Imbes na pumasok ay tinignan lang niya ako ng masama tsaka bumaba na. Teka nga?. Hindi niya ba alam yung salitang courtesy? Sobrang sungit. Grabe.
Nagmadali akong magbihis, maong shorts na medyo above the knee at isang v-neck na t shirt. Okay na ito. I tied my hair in a bun, at isinoot ko ang pang harry potter kong eye glasses. Voila. Maganda kana Eii, kaso, mag isa ka nalang. Tiningnan ko pa ng sampung segundo ang itsura ko sa salamin, bago bumaba.
Pagbaba ay naabutan ko ang sir kong nakasandal sa kotse niya habang nakapikit, why so cold hearted sir? Anong misteryo sa likod ng pagiging matigas at masungit mo.
"Tara na, sir?" Hahakbang na sana ako papunta sa pinto ng front seat pero naglakad siya paalis sa kotse niya. Naglakad! Eii. Meaning, hindi kayo magkokotse. Dumeretso siya sa bar ni Betty. Pagkapasok ay agad siyang sumalampak sa upuan na nasa may bar counter at umorder ng inumin.
"Hey, why are you early today?"tanong ni Betty, na kagagaling lang sa office.
Tinignan ko ang boss kong nakatalikod sa akin kaya napatingin din siya doon.
"The President?" Curious na tanong ni Betty. Ahh..so, siya pala ang president.
"He's my boss" bulong ko kay Betty. Tumaas baba ang kilay nito at nakangising aso.
"Really?. It's the first time he brought a lady here" wika ni Betty. Nagjojoke kaba Betty?. Hindi niya ako dinala dito. Uhh teka?. Tinignan ko si Betty ng masama. Tumawa lang siya sa ginawa ko.
Iniwan ko ang boss ko sa bar counter at pumunta sa stage. The usual routine, tono ng gitara, ayan. Pwede na.
"Good evening everyone, it has been a long time" wika ko sabay tawa.
May mga sumigaw ng yeahh!. Malamang yung mga regular costumer na iyong mga yun.
"Drop your requests" wika ko. May mga nagsulat na sa mga papel na nasa table nila at ini abot ng isa sa mga crew ng bar.
Nagbasa akong mga request at "This song is dedicated to Miss Sunny"
A hundred and five is the number that comes to my head
When i think of all the years i wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
'Pinangarap ko din to eh. Favorite song ko ito dati, but now that my love is gone at hindi ko alam kung may babalik paba, i can't seem to see my future happy anymore.
That's precisely what i plan to do.
And you know, one of these days. When i get my money right.
Buy you everything and show you all the finer things in life
'Simon has his everything now, andami naming pangarap, plano. We want to travel around the world, now that we both have the money, we don't have the time. Nakakalungkot lang isipin na hanggang drawing nalang lahat ng mga plano namin at hindi ko alam kung kailan ito makukulayan o makukulayan pa kaya?
We'll forever be inlove, there ain't no need to rush.
'We weren't rushing and see what happens. Nasaan na kami ngayon? Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa bawat liriko ng kanta ngunit kaakibat nito ay ang sakit, sakit na nagsasabing, hindi niyo pag aari ang mundo.
Tinapos ko lahat ng request at binalikam ang boss kong hindi manlang ako nilingon habang kumakanta. Ano bang problema niya?
"Sir" tawag ko sabay upo sa upuan na nasa tabi niya.
Lumingon siya sa akin "hmmm??" Sabay ngiti.
Lasing na si sir,parang nauulol na eh
"You know what Antonio, magkwento kanga" wika ni sir, dahilan para mapatunganga ako. Ano daw??
"Tungkol saan naman sir?" Kunot noong tanong ko.
"Tungkol sa buhay mo" humarap siya sa akin dahilan para magtama ang paningin namin. Kumabog ng bahagya ang dibdib ko. Strange feeling. Lumingon ako sa kaliwa para makaiwas sa tingin niya.
"Sir,umuwi na po tayo" pag aaya ko sakanya. I've never seen him like this. Wasted and such. May problema bang mabigat si sir?.
"Sige. Let's go" wika niya sabay tayo. Lumabas kami sa bar, inihatid ko siya sa nakaparada niyang kotse sa harap ng tinutuluyan ko.
He's drunk and he can't drive. Mag isip isip ka Eii.
