Ika labing walo💖💖

54 6 0
                                    

Lumabas ako sa veranda at pinagmasdan ang kalangitan, wala ng araw, tanging mga bituwin nalang ang nakikita at ang nagliliwanag na buwan. Tumayo lamang ako sa harap ng railings at itinuko ang dalawang braso doon. Lumingon ako ng kaunti sa loob dahil narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo. Tapos na si sir, pumasok ako para kumuha ng gamit. Wala na si sir sa loob ng kwarto namin, ang bilis niya namang lumabas. Kumuha ako ng damit at nag shower nadin.

Paglabas ko ay agad kong hinanap ang aking cellphone. Pagkakuha ko nito sa bulsa ng bag ko ay nakita kong napaka daming tawag sa messenger at text messages. Karamihan ay galing kay Simon, oo nga pala, sinabi nga pala niya na tatawag siya, bigla akong nakaramdam ng guilt dahil nakalimutan ko. Tinext ko siya agad to say sorry. I've waited for 5 minutes pero walang reply, baka busy pa o baka nagpapahinga na.

Tumunog ang cellphone ko kaya't tinignan ko ulit ito. Napangiti ako sa nagtext.

Fr: Boss sungit.

Finished? Bumaba kana.

Napangiti ako dahil hanggang ngayon,masungit padin siya. Nakakainis.

Kinuha ko ang sling bag ko at bumaba na.

Pagbaba ay nakita ko siyang nasa lobby, may mga lumalapit sa kanya para makausap, siya nama'y poker face na sumasagot sa mga ito. Anlalapad pa naman ng ngiti ng mga babaeng kumakausap sa kanya. Napansin niya atang papalapit na ako kaya't tumayo na siya. Nakita kong nag excuse siya sa mga babaeng nandodoon at naglakad na papalapit sa akin. He smiled at me. A wide one, a real one, i think. I smiled back, a wide smile too. Pag nakikita ko siya, nakakalimutan ko lahat ng sakit na nadarama ko, kahit wala siyang ibang ginawa kundi magsungit,natutuwa parin ako. I don't know.

"Let's go" pag aaya niya. Tumango naman ako at sumunod na sa kanya.

Pumasok kami sa restaurant na nasa tabi lang ng hotel. We bought native filipino cuisines. After dinner ay bumalik na kami sa hotel namin, hindi ito ang unang beses na makakasama ko si sir sa iisang kwarto, i don't feel any awkwardness at all. Pag kasama ko si sir, pakiramdam ko, safe ako.

Pumunta siya sa veranda kung nasaan ako kanina at naupo siya doon. Iniwan ko siya doon at pumunta sa kusina ng hotel na tinutuluyan namin, humiram ako ng mugs at nakahingi ng mainit na tubig, bumili din ako ng 3n1 sa tindahan. Pagpanhik ko sa taas ay naabutan ko siya na nasa veranda padin. Ini abot ko sakanya ang mug at naupo sa upuan na nasa tabi niya.

"Malalim ata iniisip mo sir hah" pang iintriga ko. Hindi niya ako nilingon, bagkus ay uminom siya ng kape.

"Have you ever been this inlove?" Walang lingom niyang tanong.

"Hindi ko po alam" wika ko. Dahil hindi ko naman alam kung anong nararamdaman niya.

"Makita mo lang siya, you're completely happy" plain niyang wika. Hmmm. Ganun pala iyon. Hmmm. Napatango tango ako sa sinabi niya, uminom ako ng kaunti sa kape ko bago magsalita.

"Parang nakalimutan ko na yung pakiramdam na iyon" deretso kong wika. Sa tinagal tagal na hindi ko nakasama si Simon, parang nakalimutan ko na ang pakiramdam ng inlove. Pakiramdam na nakikita mo palang siya, kuntento kana.

Naramdaman kong lumingon siya sa akin kaya tumingin din ako sakanya, pagbaling ko ay agad niyang ini iwas ang tingin niya. Tssss.

"Ako, i'm contented. Pag nakikita ko siya, it's enough for me" ang laki ng pinaghuhugutan ni sir. Ramdam na ramdam ko ang bawat linya niya . Inextend ko ang kamay ko at hinagod ang likod niya.

Tumawa siya sa ginawa ko. Maski ako ay natawa rin. Hahhaa.

Tumayo siya sa kinauupuan at naglakad pabalik sa loob. Nang nasa sala na siya ay nagsalita siya agad.

"Mag toothbrush ka bago matulog" seryoso niyang wika. Dahilan para mapahalakhak ako. Dinig na dinig ang tawa ko sa buong building. What da ef. Hahha.

"Ikaw din sir!" Sigaw ko sakanya.

"And stop snoring antonio" plain niyang wika. Ano??. Ako??.

Naglakad ako papunta sakanya para sabihin na hindi ako humihilik. Pero bago pa man ako makalapit ay nadulas na ako, nauntog ng bahagya ang pwet ko sa sahig, buti nalang may carpet. He saw what happened.

Lumaki ang mata niya, akala ko ay tatakbo siya para tulungan ako pero hinawakan niya lang naman ang tyan niya tsaka tumawa ng napakalakas. Napatulala ako sa aking nasilayan. Napatulala ako sa nakita ko. Si sir, tumatawa? Si sir! Eii. Tumatawa.

Pakiramdam ko, pinamulahan ako ng mukha dahil sa hiya. Si sir! Tinatawanan ka!.

Kung hindi ko lang siya boss ay baka natadyakan ko na siya. Tumayo ako ng mabilisan tsaka pinagpag ang damit. Inirapan ko siya, nakita niya iyon pero hindi siya tumigil sa pagtawa. Kanina, natutuwa pako dahil masaya siya pero ngayon, parang gusto ko na siyang bigwasan.

Sa loob kami ng kwarto natulog, ako sa higaan at siya sa sahig, hindi kasi siya kasya sa sofa kaya ayun. Tse!. Hindi ako naaawa sa kanya. Lalaki siya. Magpaka gentleman siya. Wala naman siyang reklamo kaya ayos lang.

Pag gising namin ng umaga ay inabangan namin ang sunrise, we took photos of it ofcourse.

We went to the zipline na nasa taas ng bundok, nasa ibabaw iyon ng dagat kaya't enjoy, sana,kung hindi lang ako takot sa heights.

"Sir, ikaw nalang" pagtutulak kay sir nang binibihisan na kami para sumalang sa zipline.

"No, Antonio, come with me" seryosong wika niya.

"Okay nako sir" pag tanggi ko. Pero nagpahila padin ako sa mga taong nandoon at ini ayos na nila ang kable para sa akin, noong pumunta ako dito ay pang isahan palang ang kable,pero ngayon, pang dalawahan na.

Pag tingin ko sa baba ay nangatog ang tuhod ko. Naramdaman ko nalang ang mainit na kamay na humawak sa palad ko.

"It's okay, Eivhon" wika ni sir sabay tingin sa akin. Somehow, his hands touching my hands brought comfort to my heart. It feels warm and safe. Kumalma ang puso ko sa kaba at tuhod ko sa pangangatog.

"We're ready!" Sigaw ni sir. Dala ang minicam ay ikinabit na kami sa kani kaniya naming mga kable.

Bago pakawalan ang tali ay lumingon siya sa akin, his looks, his stares feels like natural to me, it gives me a comfortable feeling,it feels like. . . HOME.

******
I'm actually loving them.
Team gabvhon. Hahha

Don't forget to leave a vote or a comment. Thank you😘😘

LOVE TAP💔💖#watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon