Okay
"Yndra?"
Natigil ang pagkakatulala ko sa harapan ng aking cellphone nang bahagyang nakarinig ako ng mahinang pagtawag sa akin galing sa aking likuran.
Sa paglingon ko ay sumalubong sa akin ang malawak na ngiti ng isang morena at petite na babae. Naka-braid ang kanyang buhok at hawak-hawak ng isa niyang kamay ang bugkos ng gumamela. Sa kabilang kamay naman niya ay napansin ko ang bayong na may mga lamang gulay at mga nasa tray na itlog.
Sandali akong nag-isip bago may malinaw na mukhang pamilyar sa akin ang lumitaw sa aking utak. The face is kind of similar to this girl in front of me.
"Eira?"
Kita ko ang pagningning ng kanyang mga mata sa pagbanggit ko sa pangalan ng taong kailan ma'y hindi ko malilimutan.
"Ako nga ito, Yndra. Kumusta ka na?"
Sa sobrang amo ng kanyang mukha ay naaalala ko ang bawat masayang araw ko noon sa elementarya, kung saan siya ang naging pinakamatalik kong kaibigan. Sumariwa ulit ang aking kabataan kung saan akala ko na ang mundo ay puro tamis at kasiyahan lamang ang laman. I always treasure the moments with her. Those moments where I can freely laugh without thinking about the things that might crash my heart or the things that can make me cry.
"I'm okay, Eira. Lalo na't nagkita tayo ulit."
Ngumiti siya ng malawak sa akin kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin. Parehong sumabog ang aming buhok. Napansin ko ang kalungkutan sa kanyang mata na pilit niyang itinatago sa tamis ng kanyang bawat ngiti. Saka ko lang naalala...hindi ko na pala alam kung ano na ang nangyari sa buhay niya.
Hindi ko na alam kung para saan ang kalungkutang nakatago sa kanyang mga mata.
"Ikaw, kumusta ka naman?"
Tipid siyang ngumiti. Hindi man malawak ang kanyang pagkakangiti ay atleast alam kong genuine ito at hindi mapagpanggap.
"Okay lang rin ako, Yndra. Sa katunayan ay kahapon lang ako dumating galing Maynila. Doon ako nag-aaral kasabay ng aking pagtatrabaho."
May pagtatakang tiningnan ko siya. Pansin ko nga na tila may nagbago sa kanya. Pumasok sa aking isipan ang aming kabataan kung saan pareho kaming sakay ng bawat magagandang kotse na pag-aari mismo ng aming mga magulang. Sabay pa kaming pumapasok sa mamahaling elementary school dito sa Pueblo. Anong nangyari at tila iba na ang buhay niya ngayon?
"Y-you're working? I...I mean...uhh..."
Ni wala akong maidugtong sa dapat na itatanong ko sa kanya. I'm afraid that I might offend her.
"Maraming nagbago, Yndra. Tulad mo ay umalis rin ako ng Pueblo Dulce dahil sa mga pagbabagong iyon."
Bumuntong hininga siya at muli akong binigyan ng tipid na ngiti. Sinuklian ko na lamang iyon ng aking tipid ring ngiti.
We share the same pain. Iyan ang sigurado ako. Maybe not in the same situation, but we share the same hurtful past that's so hard to erase. Iyong tipong pilit kinakalimutan pero namamalayan mo na lang na naidala mo na pala sa kasalukuyan.
"Yndra? Eira..."
Naagaw bigla ang aming pansin nang nalingunan namin si Apollo Montravo na papalapit sa aming kinatatayuan. He's wearing a faded jeans and black polo shirt. Above his head is a white hard hat that Engineers often wear while on their sites.
Imbes na manatili pa ng mas matagal ang tingin ko sa kanya ay napatuon ito sa taong sumusunod sa kanya. Napakunot noo ako. Right there, I saw Tobias. Hawak niya sa kanyang mga kamay ang tingin ko'y blueprint habang naglalakad at seryosong nakatingin sa amin. Napansin kong nakabihis na rin siya ng isang kulay maroon na polo at jeans. Mukhang galing pa siya sa pagligo kung titingnan mo ng maigi.
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomantikPaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...
