"happy anniversary" bungad niya sa akin. Ngumiti ako at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. Kinalas niya ang yakap at pumasok sa loob ng bahay.
"tay, lalabas po muna kami ni Eii" paalam niya sa tatay ko na agad namang tumango.
"8 pm ang uwi Simon. Alam mo na" wika ni tatay sabay tapik sa balikat ni Simon.
Nagpaalam na kami at umalis. Single motor ang sasakyan ni Simon.
"di bale, next time, kotse na ito" wika niya habang nagmamaneho. Kumapit ako sa bewang niya at isinandal ang ulo ko sa malapad niyang likod.
"oo, matutupad din yan. Sa tamang panahon" sagot ko habang prenteng nakasandal sa likod niya.
Ipinark niya ang motor at bumaba siya, inabot niya ang kamay ko para makababa ako ng maayos. He's always like this, sweet and caring.
Pumasok kami sa loob ng restaurant at naupo sa isang reserved kubo. This restaurants name is Ahai, first time ko dito. Ang ambiance ng lugar ay nakaka 80's, ang mga walling, mga disenyo ay nakakaluma in a good way. Para akong bumabalik sa makalumang panahon.
"matagal ko ng gustong kumain dito" wika niya sabay tingin sa menu. Tumingin din ako sa menu at nakita ko na affordable ang mga pagkain.
"oh, first time mo din?" tanong ko.
"oo" sagot niya. May sinabi siyang order sa waiter, tumingin siya sa akin, pahiwatig na sabihin ko nadin ang order ko.
"ikaw na bahala" wika ko. Sumingkit ang mata niyang tumingin sa akin sabay sabi sa waiter ng "sige, dalawang order ng ganun".
Umalis na ang waiter, ang mga tao doon ay panay ang tingin kay Simon. Siguro'y hindi niya iyon napapansin dahil sa akin lang naman siya nakatingin. Ohh emm geee.
"bakit ngayon ka lang kumain dito kung gayon?" pangungulit ko sakanya.
"tsss. Gusto ko kasing kumain dito ng ikaw ang kasama" wika niya. Napayuko ako at ngumiti.
"happy anniversary" wika niya ulit. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa at inilagay ang silver na sing sing sa palasingsingan ko. Kasyang kasya. Itinaas niya ang kamay ko para makita niyang maayos kung bagay ba.
"para saan ito?" tanong ko. Binawi ko ang kamay ko para makita ng maayos ang sing sing.
"promise ring yan" wika niya sabay pakita ng suot niyang sing sing na kapareho lamang ng sing sing na isinuot niya sa akin.
"promise ring?" curious kong tanong.
"oo, sa ayaw at sa gusto mo. Ako ang pakakasalan mo, naintndihan mo?" seryoso niyang wika sa akin. Kahit hindi mo sabihin Simon. Ikaw naman talaga eh. Noon pa man, ikaw na ikaw na talaga.
Tumango tango ako sa sinabi niya. Tumayo siya sa kinauupuan niya at tumungo sa harapan ko, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at inilapit ang mukha sa mukha ko, eto naba ang pinakahihintay kong halik?, but to my dismay, hinalikan niya ako sa noo. I find it gentleman though. Nakita niya ata ang pagka dismaya ko kaya't tatawa tawa siyang bumalik sa kanyang upuan. Sakto namang dumating ang order namin.
"kumain kana Eii ko, lalamig ang pagkain hahahha" wika niya. Inirapan ko lang siya at hinarap ang pagkain.
"mag aapply ako sa pinagtuturuan mo" deretso niyang wika sa akin. Napatigil ako sa pag nguya at tumingin sa kanya. Walang halong bakas ng panloloko ang mukha niya.
"bakit?" tanong ko. Kumunot ang noo niya sa sinagot ko, oo nga?. bakit bakit ang sinabi ko.
"ayaw mo?" may pagka dismaya ang itsura niya.
BINABASA MO ANG
LOVE TAP💔💖#watty2018
ChickLitHighest rank on chicklit is #73. Thankyyy. Please do read my story. Matatawa ka, maiiyak ka, masasaktan ka, mababaliw ka. Heheh. Joke lang. Enjoy ********** Are you willing to take a risk? Kahit alam mong hindi na siya para sayo. Are you willing t...