"Sir, magpalipas po muna kayo ng oras para bumaba yang ininom ninyo" wika ko dahil pasakay na siya sa kontse niya. Lumingon siya sa akin at nagsalita.
"I can manage Antonio" wika niya. Bubuksan na niya ang pintuan ng kotse niya nang hawakan ko ang kamay niya, parang may boltahe siyang naramdaman kaya't agad niyang tinabig ang kamay ko, nakita ko ang gulat sa mukha niya pero kumalma din ito kalaunan.
"Sir, pumasok po muna tayo sa loob ng unit ko, wala po akong gagawing masama" wika ko sabay kaway paharap ng kamay ko. Naningkit ang mata niya sa sinabi ko at pinilit pading pumasok sa kotse niya.
"Okay, kung ayaw mo edi huwag" napalakas kong wika dahilan para mapalingon siya.
"Fine" masungit niyang wika at nagmartsa papuntang building na tinutuluyan ko. Nauna na siya at iniwan ako sa baba kaya't tumakbo akong hinabol siya.
Napaka sungit talaga. Grabe. Nang maabutan ko siya ay agad kong binuksan ang pinto, pumasok naman siya ng walang anumang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Iginaya ko siya sa veranda, naupo siya sa isa sa mga upuan doon at ipinikit ang kanyang mata. Ako nama'y kumaripas sa kusina at nagtimpla ng kape.
Pagtimpla ay dumeretso ako kaagad sa veranda. Tulog naba siya?. Inilapag ko ang dalawang mug sa mini table na nandoon..
"Sir,coffee" wika ko sabay upo sa upuan na nasa tabi niya.
"Thank you" wika niya sabay bukas ng mata niya at umayos ng upo. Kinuha niya ang kape at uminom ng konti doon.
"Antonio" tawag ni sir.
"Hmmmm?" Nilingon ko siya.
"May problema ba sir?" Tanong ko sakanya. Sabay harap sa city lights
"They are my family" wika ni sir. Hindi ako nagreact kaya nagsalita siya ulit.
"My brother wants something i mean someone i can't give him" pagtutuloy ni sir.
"Aanhin niya sir?" Parang bagay lang ehh.
"He likes her" ramdam ko ang lungkot sa boses ni sir. Tumango tango lang ako sa sinabi niya.
"But i love her" wika ni sir sabay tingin sa akin. Kawawa ka naman pala sir. Iyon ba iyong pinag usapan ninyo sa conference room kanina?..
"Inlove ka sir?" Maintriga kong tanong.
"For 4 years, yes" wika niya. Sabay prenteng sandal sa upuan.
Grabe hah. 4 years?. Eh single si sir. Wala naman din akong nababalitaang babae na nachichika sa kanya o wala lang talaga akong pakialam.
"What happened then?" Maintriga kong tanong.
"She's so inlove with someone else" malungkot na wika ni sir.
"Baka naman kasi hindi ka nagpaparamdam sir" naningkit ang mata niya sa sinabi ko. Malamang,sa itsura niya, hindi yan marunong manligaw kaya naunahan.
"Nakakasama mo ba siya? Nakikita? Nakakausap? O baka naman kasi hinahayaan mo lang siyang mapunta sa iba? Sir" mahaba kong tanong kay sir. Malamang,hinahayaan niya lang yan. Mukhang mabagal si sir eh. Kawawa naman. Baka maunahan kapa ng kapatid mo sir. Tsk tsk
"What should i do then?" Bigo niyang tanong.
"Edi, make her feel special" deretso kong wika. Buti kanga sir eh. May chance pang mapasayo, eh ako?. 50-50 ba. Nasa bingit na. Haaay.
"What about you?" Tanong niya. What about me?.
"Bakit sir? Bakit ako?" Tanong ko sabay higop ng kape.
"Bakit ka iniwan?" His question is like a dagger to my heart, may namuong luha sa mga mata ko ngunit agad ko din itong pinunas bago pa man tumulo.
"He will come back to me" may pag aalinlangan kong wika.
BINABASA MO ANG
LOVE TAP💔💖#watty2018
Chick-LitHighest rank on chicklit is #73. Thankyyy. Please do read my story. Matatawa ka, maiiyak ka, masasaktan ka, mababaliw ka. Heheh. Joke lang. Enjoy ********** Are you willing to take a risk? Kahit alam mong hindi na siya para sayo. Are you willing t...