One article captured my attention, i stopped scrolling, tinitigan ko ang title ng article na iyon bago ko binuksan ng tuluyan.
Rising star/actor/model Simon Trejada, ikakasal na sa non-showbiz girlfriend.
Nanigas ako sa balitang nakita ko, ikakasal? Kanino??.
Content: the non-showbiz girlfriend of the said actor is rumored pregnant. The sources said that they will get married as soon as the baby arrived.
Anak ng?. Ano tong article na to. Fake news!. This is fake news.! Sigaw ng utak ko. Nanginginig ang mga daliri ko habang binabasa ang kabuuan ng article. Kung pu pwede lang ibato ang cellphone sa pader ay ginawa ko na, kaso, mahal ang iphone.
Isinubsob ko ang mukha ko sa desk, ini off at itinabi ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko.
Gusto kong umiyak pero mamaya nalang. Tsaka nalang pag mag isa na ako, tsaka nalang kapag wala ng nakakarinig.
"Antonio" tawag ni sir sa line.
Naalimpungatan ako sa tawag niya.
"Yes sir?" Napabangon at napa ayos ako ng upo. Pumasok ako sa office ni sir para malaman kung anong kailangan niya.
"Buy me some lunch" wow? Yaya nadin ba ako ngayon?.
"Sa mcdo ba sir?" Mahinahon kong wika, kahit konti nalang ay maiinis nadin ako.
"Join me in lunch, then" nakita niya ata ang itsura kong nadismaya. Bago pa ako makatanggi ay kinuha na niya ang car keys niya at agad nang tumayo.
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong kunin ang bag ko sa pagmamadali. Kung maka hakbang naman kasi si boss eh. Ano lang naman ang laban ng 5'4 kong height sa 6'2!
Hey! Wait for me. WAIT WAIT LANG!. sigaw ng utak ko. Pero wala eh. Nakasunod lang ako sakanya.
"Wait here" wika niya nang makarating kami sa lobby.
I opened the car door by myself, pinagtitinginan nanga kayo ng mga empleyado, gusto mo pang pagbuksan ka? Aba, abusado kana ata Eii. Sabi ng kontrabida kong utak. Inirapan ko lang ang iniisip ko.
Pagsakay ay nasense ko na kung saan na naman kami pupunta. Favorite place ba ni sir ang mcdo?. Ano bang meron don? Ang yaman talaga eh, akala ko pa naman sa isang mamahaling restaurant niya ako ililibre. Pagpasok namin sa mcdo ay agad siyang umorder, gaya ng dati, pinagtitinginan na naman siya. Haay, artista.
Tumingin siya sa akin bago ngumiti. Isang multong ngiti ang nasilayan ko sa labi ni sir. I was stunned by it, napatulala ako ng bahagya. He tapped my shoulder, dahilan para mapabalik ako sa realidad. Ang gwapo lang?..
May Simon ka!. Huwag kang ano! Wika ng bait baitan kong konsensiya.Sinundan ko si sir sa isang bakanteng lamesa na pang dalawahan. Bakit kaya gustong gusto ni sir na kumain sa mcdo?. Nasa gilid ng daan?. Malapit sa pedestrian lane? Gusto ba ni sir na nakakakita ng mga humihintong sasakyan?.
Hanggang sa pagdating ng order namin ay walang nagsalita. Kumain na kami't lahat ay wala pading nagsasalita. Bumalik kami sa office ng bandang alas dos na, magreready na si sir para sa meeting, kung ano pamang meeting yan.
"Antonio, get ready" pag reremind niya sa akin. Pagpatak ng alas tres ay tumulak na kami sa conference room. Ang naroroon ay isang babaeng hindi masyadong katandaan ang itsura, medyo may hawig sila ni sir, ang isa nama'y hindi nalalayo ang edad kay sir at ang isa ay matangkad na lalaking kamukhang kamukha ni sir. Teka?. Family meeting ata ito ah. Bakit ako nasama dito?.
