.
Nakatutok ako sa camera. Naramdaman ko ang paglapit ni sir sa akin. Siguro, nasa isang sentimetro lang ang layo niya sa akin, naramdaman ko na nagsitayuan ang mga buhok ko sa katawan, grabeng epekto nito ni sir sa akin. Strange feeling.
"Ang ganda nito sir" wika ko habang nakatutok padin sa camera.
"Oo nga, ang ganda" naramdaman ko ang paglingon ni sir sa akin. Dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko, hindi ako lumingon dahil kinakabahan ako. Recently, hindi ko maintindihan ang sarili ko. I don't know, i can feel something strange. Hindi ko alam.
Nang maramdaman kong bumaling na si sir sa dagat ay ibinaba ko ang camera.
Ini abot ko ang camera ko kay sir at naglakad papunta sa gilid na parte ng dagat. Pagharap ko ay nakita kong nakakunot ang noo niya. Hahahahah.
Dyan ka lang muna,lalangoy lang ako. Wala pang limang minuto ay sumisigaw na siya.
"Antonio!" Hindi ko pinansin ang sigaw ni sir. Lumangoy padin ako. This is fun.
Pagtingin ko sa lugar kung nasaan si sir kanina ay wala na siya doon. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglangoy.
Susuong palang ako'y napagitla ako dahil sa may humawak sa bewang ko.
"Watdaef!" Uubo ubo kong wika dahil sa gulat!.
"I've been calling you for 5 minutes already!" Sigaw niya habang hawak padin ako sa bewang. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nakatalikod ako kaya't hindi ko siya makita but the moment his hands touched my body, it sent shivers to it. Nanahimik nalang ako at nagpabuhat sa kanya.
Pag dating namin sa buhanginan ay nalingon ko nadin siya, he's topless and only wearing his jeans. I wonder kung saan niya nilagay ang mga camera namin?.
Magsasalita na sana ako nang napaubo ako, ayaw tumigil. Humakbang siya palapit sa akin at hinagod ang likod ko. Strange feeling again. Go away strange feeling!!
Iniharang ko ang kamay ko para sabihin na tama na, okay na ako. Tumigil naman siya at tumayo na, naglakad siya ng kaunti palayo sa akin at may kinuha siya mula sa buhangin, isang iglap pa ay naka t-shirt na siya.
Papalubog na ang araw at ilang sandali nalang ay magdidilim na, habang dumidilim ay siya namang pagliliwanag ng bawat poste at mga establishments dito sa beach resort.
Lumapit ulit si sir sa akin.
"Let's go" wika niya. Inilahad niya ang kanyang kanang kamay, inabot ko iyon at tumayo nadin.
Akala ko ay bibitawan niya ang kamay ko, but no. Hinawakan niya ito hanggang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin.
"I'm sorry" bungad niya habang binubuksan ang pinto ng kwarto namin.
"Bakit mo kasi ginawa iyon?" Wika ko. Nasa likod niya lang ako at tinititigan ang makisig niyang katawan. (Sorry Simon, tingin lang to).
Pag bukas niya ng pinto ay ang pagsasalita niya.
"High tide, Antonio" iyon lang ang nasambit niya at tsaka pumasok na sa shower. Aba??.
*****
Makulit ka kasi Antonio. HahahaDon't forget to leave a comment or a vote. Thank you😘😘
BINABASA MO ANG
LOVE TAP💔💖#watty2018
Genç Kız EdebiyatıHighest rank on chicklit is #73. Thankyyy. Please do read my story. Matatawa ka, maiiyak ka, masasaktan ka, mababaliw ka. Heheh. Joke lang. Enjoy ********** Are you willing to take a risk? Kahit alam mong hindi na siya para sayo. Are you willing t...