Ika dalawampu😍💖💖

64 6 0
                                    

Nang makarating kami sa paradahan ng van ay sumakay kami pareho sa van papuntang isabela, ngumiti ako sa loob loob ko, bakit siya sasabay sa akin? Baka naman sa may cauayan siya sasakay?

Nakaka antok ang byahe, malamig ang paligid dahil sa taas ng bundok ang daanan, mabuti nalang ay nagdala ako ng blazer.

Paminsan minsa'y naiidlip at nagigising ako. Nasa harapan kami pareho ni sir, katabi ang driver.

Si manong ay kanina pang lingon ng lingon sa akin o sa amin. Hindi ko alam. Para hindi ko na makita si manong ay bumaling nalang ako sa katabi ko, na kanina pa pala nakatingin sa akin. He tapped his left shoulder, sign na pupwede akong sumandal doon. Ngumiti ako at isinandal ang ulo sa balikat niya. Now, i feel comfortable.

Narinig ko pa ang pagsingil ni mamang kundoktor ng pamasahe pero dahil sa antok ko ay hindi ko na napansin, ipinikit ko ulit ang mata ko at itinuloy ang pagtulog.

Nagising ako sa mahinang tapik ng katabi ko.

"Antonio" bulong niya sa akin. Naalimpungatan ako sa malamig niyang boses. Ini angat ko ang tingin sakanya dahilan para magulat ako. Sobrang lapit,amoy na amoy ko ang mabangong hininga ni sir. 1 inch, i think. Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Napaatras ako ng bahagya dahilan para muntik na akong mahulog sa upuan.

Inirapan lang ako ni sir, tsaka ako tinulungan para makabalik sa dati kong puwesto. Kumabog na naman ang walang hiya kong puso. Nakakatakot, kung ano anong nararamdaman ko. Baka magkasakit na ako neto.

"We're here" wika niya. Lumingon ako sa paligid at nakita kong nandito nanga kami. Binuksan ng kundoktor ang pintuan sa harap, naunang bumaba si sir, ini lahad niya ang kanyang kamay at ini abot ko iyon. Nanginig ang mga kamay ko habang hawak ang kamay niya. Pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Simon. Hindi Eii. Walang pagtataksil na nangyayari.

Pagkakuha ni sir ng mga bagahe namin ay pumunta na kami sa paradaham ng jeep.

Puno na ang nakapila kaya't sumakay na kami sa susunod na pila.

Nginitian ko ang mga dating kakilalang nandoon.

"Eii! Kailan kapa dumating?" Tanong ni mang Romy, dati naming drayber.

"Noong isang buwan pa po mang Romy" wika ko sabay ngiti. Ang sir kong masungit ay naka upo lang sa tabi ko.

"Boypren mo?"mapang intrigang tanong ni manong Romy. Umiling iling ako sabay ngiti.

"Akala ko'y, si Simon padin kung gayon?" Nakakalokang tanong ni mang Romy. Naramdaman ko ang pag igting ng panga ng katabi ko. Ayokong siyang tignan dahil pakiramdam ko ay naapektuhan siya sa tanong ni mang Romy, ayokong mag assume. No, mali na naman ito Eii. Mali kana naman.

Ngumiti lang ako kay mang Romy. Umalis siya at nagtawag na ng pasahero.

Pag lingon ko sa tabi ko ay nakahalukipkip siya at nakapikit.

Ang suot niya ngayon at black polo shirt at gray na pantalon at naka pang beach slippers. Mukha siyang model ng nestea, refreshing.

Basta may pumapasok na pasahero ay natitigil sila pagka tumatama ang paniingin nila kay sir.

"Oh, sa kaliwa, isa pa!. Sampuhan yan" sigaw ng kundoktor. Loko!. Sampuhan?! Eh mataba itong katabi ko. Ano to kuya??. Sardinas??

"Kuya! Ang sexy ko eh" sigaw ng babaeng katabi ko. Ang lalaki naman sa kaliwa ko ay nakapikit padin.

