Dumeretso ako sa harap ng tinutuluyan ko kung saan nakatayo ang taong hindi ko inaasahan. Ngumiti ako sakanya sa abot ng aking makakaya, ngunit sa likod ng ngiting iyon ay mga tanong, isinantabi ko ang mga sakit. Ngumiti siya sa akin pabalik.
"Hi" wika ko. Pinipilit kong hindi magbara ang lalamunan ko.
"Ang sabi ng guard, 5 pm nandito kana." Wika niya.
Ngumiti lang ako at kinuha ang susi sa bag ko. Binuksan ko ang pinto at inabot ang switch ng ilaw. Pagka on noon ay tinawag ko siya papasok.
Pagpasok niya sa pinto ko ay sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. Kahit ngayon lang. Akin ka muna Simon. Yumakap siya pabalik. Hindi ko ipinakita na nasasaktan ako, nakangiti akong humarap sakanya pagka kalas ng yakap.
"Kumain kana ba??" Tanong ko. Iginaya ko siya sa sala tsaka ako pumasok sa kwarto at nagbihis.
May pag aalinlangan ang mukha niya ngunit ngumiti din siya kalaunan at umiling. Please. I will pretend that i don't know. Kahit ngayon lang.. kahit sobrang sakit, kahit parang nilulukot ako sa sakit, kakayanin ko. Ang gusto ko lang ay masayang ala ala bago tayo tuluyang mag hiwalay.
Paglabas ko ay naabutan ko siyang naka upo sa sala. Nakatingin siya sa akin, pinagmamasdan ang bawat hakbang ko palapit sakanya. Nagbago na ang itsura niya, he looks so manly, ang tikas, lalong gumwapo. He smiled at me,i smiled back. Anong nangyari? Simon.
"Tara na??" Pag aaya ko sabay abot ng kamay niya. Inabot niya naman ito at naglakad na kami palabas. Huwag mong bibitiwan ang kamay ko Mon.
Magkahawak kamay kaming lumabas, nauuna akong maglakad kaya't hindi ko nakikita kung anong itsura niya ngayon, ang gusto ko lang gawin ay ang makasama siya. Last na. Pagbigyan niyo na ako. Please. Lord.
Pumasok kami sa grocery store at namili ng mga lulutuin. Simon can cook, he's a good one. Kaya't siya na ang kumuha ng mga ingredients dahil wala akong alam doon.
Pagbalik sa tinutuluyan ko ay dumeretso siya agad sa kusina.. he wore my apron at started cooking. Tinulungan ko siya sa pag hiwa ng mga gulay. Binasag ko ang katahimikan
"Bakit ka nandito?" Hindi ko mapigilan ang kahaban sa magiging sagot niya. Kaya't napatigil ako sa pagbalat ng patatas. Siya nama'y patuloy parin sa kanyang ginagawa.
"I took a week leave" buong buo ang boses niyang sumagot sa akin.
Tumango ako ng bahagya,para ano? Para saan? Nag leave kapa talaga para mag paalam.
"Para makasama ka" sambit niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Ayan..let's pretend that everything is fine, just like, back in the days.
Iniwan ko siya sa kusina. I texted my boss. Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang sasabihin, umupo ako sa dulo ng kama ko at nag isip.
Sir, I know, this might seem informal but can I request for a week leave?
Tinitigan ko pa ng ilang minuto ang tinype ko bago pinindot ang send.
Nahiga ako sa kama at nag isip. Nandito si Simon. Nandito siya para makasama ako. Magiging makasarili ko. Wala na akong paki alam.
I touched the ring in my ring finger. Kami naman talaga eh. Kami lang talaga.
Tumunog ang phone ko hudyat na may nagtext. Kinuha ko ito at tinignan habang nakahiga.
Fr: Boss sungit
Be sure to comeback next week.Napabuntong hininga ako sa tinext niya. Ganun ba talaga siya? Cold hearted. Ni walang ka amor amor ang text.
Nagitla ako nang may biglang kumatok.
"Eii,kakain na" tawag niya.
"Sige, lalabas na ako" bumangon ako at inayos ang buhok sa salamin. Pinunas ko din ang ilang takas na luha sa mga gilid ng mata ko.
Pumanhik ako sa kusina. Naupo ako sa upuan sa tapat niya.
"Wow, adobo!" I acted just how i acted years ago. Napangiti siya sa reaksiyon ko.
"Gano katagal kana bang hindi kumakain ng adobo?" Tanong niya. Kinuha niya ang ulam at nilagyan ang plato ko. Kumuha naman ako ng kanin at nilagyan ang pinggan ko.
"Mag aapat na taon na" seryoso kong sagot.
"Hmmmmm, okay. Kumain na tayo" wika niya. Kumain na kami, paminsan minsa'y sumusulyap ako sakanya, nakaw na tingin lang ang naigagawad ko dahil kada titignan ko siya halo halong pakiramdam ang nararamdaman ko.
Napakadaming tanong sa utak ko, ang sabi mo,susunod ka sa akin dito sa Canada. Ang sabi mo walang magbabago, nangako tayo sa isa't isa. Anong nangyari?. Bakit wala pang isang taon noon, nagbago kana. Nawalan ka ng oras sa akin?. As the time passes by, our moments became just memories?. Bakit Simon?. Bakit ka nandito?.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngumiti ako pabalik. Kasabay ng pag nguya ay ang paglunok ko ng lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ako magtatanong, 1 week. 1 week lang, babalik tayo sa dati.
"Nagpa book ako sa hotel malapit dito" pagbasag niya sa katahimikan.
"May isa pa akong available na kwarto dito. Dumito ka nalang para makatipid ka" pag ooffer ko. Tumango naman siya. Good.
After dinner, siya ang naghugas ng pinggan. Nagtimpla ako ng kape at dumeretso sa viranda.
Naupo ako sa upuan at tinitigan ang city lights, this is my dream. To be in a foreign country, to earn a lot of money, to save for my future. Pero ngayon, anong future paba ang naghihintay sa akin?. My future is gone, hindi na siya sa akin.
Nakarinig ako ng papalapit na yapak kaya't umayos ako ng upo.
Tumayo siya sa harap ng railings at itinuko ang magkabilang siko doon.
"Maganda ba dito?" He asked. Without even looking.
I took a sip in my coffee and answered" oo naman"
Nakita ko ang pagtango niya.
"We'll sleep now, may pupuntahan tayo bukas" wika ko. Nilingon niya ako pero bumalik din agad ang tingin niya sa harap.
"Saan?" Mahinang tanong niya.
"Basta" iginaya ko siya sa kwarto niya. Dalawa ang room ng inuupahan ko dahil pang dalawang tenant ito. Suma tutal, ang binabayaran ko ay pang dalawang tao.
"Goodnight Eii. I love you" wika niya at agad akong niyakap.
Niyakap ko din siya pabalik. Pagka kalas noon ay tinignan ko siya, may halong takot sa kanyang mga mata. Don't worry Mon, hindi pa ako aalis. Hindi pa. Malungkot na sambit ng isip ko.
"I love you" and he kissed me goodnight.
*****
Don't forget to leave a vote and a comment. Thank you😍😍
BINABASA MO ANG
LOVE TAP💔💖#watty2018
Literatura FemininaHighest rank on chicklit is #73. Thankyyy. Please do read my story. Matatawa ka, maiiyak ka, masasaktan ka, mababaliw ka. Heheh. Joke lang. Enjoy ********** Are you willing to take a risk? Kahit alam mong hindi na siya para sayo. Are you willing t...