Pagpapakilala....

15.7K 304 23
                                    

Prologue..


Alagad ng batas...Cum laude,isang matinik na pulis arnis expert,sharp shooter.marami nang nahuling malalaking sindikato,abusadong hueteng lord,abusadong konsehal,,,mga rapist,snatcher,,at kahit simpleng away ng baranggay at pamilya damay siya..siya at ang pamilya niya ang takbuhan...sino nga ba ako?

Ako si Cristina Tayson..bunso sa tatlong magkakapatid,pulis tatay ko,kapitana ng baranggay namin ang nanay ko.kuya ko isang engineer,,ang pangalawa kong kapatid isang certified.....never mind,,tsaka na lang muna siya..







Part 1








"Cris tawag ka ni Sarhento..tepok ka na naman sa tatay mo."pananakot ni Dexter,,kasamahan kong pulis.







Kumatok ako ng tatlong beses..pagbukas ko ng pinto,sinaluduhan ko si Sarhento,,,actually pulis din po siya at Sarhento namin...siya ang tatay ko.








"Sarhento,pinatatawag mo daw po ako."kabado kong sabi.







"Maupo ka...hintayin ko lang dumating si Santos at Gonzales,,may pag uusapan tayo."sabi ni tatay ko na abala sa pagbabasa ng report.








Mayamaya ay dumating na sila,actually apat kami sa grupo,ako lang babae,si Santos ang bestfriend ko at ka partner,si Dexter Gonzales,,at si Joey Lopez.







"Sarhento....o nandito na pala ang pasaway kong girlfriend..."si Santos..








"Gusto mo pasabugin ko itlog mo Horacio..wag mo ko asarin..mainit ulo ko."paasik ko sagot.








"Naku,,kelan ba lumamig ulo mo.nakakatakot ka nga katabi..likot ng kamay mo,bilis kumalabit sa gatilyo..."








"Tama na yan,aasarin na naman ninyo si Tayson..sabi ng tatay ko..








Ganito kami mag usap sa presinto,,di niya ko tinatrato na anak,,ika nga walang kamag anak..pag nasa bahay na,,,isa siyang mabait at responsableng tatay.







" Pinatawag ko kayo dahil sa huli ninyo kaso na hawak..nagsalita na ang biktima..ang totoo very confidential ang kaso na to..na rape ang biktima..at ang masakit nito..kinakasama ng nanay niya ang umabuso sa kanya.nasa safety house na ang bata,,nakalaya pa din ang salarin,eto ang files at sketch ng muka niya,,siya si Gardo Lim..ayon sa source natin,hawak siya ng isang pulitiko.pusher siya at sangkot sa ibat ibang robbery,rape...






"Nasan na ung ina ng bata"?tanung ni Dexter








'Nagtatago na din,ayon sa report..marahil kasangkot din ito ni Gardo.ikaw Tayson..asikasuhin mo ibang files ni Gardo,tutukan mo ang tao na yan,,wag ka muna sumama sa field...isang pagkakamali mo pa sususpindihin na kita....iyang pagtipa ng daliri mo na yan may iniisip ka na naman..dito ka muna sa presinto.."






"Pambihira naman tay,,,anu gagawin ko dito sa loob,nasa labas trabaho ko."reklamo ko.






"Anung tatay,,sarhento ko ngayon"galit na sabi ni Tatay ko






"Sarhento naman..isang araw lang kaya ko na yan files ni Gardo kaya makakasama na ko sa field"..dagdag ko na nagpapa awa pa sa tatay ko.





"That's an order Tayson...maiwan ka may pag usapan pa tayo..may kaso ka pa dun sa snatcher na hinuli mo..matutuyo dugo ko sa yo bata ka..men ...tapos na meeting natin..asikasuhin ko lang itong pasaway na anak ko..."






Pulis si MisisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon