Cheat
I don't want to be the center of attention, but I don't want to be feel disregarded either. I don't want to just stand here and be an audience to their talk full of sweet nothings. Hindi ako chismosa at mas lalong hindi ako masokista.
Isang hakbang paalis ay nabigla ako sa dagling paghawak ni Tobias sa aking siko. Mahigpit ang ginawang kapit niya rito, sinisiguradong wala akong takas sa kanya.
"You stay right here with me, kid." Mariing wika niya.
"Alisin mo ang kamay mo, Tobias. Nagmamadali ako ngayon. May pupuntahan pa ako." Matigas ko namang protesta. Sinusubukang alisin ang hawak niya ngunit gaya ng laging nangyayari, I always failed to loosen his grip.
"Oo alam ko. May pupuntahan pa nga tayong dalawa." Balewalang sabi niya.
Masama ko siyang tiningnan kaya halos hindi ko na napansin ang isa pang masamang tingin na iginagawad sa akin ng babeng nasa aming harapan.
Ang natural na magandang pagkakaahit ng kanyang kilay ay perpektong nakataas para sa akin. Sa sobrang pagkakataas ay maihahambing ko na sa bundok apo na siyang isa sa tourist spot dito sa amin na siya ring pinakamataas na bulkan sa Pilipinas.
"Who is this young girl here, Tobias?" Mataray niyang tanong.
"I'm his sister." Walang kagatol-gatol kong sagot. Hindi na hinintay kong ano ang isasagot ni Tobias. Well, wala siyang ibang maisasagot dahil kapatid lang naman talaga niya ako!
"So, you're Yndra Villacias? Anak ng asawa ni Tita Claricia? I heard a lot of things about you." Nanunuya siyang ngumisi sa akin.
Tinawanan ko naman siya.
"Oh. Too bad.. I haven't heard anything about you," binalingan ko ng tingin si Tobias. "Hindi ka naman kasi nagkwento Kuya.."
Mas lalo ko pang nilawakan ang pagkakangiti ko nang peke kay Tobias.
"Stop right there, kid." Mahina ngunit galit na utas ni Tobias. Iritadong-iritado na ang kanyang boses.
"Bitawan mo ako dahil titigil na talaga ako... ng tuluyan."
Mas lalo yata siyang nagalit sa sinabi ko. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at walang babala na akong hinila para makaalis sa harapan ng fiancee niya. Nakangangang pinagmasdan kami ni Jeazza. She's throwing daggers at us without being ashamed that her swimsuit is getting dryer any second from now.
Isang liko pakaanan ay narating na agad namin ang lokasyon ng aming garahe. Nagulat ako nang sinubukan kong iwaksi ang kanyang kamay ay walang kahirap-hirap ko itong nagawa hindi kagaya kanina. Tila nanghihina pa nga siyang napasandal sa kanyang kotse. Tumitingala habang humihigit ng malalalim na hininga.
"Yndra..." Bigong tawag niya sa akin.
"Don't say anything. I completely understand.." Mababa kong wika.
"You don't. You completely don't."
Huminga ako ng malalim.
"You know why I'm hesitating to just give in to your chase, Tobias?" Seryoso ko siyang tinanong.
Pagod siyang bumaling sa akin.
"It's because I saw you kissed your friend's girl, made up on the night of my birthday, and made me feel so special and likeable when you're eventually tied to other woman there!" Mariin ang bawat bigkas ko ng bawat kataga.
"You never saw me kissed girls other than you, Yndra. I explained what happened in Samal and Jeazza is---" Sinubukan niyang magpaliwanag ulit pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataong mmagpatuloy pa.
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomancePaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...
