Told
Hindi ko alam kung saan ibabaling ang aking paningin. Naagaw ng aking mga litrato ang aking buong atensyon. Sa kanan o sa kaliwa ka man bumaling, puro ako ang makikita mo sa loob ng penthouse ni Tobias.
Tumapak ako sa carpeted floor ng kanyang living room at nilapitan ang malaking litrato ko. Naaalala ko ang tagpong ito, sa flower isles sa Pueblo. Siya mismo ang kumuha nito gamit ang DSLR na ngayon ko naalalang naiwan ko pala noon sa mansyon. Sa litrato, pulang-pula ang aking mukha sa inis ngunit may kislap ang aking mga mata ng paghanga para sa kanya.
"See for yourself how I love you, Yndra.. how much I'm obsessed with you."
Nilingon ko si Tobias na pagod nang nakaupo sa brown niyang couch, nakatingala sa akin ng ubod ng dilim na hinuluan ng pamumungay na hindi ko maatim.
Umiwas ako ng tingin. Bumuntong-hininga.
"These photos doesn't define your love for me, Tobias.. H-hindi mapapawi ng mga litratong ito ang panloloko mo sa akin!" Matigas kong pahayag. "Paulit-ulit na lang tayo eh.. nagkakasakitan lang tayo sa huli."
Pagak siyang tumawa sa sinabi ko.
"And? Ayaw mo na agad? Fuck! Alam kong pagod ka nang masaktan.. pero huwag mo naman akong iwan, Yndra." Tumingala siya at tinagilid ang kanyang ulo. Sumisilip mula sa kanyang batok ang nakatatak na mga letrang sumisiblo sa pangalan ko. "Ikaw na lang ang pamilya ko, maaatim pa ba kitang lokohin?" Mahina niyang bulong.
"I... I just can't trust the man who cheated... just to have me before." Mapait kong sabi. Nanghihina ako dahil sa bawat gilid ko ay ang aking mga letrato at canvas na kinukumbense akong magpakatanga na naman muli. "What if you'll cheat again, Tobias? Ngayon ay sa iba namang babae at iiwan mo na naman akong luhaan.. gaya ngayon. K-kahit ang simpleng p-pag-uwi mo nga lang sa Pueblo ay sinamahan mo pa ng kagaguhan!" Sigaw ko. Hindi na maitago ang galit at panunumbat sa aking boses para sa tagpong nasaksihan ko sa hospital kanina.
"Tanginang pagtitiwalang sinubukan kong ibigay sayo! Kitang-kita ko ang panlolokong harap-harapan mong ipinasilip sa akin," This time, ako naman ang tumawa ng pagak matapos ng aking sinabi. Umupo ako sa couch na kaharap niya para pigilan ang aking mga tuhod sa pagbigay. "Diretsuhin mo na lang ako, huwag yung ipaparamdam mo sa aking mahal mo ako pagkatapos makikita ko na lang na ibang pamilya ang kasama mo.."
Yumuko ako para hayaan ang luha kong mamalisbis sa gilid ng aking mga mata at para na rin itago ang pagdaloy nila sa taong patuloy kong minamahal kahit na siya ang labis na nananakit sa akin ngayon. I'm so frustrated, so broken, and so tired of being hurt.
"Damn these trust issues we have here. Damn Jeazza for the trouble she made!" Malutong na mura ni Tobias ang narinig ko sa aking harapan makaraan ng ilang sandali.
"Have you seen her with me?" Tanong niya, sanhi upang mas lalo akong yumuko. Humagulhol sapagkat sa tuwing naaalala ko ang tagpo kanina, naninikip ang aking dibdib dahil sa awa para sa aking sarili.
"You saw me with her." Inulit niya lang yata ang kanyang sinabi, ngunit ang tono niya ngayon ay hindi na patanong. Sa singhot at hagulhol ko pa lang, alam kong nakompirma niya na ito. "Fuck! Kaya pala ayaw mo na? Kaya agad na inisip mong niloko kita?"
Napahilamos ako sa aking sariling mukha. Gamit ang mga palad ko ay sinubukan kong pahiran ang aking mga luhang pasaway sa pag-agos.
"Hindi ko lang inisip na niloko mo ako, Tobias.. pinaniwalaan ko na ngayon iyon." Mabagsik kong sinalubong ang kanyang titig sa akin. "B-bakit mo sinabing umuwi ka sa Pueblo gayong nandidito ka lang naman sa Cebu?"
He blew a heavy breath the moment my question settled in between us. The thin air between us became more thinner as seconds passed by. Tumitig lang siya ng matiim sa akin at hindi pa rin sinasagot ang tanong na marahas kong pinakawalan.
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomancePaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...
