Kabanata 16

9.6K 263 51
                                        

Drought

Governor Arseus Villacias.

Pabalik-balik sa aking utak ang pangalang iyan. Gusto kong huwag nang isipin muna pero hindi ito mawala-wala sa utak ko.

"Look around, Yndra.."

Napapitlag ako kasabay ng pagbaling ko kay Tobias. Natanawan ko siyang nag-aalalang nakatingin sa akin. Malamlam ang kanyang mga mata at parang alam kung ano ang gumugulo sa akin ngayon.

"Look around and let yourself forget.." Sabi niya bago bumaba ng kotse.

Sa sobrang gulo ng utak ko ay hindi ko namalayang nakahinto na pala ang kotse. Parang naiwan yata ang takbo ng isip ko sa paaralan kanina kahit na nakaalis na kami at pauwi na ng mansyon ngayon.

Inisip ko nang ang bakuran ng mansyon ang aking unang matatanawan pagkababa ko ng kotse, ngunit nagkamali ako.

Sumabog ang aking buhok dahil sa pagsalubong ng hangin sa aking buong mukha. Akmang aayusin ko ito nang mahawakan ko mismo ang kamay ni Tobias sa mga hibla ng aking buhok. Siya ay nasa aking likod at siya mismo ang nag-ayos nito. Pilit hinuhuli niya ang bawat takas kong buhok.

"Concentrate on what's exactly in front of you, Yndra," aniya. "Breath...and let go all the uncertainties bugging  in your mind right now."

Kahit hindi niya sabihin ay nakahinga na ako ng mabuti. Tinangay ng hangin ang lahat ng aking alalahanin at ang nakikita ko na lang ay kagandahang taglay ng tanawin sa aking harapan.

We are on this cliff. Mula dito ay tanaw mo ang buong Pueblo Dulce. Mula sa malawak na mga tubuhan hanggang sa iba't-ibang klase ng mga kabahayan ay siyang nagpapagaan ng loob mo habang dinudungaw mo sila na parang sinasamba ka mula sa baba.

You're like a certain goddess. Ikaw ang may hawak sa kanilang lahat. Ikaw ang nagpapaulan, ikaw ang nagpapasikat ng araw, ikaw ang nagbibigay ng magandang ani, at higit sa lahat ay ikaw ang nagbibigay ng saya.

Sabi nila, kailangan mong maging malungkot para maappreciate mo ang kasiyahan. Kailangan mong masaktan para malaman mo ang totoong kahulugan ng kaginhawaan. Kaya siguro nagkaroon ng panloloko... dahil kailangan mong manloko nang sa gayon ay hindi ikaw ang maloko.

"Bakit mo ako dinala dito, Tobias?" Tanong ko, akmang lilingunin siya ngunit hindi natuloy sapagkat pinigilan niya ang aking leeg sa paglingon.

"Beacause you're making me so worried, Yndra." Paos niyang sagot.

Gusto kong isipin na pinagloloko niya na naman ako ngayon. Na isa na naman ito sa mabulaklak niyang mga salita. Pero, sa ngayon ay pagod na akong mag-isip. Pagod na pagod na akong labanan kung ano man itong nararamdaman ko para sa kanya. I have so many doubts and questions right now, but beyond all of those is the fact that Tobias' presence is enough to make me feel at ease. Isang kurap lang ng kanyang mga mata ay nakakapanlimot na sa akin.

Wala sa mga salita niya ang bitag, ngunit nasa kanyang mga mata. Dinadaya ako nito kapag sa tingin ko ay lumalambot ito kapag kaharap niya ako.

"Can we stay here for a while?" maya-maya ay tanong ko.

Huminga siya ng malalim. Nilagay niya sa aking kaliwang balikat ang buhok ko. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala nakasubsub ang kanyang mukha sa kanan kong balikat.

"As long as you want, Yndra."  He said as he slowly encircle his arms around my small waist.

Dinama ko ang hangin sa aking mukha, ang prensya ni Tobias sa aking likod, at ang magandang tanawin sa aming harapan. I feel so comfortable right now, it feels so refreshing.. and great.

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon