Ika-pito💔💔

45 6 0
                                    


Hindi niya ako sinagot. Tumingin lang siya sa camera. Shit. Kinakabahan ako.

"Mira! Answer me. Bakit si Simon?" No! Not Simon. Huwag si Simon please. Napanghihinaan ako ng loob. Bawat segundo na hindi sumagot si Mira ay nilulukot ang puso ko.

"Siya ang ama ng dinadala ko. I'm sorry. I'm sorry" umiiyak na sabi ni mira. My face turned into a poker one. Namamanhid ang buo kong katawan, hindi ko alam kung saan ang masakit. Hindi ko maramdaman. Wala akong maramdaman.

I let out a fake laugh.

"Huwag ka ngang ganyan Mira" pagpuputol ko sa kabang aking dinarama.

"Ang sabi niya. Hindi niya paninindigan ang bata " umiiyak padin si Mira. Hindi ko na alam ang iisipin ko. And why the hell are you telling me this Mira?. What the hell.

"Bakit mo sa akin sinasabi yan?Mira" diniinan ko ang bawat salita. Masakit Mira. Sobrang sakit.

"Ayokong lumaki ang bata ng walang ama. Alam mo naman ang pinagdaanan ko diba?" May halong lungkot at pagka plastik ang naramdaman ko sa sinabi niya sa akin

"Anong gusto mong gawin ko?" Hopeless kong tanong. Bakit ginawa ni Simon sa akin ito?. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa sakit. Para akong binuhusan ng asido at sinaksak ng isang libong kutsilyo. Ang sakit. Sobra. Pinigilan kong umiyak. I composed myself. I controlled my anger. Iniisip ko ang sitwasyon ni Mira. Based from her looks, dumadaan siya sa matinding stress.

"Convince him, na panindigan ang bata". Seryoso niyang wika. Naririnig mo ba ang sarili mo Mira? Why are you so selfish?. Bakit ako?. Nananahimik ako.

I turn the call off.

Hindi ko na pinansin kung may sasabihin paba si Mira. Isinara ko ang laptop para hindi na siya ulit makatawag pa. Tumayo ako ng wala sa sarili at ibinagsak ang katawan sa kama. Humiga ako ng maayos at tiningala ang bobida ng kwarto ko. Anong nangyari?. Kasalanan mo naman to Eivhon eh. Iniwan mo eh. Ayan tuloy. Naniwala ka kasi eh. Nangako kayo sa isa't isa hindi ba? Nangako siya sayo na kayo padin kahit anong mangyari.

Pinagsiklop ko ang mga palad ko. May naramdaman akong metal sa aking daliri. Itinaas ko ang kaliwa kong kamay at itinapat ito sa aking mukha. For three years, hindi ko tinanggal ito. Nakaramdam ulit ako ng sakit, sobrang sakit. I felt a liquid coming out from the sides of my eyes. Sobra sobrang sakit. Kinuha ko ang aking phone, i googled his name and there it goes. Napakadaming article ang lumabas, he's on the hot seat now.

Theres this video of him, interview sa TWBA.  I clicked it and watched.

"Is the issue true?" Tanong ni tito boy.

"Gawa gawa lang tito boy" poker face niyang sagot.

"Paano mo nasabi?" Tanong ulit sakanya

Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya. Sobrang, sobrang gwapo niya na. I know, he will turn into this person, a very good looking one. Nasa kanya na ang lahat ngayon, ang fame,looks everything. See? May magandang naidulot ang pag alis ko.  He opened his life, hindi naikulong ang mundo niya sa akin. He needed it. Hindi ko siya pwedeng angkinin dahil alam kong may mas igaganda pa ang buhay niya pero bakit sobrang sakit?.  Parang tinutusok ng mga karayom ang buo kong katawan.

"Are you in a relationship right now?" Tanong ulit ni tito boy.

"No, but i'm promised" sagot niya. Ngumiti si tito boy.

"Promised to whom?. Non-showbiz?" Maintrigang tanong ni tito boy.

Humalakhak lang siya sabay ngiti. Lumabas ang dimple niya.

Natapos ang video. Hundred thousand views within a day. I can say, sikat nanga talaga siya.

I opened my facebook account. For the past 3 years, yes. Messenger lang ang gamit ko. I refrained myself from using the social media dahil ayokong maging updated sa buhay ng mga tao sa labas. Gusto ko, na kung ano iyong naiwan ko sa Pilipinas ay maging fresh padin sa akin.

Pumasok ako sa opisina, hindi ako na late. Bumangon ako kahit sobrang sama ng pakiramdam ko.

Naabutan ko ang boss kong nasa loob na ng office niya.
Pumasok ako para bumati.

"Goodmorning sir" bati ko. Inangat niya ang kanyang tingin at tinitigan  ako .

"Goodmorning" wika niya. Dahilan para magulat ako. For the past 3 years! First time!. Mamarkahan ko ito sa kalendaryo.!

"Sir, may meeting po kayo mamayang 8:30. Coffee?" Pagreremind ko sakanya.

"Yes, please" huwaw?. What happened?. Umikot naba ang mundo?.

I went to the mini kitchen inside his office at ipinagtimpla siya ng kape. Nagtimpla nadin ako ng sa akin syempre. Inilapag ko ang kape sa may dulong parte ng kanyang lamesa.

Hahakbang na sana ako palabas nang

"Stay here"  wika niya. Dahilan para mapatigil ako.

"You need anything sir?" Baling ko sakanya. Iginilid niya ang mga papeles  sa kanyang table at itinuko ang dalawang siko sa ibabaw nito.
Inilahad niya ang palad niya sa tapat ng upuan, senyales na gusto niya akong paupuin.

"Wala. You look pale" tingin niya sa akin.

"I'm fine sir." Dimo naman kailangan magpaka concern. Wala ka namang concern sa buhay ko eh. Umupo lang ako at prenteng nagkape.

"Have you eaten?" Tanong niya sabay lingon sa kaliwa. Iniiwas ang tingin sa akin. Uyy. Si sir. Bait baitan.

"Yes sir. Don't worry". Nakangiti kong sagot. Kahit papaano, gumagaan ang pakiramdam ko.

"Stop your smile. Ngiting aso" bastos niyang wika. Walang hiya. Tssss. Inirapan ko lang siya at tumayo na. Buti nalang hindi niya nakita. Pasalamat ka, mabait pako.

The week turns out to be a plain week. Maayos ang trabaho ko. Kinuha ko ulit ang project para sa cover ng magazine sa susunod na taon. Kahit ayaw ng mga dati kong ka team ay nag makaawa talaga ako. Dahil doon, isang linggo na akong nag oovertime. Isinara ko ang buhay ko sa pilipinas. Hindi ko kaya. Hindi ako tumawag sa bahay, hindi nangamusta o ano pa man. Gusto ko lang mapag isa .

*****
Don't forget to leave a vote and a comment. Thank you😍😍

LOVE TAP💔💖#watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon