Ika dalawampu't apat💔💔

47 6 0
                                    

"Why taking me there?" English niyang tanong. Ipagdadasal ko na sana maging mabait kana sa akin. Ipagdadasal ko na sana magkaroon kana ng lakas magtapat sa babaeng mahal mo. Ipagdadasal ko na sana maging maayos na lahat sa akin, sa amin.

"Just" wika ko. Sabay pasok sa banyo. Wala akong pakialam kung nasa labas pa si sir. Tssss. Kwarto ko ito. Lumabas siya kung gusto niya.

Pagkatapos ko ay wala nanga si sir sa loob ng kwarto ko. Siguro,nasa labas na.

Pagbaba ko ay nakita ko siyang nakabihis na. Wearing a plain shirt and a khaki short. Mukha lang siyang mamamasyal sa mall. Ako nama'y naka t shirt lang din at naka half pants.

"Tara na?" Tanong ko. Kinuha ko ang car keys sa lagayan na nasa tabi ng TV.

Nagpaalam kami sa mga magulang ko at pumanhik na.

"I will drive" wika ni sir kaya binigay ko sakanya ang susi.

Tahimik lang kami sa byahe, pag nagtatanong siya ng direksiyon ay ginagamit ko ang kamay ko para ituro kung saan. Kinabahan ako ng bahagya, hindi kung mawari kung bakit.

Ipinasok ni sir ang kotse sa parking space ng simbahan.

"Bababa na ako" wika ko kaya itinigil niya ang kotse.

"I'll just park this right" wika niya. Tumango ako at bumaba na.

Nagulat ako nang bukas ang simbahan, kung sabagay, sabado ngayon, baka may ikakasal o ano. Kukuha lang naman ako ng pictures dito at magdadasal nadin.

Pagtapak ko sa simbahan ay oo nga, may nagpapractice para sa kasal. Naupo ako sa likod na bahagi at pinanood ang mga nagpapractice. Nakakatuwa naman, pag ako ang kinasal, mararanasan ko din ang ganito.

"Mira!, bubuksan ang pinto tsaka ka papasok, okay?" Malakas na wika ng siguro ay organizer.

"Oo!" Sigaw ng babaeng palabas ng simbahan, napatigil siya sa paglalakad ng mamataan ako. Fear, i saw fear in her eyes. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Iniwas niya ang tingin sa akin at itinuloy ang paglalakad. Si Mira ang ikakasal?. Nanigas ako sa kinauupuan ko, nanlalamig ang mga kamay ko, hindi ko nagugustuhan ang iniisip ko. Nakaramdam na lamang ako ng sakit at parang may tumutusok sa puso ko. Hindi, hindi ito maaari. Sinuntok ko ng bahagya ang dibdib ko dahil nahihirapan akong huminga.

Tatayo na sana ako nang magsalita siya mula sa likuran ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Plain niyang tanong. Tuluyan akong tumayo at hinarap siya.

"Ikakasal kana pala,wala ka manlang pasabi" i tried to sound happy but i feel so bitter inside.

"Mag usap tayo Eii" mahinang wika niya. Tumango ako at sinundan siya palabas ng simbahan, sa waiting shed sa loob ng compound ng simbahan ay doon siya tumigil.

"Congrats Mira" nakangiti kong wika. Nakita ko ang lalong pagdilim ng mukha niya.

"Huwag kang magkunwaring hindi mo alam Eii"wika niya. Magkaharap kami ngayon at kitang kita ko ang umbok sa tyan niya. Kaya siya magpapakasal dahil buntis siya. Kanino nanga ba??..

"Hindi ka parin ba naniniwala Eii?" May sakit sa boses ni Mira. Tinitigan ko lang siya dahil ayokong magsalita. Ayoko, hindi ko kaya.

Ngumiti ako sa kanya dahilan para hawakan niya ako sa magkabilang braso. Walang wala ang higpit ng kapit mo sa sakit na nararamdaman ko, traydor ka Mira.

"Bakit mo nagawa ito sa akin?" Mahinang tanong ko. Ang sakit Mira, kaibigan kita eh.

Nakita kong yumuko siya at naupo sa upuan na nandoon, kinuha niya ang kanyang panyo at ipinunas iyon sa kanyang mata.

LOVE TAP💔💖#watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon