Again
"We have all the evidences and even the witness filed his statement for the case. Kahit si Attorney ay sinabing wala na silang takas kapag muling bubuksan ang kaso dahil sa nangyari ngayon kay Tito Alexis."
Tobias seriously stated. Mas nagmumukha siyang abogado ngayon kaysa engineer. Hindi nakatakas sa akin ang kanyang matiim na sulyap sa akin nang dahan-dahan kong nilagay ang hindi ko man lang napangalahatian na pagkain sa gilid.
"How about Alonzo? Hindi ba siya madadamay kung sakaling ituloy na buksan yun?" Tanong ni Dad.
Napaayos ng upo si Theodence na kanina pa pala gising at nakikinig na rin sa pag-uusap ni Tobias at ng aming ama.
Mukhang gustong-gusto niyang malaman kung ano ang susunod na sasabihin ni Tobias.
"Hindi ko po alam ang tungkol diyan, Tito. Hindi rin kasi nabanggit ni Attorney." Pormal na sagot ni Tobias sa tanong ni Dad. "Besides, the case is not related to Tita Athena's death, it was all about their failed abduction to Yndra's mom, pinapalakas lang ng ginawa nila kay Tito Alexis ngayon."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Noong una ay hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila ngunit nang maunawaan ko ay nag-iinit ang sulok ng aking mga mata. Pakiramdam ko ay ibabalik na naman ako nito sa panahong sinisisi ko existence ko kaya nangyari ang mga nangyari noon. Kahit alam kong bunga lamang ako ng pagtataksil ay hindi mawaglit sa aking isipan na ako pa rin ang buhay na ebidensya sa lahat ng gulo na nangyari sa pamilya.
Napansin siguro nilang lahat ang naging reaksyon ko kaya napatingin silang tatlo sa sakin.
"D-do we really need to r-re-open the case? Pwede bang ifocus na lang natin sa k-kaso tungkol sa n-nangyari kay Tito Alexis ang lahat?" Pautal-utal kong tanong.
"But, the person who almost killed you and your mom 21 years ago is the same person who almost killed your Tito Alexis, Yndra.." Paliwanag sa akin ni Tobias.
"We know how politics work, kung makukulong man ang gustong pumatay kay Tito Alexis ay makukulong na rin ang gustong p-pumatay sa amin noon ni Mama. Hindi na kailangan ire-open ang case.."
Pakiramdam ko kapag irere-open ang case ay paulit-ulit na babalik sa aking isip ang tagpo kung saan kitang-kita ko ang sakit sa mata ni Tito Alexis habang ikinukwento kung papaano nawala sa kanila si Tita Athena. Hindi man sinasadya iyon ni Papa ay alam kong nangyari iyon para sa pagpoprotekta sa amin ni Mama.
"Yndra, we have more evidences for the first case than the most recent case. Kung irere-open ang kaso noon, ay ang mga ebidensya nito ang siyang magkokonekta para managot sila sa nangyari ngayon kaya Tito." Hinawakan ni Theodence ang aking kamay. Kinakalma niya ako sa pamamagitan ng pagpisil nito. "The court doesn't need your presence while the case is running. Hindi ka na muling makakarinig ng kung anong update tungkol doon dahil alam naming nasasaktan ka. We just need your approval on this one, okay?"
Bumuntong-hininga ako. I understand what they want. Kung bubuksan muli ang kaso noon ay malaki ang tiyansang manalo kami dahil sa dami ng ebidensyang kaakibat nito na magkokonekta naman sa iilang mga ebidensya na para sa kaso ngayon.
"We just need you to know. Think that this is justice over justice.." Biglang sinabi ni Tobias. Itinutuon ang kanyang mga mata sa akin. Nabigla ako nang sumalamin ang sarili ko dito, hindi katulad noon na hinding-hindi ko nakita kung ano ang nakapaloob rito. His hazel brown eyes is somehow calm, relax, and at ease. Compared to Theodence hands caressing me to calm, mas napapakalma ako ng mga mata ni Tobias ngayon.
Tumango na lamang ako sa huli.
"Good. Wala ka na dapat pang isipin, Yndra. Tomorrow, you'll go back to Davao at kami na ni Dad ang bahala dito." Saad ng kapatid ko. Pagod na nakangiti sa akin. "May mga exams ka pang iniwan doon sa USEP."
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomancePaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...
