Photographer
Hindi na ako nakaangal nang pagbuksan ako ng pinto ng Pick up ni Tobias nang maiayos niya itong maipark. Nagmamadali ko namang kinuha ang camera na nakalagay pala sa backseat saka ako bumaba at tumangging hawakan ang nakalahad niyang kamay para siguro'y alalayan ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil nahihiya ako sa mga sinabi at inakto ko kanina sa byahe. Lumalakas ang tibok ng puso ko sa pinagsamang hiya at kung anong emosyong medyo naging pamilyar na rin sa akin.
"Uh, t-thanks for the ride.."
Mabilis akong nagpasalamat at lumayo ng ilang dipa mula sa kinatatayuan niya.
Iginala ko na lang ang aking buong pansin sa loob nitong site. Napapangiwing inayos ko ang sweater na suot nang mapansin kong halos lahat ng tingin ng mga trabahanteng nagpapahinga ay sa akin nakatuon. Bumati sila kay Tobias kahit na nananatili ang mga may pagtatakang tingin nila sa akin. Narinig ko ang pagbati pabalik ni Tobias sa kanila bago binanggit ang pangalan ko para ipakilalang anak ng may-ari nitong pinagtatrabahuan nila. Saglit lang akong bumaling sa kanila para tumango.
"So, let's go?"
Narinig ko ang napapaos na boses
ni Tobias sa aking tabi.Imbes na sagutin siya ay nauna na akong humakbang patungo sa kung saang direksyon. Hindi ko alam kung sumusunod pa ba siya sa akin o hindi. Basta ay nagpatuloy lang ako sa mabibilis at malalaki kong mga hakbang.
Pansin ko ang pagkakatigil ng iilang karpentero na patuloy na gumagawa sa building. Pinagsawalang bahala ko iyon at maya-maya lang ay tumigil na rin ako para tingalain ang hindi pa natatapos na building.
The unfinished building is standing not too high to look up. Sa tingin ko ay maximum na ang limang palapag para dito. Siguro'y sa susunod na mga buwan lang ay tiyak kong tapos na ito.
Napakislot ako sa gulat nang may kung anong bagay ang ipinatong sa ulo ko. Magkasalubong ang kilay na nalingunan ko si Tobias na ngayon ay may suot na puting hard hat na katulad nung kay Apollo. Saka ko lang napagtanto na may ganun rin pala akong suot. Iyon ang bigla niyang ipinatong sa ulo ko.
"Delikado itong site Yndra. You should at least learn to wait me up. Baka malaglagan ka ng kung ano anong mabibigat na bagay diyan.."
Hinarap niya ako sa kanya at inayos ang pagkakasuot sa akin ng hat.
Bigla-bigla ay lumakas ang tibok ng puso ko. Tinabing ko yung kamay niya.
"A-ako na nga lang ang mag-aayos!"
Iritable ko siyang binulyawan at ako na ang nag-ayos ng hat sa ulo ko. Kinalikot ko ang DSLR na hawak ko at kumuha ng iilang pictures sa building. Hindi ko na ulit siya pinansin at iniwanan doon nang mag-isa. Susunod sana siya sa akin, kaya lang ay may isang lalake ang ngayo'y lumapit sa kanya. Lumingon siya sa akin at inirapan ko lang siya bago ako nagpatuloy sa paglalakad.
Sa pangalawang liko ko ay nadaanan ko ang mga barns at ang hindi pa fully developed na mga fishponds. I took some pictures of it all. Habang lumalayo ang nilalakad ko ay hindi ko na alam kung talaga bang ganito kalaki ang site na ito o napadpad na ako sa lupain ng mga Montravo. Kahit kasi isang trabahante ay wala akong makita at hindi ko na matandaan ang daan pabalik. Nagsimula na tuloy akong matakot.
Naiwala ko ang takot ko nang maaninag ko ng husto kung ano ang nasa aking harapan. My mouth hang open and I immediately run towards the aisles of flowers. Iba-iba ang mga bulaklak sa bawat hanay. May giant sunflower, may roses, may trim na gumamela, at meron ring naglalakihang orchids at sampaguita. Bakit kaya hindi ko naisipan na mamasyal dito noong bata pa ako? This is paradise!
Hindi na ako nakuntento sa DSLR camera ko. I need to be the subject of this place! I need a selfie! I need my candid pictures! Kaya naman ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng jogger pants ko. Napapadyak ako sa inis nang hindi na ito mag-on. Sayang naman at naisipan ko pa sanang magpost ng mga pictures ko sa aking vlogger account sa social media.
![](https://img.wattpad.com/cover/136152219-288-k677354.jpg)
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomancePaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...