"They're here" malaking boses na wika ng mamang kamukha ni sir.
"They are my family" malamig na wika ni sir. Ako nama'y naki pag shake hands sa kanilang lahat. Nauna ako sa magandang babaeng naririto.
"She's Eivhon Antonio, filipina" pagpapakilala ni sir sa akin.
Nakita ko ang malalapad na ngiti ng mga taong naririto sa loob ng conference room.
"My mom, Venice Hernandez Montenegro" wika niya. Nakipag kamay ako sa kanya.
"My dad, Reigan Montenegro and my brother Vince Alfred Montenegro" nakipag kamay ako sa lahat. Ako ma'y walang idea sa mga nangyayari.
Naupo ang lahat sa mga upuan, ako'y nasa gilid na parte dahil taga take down lang naman ako ng minutes. nagsalita si ginang Montenegro.
"Your brother wants her" wika niya. Her? Who's her?. Nakita ko na nagtiim ang bagang ng boss kong nasa harapan ko lang, nakatalikod siya pero halatang halata ang reaksiyon niya.
"No" matigas na wika ni sir. Nagpapalipat lipat ang tingin ko sa mga taong nandoon.
"Then, give me this company" wika ng kuya niya, sabay tingin sa akin. Yumuko naman ako ng bahagya. Ang awkward. Dapat ata, wala ako dito.
"No, mom, i've been working here for the past 7 years" matigas na wika ng cold hearted kong boss.
"Simple lang naman ang conditions ko Gab eh" wika ng kuya niya.
"No, walang patutunguhan ang usapang ito" tumayo ang boss ko dahilan para magsalita ang kanina pang tahimik na si sir Reigan.
"Gab, Vam, napag usapan na namin ng mama niyo na mag i stay kay Gab ang EM" dapat sa bahay pinag uusapan ang ganitong bagay hindi ba? At bakit ako nandito.
"Then, it's settled" tumayo ang boss ko at hinawakan ang kamay ko palabas ng kwarto na iyon. Ang lamig ng kamay niya pero ang lambot, milyong milyong boltahe ang dumaloy sa katawan ko dahil lang sa hawak na iyon. Paglabas ay agad niya din itong binitawan.
"Wanna hang out?" Biglang tanong niya pagpasok namin sa office niya.
"Sir, may trabaho pa po eh" wika ko sakanya.
"Wala na, magdeday off tayong dalawa"seryosong wika niya. Himala, ang haba ata ng tagalog ni sir ngayon ah.
Bago pa man ako makapag salita ay dumaan na siya sa harap ko, sinundan ko siya ng tingin, nang malapit na siya sa pinto ay lumingon siya sa akin.
"Sasama kaba o maiiwan ka?" Masungit na wika ni sir. Tumalikod siya sa akin, sinipat ko ang sarili ko at lumabas nadin. Mag aalas singko na nang ihatid niya ako sa tinutuluyan ko, akala ko pa naman kung may pupuntahan kami?. Umaasa lang eh.
"I'll wait for you downstairs" pagka hatid niya sa akin sa harap ng pinto ng tinutuluyan ko.
"Hindi na sir, pumasok ka nalang po, saglit lang po ako" hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pinapapasok ko si sir sa tinutuluyan ko pero di bale na.
Imbes na pumasok ay tinignan lang niya ako ng masama tsaka bumaba na. Teka nga?. Hindi niya ba alam yung salitang courtesy? Sobrang sungit. Grabe.
###
May revisions po dito. Sorry.
BINABASA MO ANG
LOVE TAP💔💖#watty2018
ChickLitHighest rank on chicklit is #73. Thankyyy. Please do read my story. Matatawa ka, maiiyak ka, masasaktan ka, mababaliw ka. Heheh. Joke lang. Enjoy ********** Are you willing to take a risk? Kahit alam mong hindi na siya para sayo. Are you willing t...