Believe
I never thought that Digos City is this crowded nowadays. Dirediretso kasi ang byahe ng bus noong umuwi ako sa Pueblo, kaya hindi ko nakita na ganito na pala ang mukha ng lungsod. Katulad sa Pueblo ay naninibago ako sa lugar.
Like what was said, sinama nga ako ni Tobias dito. Hindi ko alam kong dapat ko ba iyong ipagpasalamat o ikainis. Nabungaran ko kasi siyang nakawhite polo na nakatuck in sa kanyang black slacks, malayong-malayo mula sa crop top at high waisted jeans ko. He looked like some kind of rich and successful man while I looked like some kind of his young damn highschool sister..
"Mall tayo agad ah?" Sinulyapan ko siya habang seryosong nagdadrive sa kahabaan ng highway.
"I have a business meeting, Yndra.." Kita ko ang pagsulyap niya sa gilid ng kanyang mga mata. "But, I can surely drop you in the nearest mall," Huminto ang kanyang Ford sa isang malapad na apat na palapag na mall. "Isasama sana kita sa meeting, kaya lang ay exclusive iyon."
I feel disregarded. "Okay lang, Tobias. Kaya ko ang sarili ko.." Matabang akong ngumiti. Hindi ko sasabihin sa kanyang wala akong kaalam-alam sa lugar na ito. I've been to almost all malls in Cebu, mas malalaki at mas malalawak ang malls doon kaysa dito. Kaya naman, siguro'y kaya kong mag-isang gumala dito right?
Isang beses ko pang tiningnan ang mga taong pumapasok sa loob ng mall bago ko naisipang bumaba mula sa Ford ni Tobias.
"I'll call you once I'm done with my meeting," Liningon ko si Tobias na pinigilan ang pagsasara ko sa pinto ng sasakyan sa pagitan namin. "Pupuntahan kita agad dito.." Parang dinadaya ako ng nangungusap niyang mga mata na direktang nakatuon sa akin. "And please, don't be upset about this, Yndra.." Walang emosyon ang kanyang mga mata pero bakit parang may nababasa akong pumapaloob dito?
I nod. "I won't, Tobias.. In fact, I'm wishing you good luck for the meeting." Nagpapasalamat ako dahil mahinahon ang boses ko nang kumawala sa bibig ko, hindi pinapahalatang dismayado ako. I look calm but I'm annoyed inside. Kumakapit ako sa katiting na pasensyang akala ko ay wala ako. Besides, I am expecting this to happen.. Tobias not wanting to tour me around this crowded city just because he is in his business outfit. Damn, I'm surely not in his list of business!
Sandali kaming nagkatitigan. Shit! How I love to have those eyes.. and I hate the fact that I need to look away.
"Enjoy your meeting.." Malamig kong sabi bago tumalikod at hinayaan siyang isarado ang pinto ng sasakyan mula sa loob.
Huminga ako ng malalim at iwinaglit ang nangungusap na mukha ni Tobias sa isip ko. Come on Yndra, shopping was one of your life in Cebu, kaya mong gawin iyon dito, mag-enjoy ka!
Taas noo akong naglakad papunta sa entrance ng mall. I gracefully saunter and let my eyes wander around. Bago ako mahila ng mga paa ko papasok ay natanawan ko pa sa aking pagtingala ang pangalan ng mall. I was certain that I saw that name somewhere in Davao or in Cebu. Siguro'y isa sa mga branch itong nandito sa Digos.
Sumasayaw ang hanggang bewang kong buhok nang nagpatuloy ako sa paglalakad. Straight ito ng hanggang balikat, pero bahagyang kulot pababa. My skin is fair, maputi pero hindi rin naman sobrang mestisa. Hindi ako petite dahil sakto lang ang height ko na umabot naman ng 5'6. They say I have the face and the body, but for me it's more like I'm gifted with appeal and confidence to showcase myself. Ewan..
Hindi ko na ininda ang iilang titig ng mga tao pagpasok ko sa loob ng mall. Napapahead to foot sa akin ang mga kababaihan habang kinikilabutan naman ako sa bawat hagod ng tingin o ngisi ng mga kalalakihan. Pati ang babaeng operator ng elavator ay masama ang tingin sa akin pagkasakay ko. Ireport ko kaya ito sa management? Don't they know that it's rude to stare? Lalo na't masama pa kung makatitig. Pasimple akong umirap at nang tumunog ang elavator hudyat na nasa tamang floor na ako ay agad akong lumabas ng lift.
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomansaPaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...