Hindi lang sa pag ibig ipinagsisiksikan ang sarili. Pati sa jeep eh ang syiaman gagawing sampuhan, ang sampuhan gagawing onsehan. Ayy ewan . Noon pa man ganito na talaga eh. Kaya kung gusto mong mauna aba, agahan mo, kasi kung hindi, ipagsisiksikan mo talaga iyong sarili mo.

"I'll just pay for the seats" bulong ng sir ko sa akin.

"Ano kaba? Mahal iyon. " wika ko. Eh sayang eh. Okay lang yan. Dalawa nalang naman ang kulang.

"Isn't this overloading Antonio?" Madiin at mahinang tanong ng boss ko.

"Pag tayo naaksidente, makakatikim yang driver sa akin" masungit na wika ni sir. Napatawa nalang ako ng mahina. Napaka naman ni sir eh. Palibhasa, first time sumakay ng jeep.

"Mang Romy, tara na po, babayaran nalang po namin iyong wala" wika ko kay mang Romy na nasa may driver's seat na.

Pinaandar ni mang Romy ang jeep at ilang segundo pa ay umandar na.

"Are we far yet?" English na tanong ng boss ko.

"Isang oras pa sir" bulong ko sakanya.

Kanina ko pa napapansin na kanina pa ang tingin ng mga tao dito sa loob ng jeep sa kasama ko. Masyado! Nakakainis.

"Mang Romy, sa aves" wika ko nang makitang malapit na kami sa kanto kung saan ang daan papunta sa barangay namin.

"Alam ko Eivhon" wika ni mang Romy sabay tawa. Oo nga naman. Driver nakin siya dati, malamang alam na niya. Nagkaroon na kasi siya ng sarili niyang jeep kaya't hindi na siya nagtatrabaho sa amin.

"Pakikumusta nalang ako sa nanay at tatay mo hah. Pati narin kay Simon, nakakamiss din ang batang iyon" wika ni mang Romy bago kami bumaba ng jeep.
Nag abot ang boss ko ng isang libo at parang hindi naman siya nag hihintay ng sukli dahil mabilis siyang lumayo sa jeep.

"Salamat mang Romy. Sige po" wika ko.

Tahimik ang boss ko habang naglalakad kami papuntang paradahan ng tricycle. Kinuha ko ang cellphone ko at pinicture'an ang kasama kong gulong gulo kung saan ba sasakay,napaka inosente naman nito. Ganito ang hirap pag laking mayaman eh. Walang kamuwang muwang sa simpleng buhay.

"Saan tayo sasakay?" Tanong ng boss ko habang hila hila ang mga bagahe namin.

"Wait lang sir" wika ko sabay kaway sa mga tricycle driver na nasa kabilang dako ng daan. Nakita naman ng pila at agad pinaandar ang tricy niya.

Pagkaparada ng sasakyan sa harap namin ay nagsalita ang driver

"Si Eivhon pala ito" wika ni mang Arman. Kaibigan ni tatay.

"Opo tito. " wika ko sabay ngiti.

Kinuha ni Mang Arman ang mga bagahe namin at inilagay sa carrier ng sasakyan. Nauna akong pumasok sa loob at sumunod naman ang lalaking kanina pang tahimik at halatang nagsusungit. Anong problema ni sir?.

"Ang tagal din kitang hindi nakita neng ahh" wika ni mang arman habang nagmamaneho.

"Oo nga po eh" mahina kong sagot.

"Boypren mo ba yang kasama mong gwapo?" Maintrigang tanong ni mang arman.

"Naku! Boss ko po, tito" Nakangiti kong sagot pero sa loob loob ko'y nahihiya ako. Dahil kanina pa tinatanong ng ibang tao kung boyfriend ko ba ang kasama ko.

"Akala ko pa naman. Kaya kaba umuwi ay dahil ikakasal na kayo ni Simon?" Palingon lingong tanong ni mang arman. Napatigil ako sa narinig ko. Hindi ako umuwi dahil ikakasal kami. Wala akong alam sa kasal kasal na yan. Ngumiti ako ng mapait at hindi sinagot ang tanong ni mang arman. Naramdaman ko ang marahang hagod sa likod ko kaya't nilingon ko siya.

*****
Hope you liked it, my dear reader.

Don't forget to leave a vote or a comment. Thank you😍😘

LOVE TAP💔💖#watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon