Kabanata 1

16.2K 523 98
                                    

Bisita

"Hija, hindi ka ba papasok sa loob?"

Nilingon ko si Nay Esme. May dala siyang walis at dustpan. Tiyak kong napadaan lamang ito para maglinis sa ikatlong palapag ng mansyon. Katulad ko ay tumingin na rin siya sa nakasaradong pinto ng aking dating kwarto.

"Sabi ni Madame Claricia ay siya na ang nagbigay sayo ng susi ng kwarto kanina. Akala ko'y nasa loob ka na't nagpapahinga, hija.."

Tumungo ako. Hindi magawang magsalita o tumingin sa kanyang mga mata. Nakayuko lamang ako at tinitingnan ang nanginginig kong mga kamay na hawak-hawak ang sinasabing susi. Natatakot ako sa mga masasakit na alaala na maaaring bumungad sakin pagkabukas ng pinto.

Hinawakan niya ang aking kamay at kinuha ang susi mula sa palad ko. Agad ay nabuksan ang dating kwarto ko.

"Alam kong hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang lahat, hija. Hindi madaling masaktan, pero alam mong kailangan nating lumaban para maging masaya tayo ulit."

She smiled. Iminuwestra ang loob ng kwarto.

Ang ngiti niyang iyon ang dahilan ng paghakbang ko papasok ng kwarto. She opened the door to let me see that everything I'm risking now will going to be worth it in the end.

Wala ngang pinagbago ang aking dating kwarto. Kung ano ito nung iniwan ko ay ganito parin ngayong bumalik na ako. Malinis. Malawak. Plain.

Wala na dito ang dating masayahing bata na buo pa ang pamilya. Wala na ang prinsesang may-ari nitong kwarto. The older version of her is right here. Full of hatred and anger...and she's trying to be strong enough to handle herself.

I sigh and gently lay in bed.

Unti-unti ay pumapasok sa aking kwarto ang sinag ng araw mula sa labas. It's probably six in the morning and I need to get up.

"Hija, gising ka na ba?"

Ang boses muli ni Nay Esme ang narinig ko sa labas ng kwarto. Kumatok pa siya ng hindi pa rin ako sumagot sa tawag niya.

Ito ang unang umagang bubungaran ko ngayong muli akong nagbalik dito sa Pueblo.

"Good Morning, Nay..."

Bungad ko pagkabukas ng pinto. She was kinda surprised to see me smiling at her. Iniisip marahil na iiyak ako dahil sa mga kilos ko kagabi. Well, I'm so done with that.

"Magandang umaga rin, hija. Gusto ka daw makasabay mag-almusal ng Papa mo at ni--"

"Nandito na si Papa?"

I cut her off in purpose. Pero di ko maipagkakailang nabigla ako na nandito na si Papa. I don't know how to dwell with him. I'm not even sure kung gusto ko na ba siyang makaharap ulit.

"Kagabi pa siya dumating, hija. Hinahanap ka nga sa hapunan."

Natulog ako buong gabi at hindi na nakapaghapunan. Bukod sa wala akong gana ay ayaw kong kasabay kumain si Claricia.

"Pakisabi pong pababa na ako, Nay.."

Nang umalis si Nay Esme ay dali-dali akong naligo at nagbihis. Simpleng short shorts at floral sleeveless top ang aking isunuot. Nagpaikot-ikot ako sandali sa kwarto. Nang masigurong kaya ko nang harapin si Papa ay agad na akong pumanhik pababa ng hagdan.

"Binastos ka niya, Claricia! Hindi siya bumalik dito para lang laitin ka nang ganyan!"

"I know Alonzo...b-but I deserve it anyway."

"Claricia..."

Naputol ang pag-uusap nila nang dumating ako sa bukana ng dining hall. Napatitig silang dalawa sa akin nang parang wala lang ay umupo ako sa kaharap na upuan ni Claricia.

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon