HIS POV 2😘💖

101 6 0
                                    

Isang taon na ang nakalilipas pagkatapos ng pagtatapat ni Eii na mahal niya rin ako, sa isang taon na iyon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang dumikit sa akin, titigan ako, bantayan ako, asarin ako, kulitin at kung ano ano pa. Dahil, madami daw siyang napalagpas na oras ay babawiin niya daw lahat iyon. Kung hindi ko lang mahal ang babaeng ito ay baka napagkamalan ko nang may sapak sa utak, well, parang meron nga.

"Hey" tawag niya sabay lapit at yakap sa akin. Mind you people, she and I are living together. Why? Simply because we are married. Yes, we are. I won't let her go this time, i love her so much kaya't bakit ko pa patatagalin hindi ba?.

"Antonio, bitiwan mo ako" she copied my voice and acted like me. Natawa nalang ako sa ginawa niya.

"It's Montenegro, love"kumalas siya sa pagkakayakap at humarap sa akin..ini ayos niya ang necktie ko at nagsalita.

"Hindi ako sasama sayo ngayon"nakasimangot niyang wika.

I hugged her and asked why.

"Para mamiss mo naman ako" wika niya and she pouted her reddish lips.

Hinalikan ko siya ng mabilisan doon. Nakita ko siyang ngumiti. Such an angel. Kinurot ko ang magkabilang pisngi niya. She's so funny.

"Hindi ka talaga sasama sa office? Maninibago ako" wika ko sabay yakap sa kanya, hinahalik halikan ko siya sa noo.

"Hindi, mapapagod ako" bulong niya. Wow, kailan kapa napagod hah, love. Kailan pa?.

"Dumito ka nalang sa bahay, huwag kang magluluto" wika ko. Because the last time she cooked for us,nasunog ang kawali at muntik ng masunog ang buong kitchen. Naramdaman ko ang pag kurot niya sa tagiliran ko.

"Ooouch ouch" panggagaya ko sakanya.

"Oo na. Magbebake nalang ako" wika niya.

"Hmmmmmm, matulog ka nalang kaya o di kaya mag exercise mahal" suhestiyon ko. Lumayo siya sa akin at sinimangutan ako.

"Uuwi nalang ako ng lunch time at sabay tayo mag lunch okay?" Tanong ko. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"Love, bakit ambaho mo?" Wika niya. Tsaka inamoy amoy ang buo kong katawan. Wait nga. Ano bang nangyayari sa asawa ko?..

"Kaliligo ko lang love." Wika ko. Nasa likod ko siya at inaamoy parin ako.

"Baka iyong sabon. Ambaho eh" wika niya. Bago pa man ako maka angal ay tumakbo na siya sa banyo. Sinundan ko siya doon at nakitang dumuduwal siya. Hinagod ko ang likod niya. Anong nangyayari sa asawa ko?..

"Gabriel, tubig" mahinang wika niya.

"Ano?" Paki ulit mahal.

"Gabriel Montenegro! Tubiiiiiggg!" Sigaw niya. Kumaripas ako sa baba para kumuha ng tubig. Ano bang nangyayari sa kanya?..

Ini abot ko sakanya ang isang basong tubig. Kinuha niya iyon at ininom agad. Hinagod ko ulit ang likod niya.

"Pumunta na tayo sa hospital" alala kong wika. Baka kung napapano na siya. Haaay.

"Hindi na" masayang wika niya na parang walang nangyari.

"Eto!" Patili niyang wika. Love, you're weird.

Ipinakita niya sa akin ang isang maliit at kulay puting bagay. May dalawang nakalagay na pulang guhit doon.

Kinuha ko iyon at tinignan siya. Pinunasan niya ang bibig niya tsaka tumayo at humarap sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. I feel so happy, very, ultimately happy.

You made me the happiest man alive, Eivhon. Niyakap ko siya at binuhat. I can't contain my happiness my love.

I promise to love you forever, MY HER. 

THE END NA TALAGA:)

*******
Maraming naraming salamat po sa mga nagbasa. Mag vote ka naman kung nakarating ka dito oh..please??. Pretty please??. Thank you😘😘

LOVE TAP💔💖#watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon