Ika dalawampu't isa😍😘💖

46 7 0
                                    

Napatigil ako sa narinig ko. Hindi ako umuwi dahil ikakasal kami. Wala akong alam sa kasal kasal na yan. Ngumiti ako ng mapait at hindi sinagot ang tanong ni mang arman. Naramdaman ko ang marahang hagod sa likod ko kaya't nilingon ko siya.

"Everything will be fine Antonio" mahina at walang lingong wika ni sir. Tingin mo sir?. Sa tingin ko, hindi na eh. Sa tingin ko, hindi ako iyong babaeng tinutukoy sa article. Akala ko okay ako eh. Pero bakit ang sakit sakit.

Wala pang limang minuto ay nakarating na kami sa compound namin. Nagbayad ako ng singkwenta kay mang arman at nag paalam na.

Alas syete na pala, madilim na ang paligid. Madaming nagbago sa lugar namin, dati'y hindi maliwanag dito kapag gabi ngunit ngayon ay bawat poste may mga ilaw na. Maganda nadin ang pagkakasemento ng mga daan.

Na miss ko ang lugar na ito. Nakaka miss din pala. Napabalik ako sa ulirat nang tumikhim ang boss ko. Agad ko siyang nilingon at tutulungan na sana sa pagbubuhat ng bagahe namin pero hinawi niya ang kamay ko.

"Where is your house?" Masungit na tanong ng boss ko. Itinuro ko ang 3 storey house na nasa gitna ng tig dadalawang palapag na bahay. Tumango ang boss ko at naglakad na papunta doon.

Hindi pa kami napansin ng nanay at tatay ko pero nakita ko na sila, nasa terrace at nagkakape. Naka ilaw ang kwarto ng ate at ading ko kaya malamang nasa kani kaniya silang mga kwarto. Nakasara na ang bahay ng mga kapitbahay namin kaya't walang nakatunog sa pagdating namin.

"Nay! Tay!" Patakbo kong tinahak ang terrace namin. Nakita ko ang gulat sa mga mukha ng tatay at nanay ko,agad ko silang niyakap at pinaghahalikan sa pisngi.

"Totoo ba ito??" Nanay. Humarap siya sa akin at ginawaran ako ng halik sa magkabilang pisngi. Inipit niya rin ang mga pisngi ko gamit ang mga palad niya.
 
"Vii! Nii! Ang kapatid niyo" sigaw ni tatay. Narinig ko ang tili ng dalawa kong kapatid.

Napuno ng iyakan ang sandaling iyon. Ngunit napatigil ang lahat nang maramdaman nilang hindi lang ako ang dumating, maski ako'y nakalimutan ko na may kasama pala ako.

Tumakbo ako palapit sa boss ko na naglalakad palang papalapit sa bahay namin. Napaka kupad naman o sadyang kumaripas lang ako ng takbo kanina?

"Sir!!" Sigaw ko sabay takbo palapit sa kanya. Nakatingin lang ang mga magulang ko sa amin. Ilang sandali pa ay nakababa nadin ang mga kapatid ko.

"Sorry sir" mahina kong wika nang nakatapak na kami sa terrace ng bahay kung saan naka tayo ang mga kapamilya ko.

Ngumiti ng bahagya si sir at nakipag kamay sa kanilang lahat.

"Good evening" pormal na wika niya. Tinitigan ng mabuti ng pamilya ko ang lalaking nasa harapan nila ngayon. Pagkatapos ng limang segundong pag iinspeksiyon sa mukha niya ay nakipagkamay ang mga magulang ko sakanya.

"Halina! Pumasok tayo sa loob"pag aaya ni tatay.

Yakap yakap padin ako ni nanay habang naglalakad kami papasok ng bahay, ang boss ko naman ay tahimik lang na nakasunod sa amin.

"Nak, ang gwapo ng boss mo hah"  pabulong na pang aasar ni nanay sa akin.

"Opo nay,kaso NAPAKASUNGIT" bulong ko pabalik.

Kumalas si nanay sa pagkakayakap sa akin at dumeretso sa kusina, maghahanda na siya ng hapunan.

Kami nama'y naiwan sa sala, bumalik na ang mga kapatid ko sa mga kwarto nila dahil malamang mag aayos sila. Haha.

"Sir, doon po tayo sa kwarto ko" pag aaya ko kay sir. Humalukipkip lamang siya at pinaningkitan ako ng mata.

"Halika na po sir" pag aaya ko. It took him 5 minutes to digest the thought na sa kwarto ko siya matutulog. Why??. Because i find my room comfortable for him. hahahha.

Nagmartsa siya papalapit sa akin dala dala ang mga gamit namin. Sumunod siya sa akin paakyat sa hagdanan, sorry sir. Sa third floor pa po ang kwarto ko eh. Hindi kasi madalas linisan ang guest room dito sa bahay dahil wala namang gumagamit, kaya kung doon ko siya patutulugin ay baka bukas pa siya makatulog dahil maglilinis pa. Sa kwarto ko nalang dahil ipinalilinis ko naman iyon lagi, kay Nii o ate Vii nalang ako makikitulog.

I opened my room, nakita niya ang kabuuan noon. May something in common kami ni sir, we are both addicted to pictures, ang room ko ay may wallpaper na stripes colored in blue and pink, punong puno ito ng pictures ng mga bulaklak, mga ibon, mga tao.

"So, this is your room?" Poker face niyang tanong, ni hindi manlang namangha eh. Tsk.

"Yes sir. Dito ka matutulog" humarap ako sa kanya at nagpantay ang tingin namin sa isa't isa. Ano naba talaga?.

Ang mukha niya'y parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi sabi .

"Thank you"mahina niyang wika.

"Walang anuman sir. Mag bihis kana po, kakain na tayo mamaya" wika ko sabay lagpas sa kanya. Pagkalabas ay isinara ko ang pinto at sumandal pa doon. I'm confused. Nasaan naba si Simon, dapat nag eexplain na siya sa akin eh. What about the wedding na sinasabi ng mga taga dito sa amin?. Mag papakasal ba siya?. Anong ibig sabihin noon?

Bumaba ako at dumeretso sa kusina, naabutan ko ang nanay at tatay ko doon. Umupo ako sa upuan ng dining table.

"Last month pa kami dito nay, tay" wika ko sabay abot ng tasty bread at peanut butter na nasa lamesa.

"Oh? Bakit hindi ka manlang nagpasabi kung gayon?" Tanong ni tatay. Siya naman ay naka upo sa upuan na nasa tapat ng upuan ko.

"Sobrang busy po eh. Ngayon lang kaki nakapag pahinga, puro kami byahe" paliwanag ko. Tumango tango naman silang dalawa.

Tumayo ako at kumuha bg mga kubyertos at pinggan. Ini ayos ko ito sa pang animang tao.

"Buti naman at naisama mo ang boss mo dito, nak" wika ni nanay sabay lapag ng nilutong adobo sa lamesa.

"Muntik nga po akong mag isa pumunta dito eh" wika ko sabay nguya ng tinapay.

Narinig namin ang sunod sunod na yapak pababa ng hagdan, akala ko'y si sir na pero si ate pala at si Nii.

Sinalubong nila ako nga mainit na yakap.

"Tawagin mo na ang boss mo at kakain na" wika ni nanay. Umupo na ang lahat sa may harap ng hapag.

Umalis ako doon at tinawag si sir.
Kumatok ako ng limang beses bago bumukas ang pinto. Bumungad ang isang bagong ligong nilalang na galing sa kalangitan. That's how i can see him. He's a person waiting to be discovered at maghahasik ng kaguwapuhan sa buong mundo.

"Stop staring Antonio" irap ni sir.

I snapped myself and talked.

"Sir, kakain na po" deretso kong wika sakanya habang nakatingin sa kaliwa. Eh, ayaw mong matignan ka eh.

Gamit ang kanan niyang kamay ay hinawakan niya ang baba ko, iniharap niya ang mukha ko sakanya tsaka siya nagsalita.

"It's Gabriel, Eivhon. Call me Gab" deretso sa matang wika niya. Kumurap kurap ako ng bahagya tsaka niya binitawan ang baba ko.

Gabriel, it sounds strange, pangalang hindi ko naman madalas binabanggit ngunit nang marinig ko ay parang hindi bago. Parang sanay na ako.

******
Gabriel pala sir😍
Kenekeleg eke se enye eh. Hihi

Thank you my dear reader.😘
Don't forget to leave a vote or a comment.😘

LOVE TAP💔💖#watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon