Kabanata 33

8.3K 208 36
                                        

Fix

Nanginginig akong sinundan sila ng tingin habang unti-unti ang ginawa nilang paglalakad papalayo sa pwesto ko.

Ang pamilyar na polo shirt at mamahaling pantalon ni Tobias na suot niya kanina ay nagsasabi sa akin ng pagiging tanga ko na naman ulit. Tila kumakaway ito sa akin, nangungutya sa isang kisap mata kong pagtitiwala at pagbibigay ng pangalawang pagkakataon para sa aming dalawa.

Hindi ko napigilan ang aking mga paa sa unti-unting pagsunod sa tinatahak nilang daan palabas sa vicinity ng hospital. Kusang loob akong yumuko at ipinaubaya ang sarili para sa nanginginig kong mga kamay na nagtitipa ng kanyang numero sa aking telepono.

Dinig na dinig ko ang pagtunog ng kanyang telepono sa kanyang bulsa. Kinuha niya ito para lamang titigan ng ilang mga sandali habang bumubuntong-hininga. Hinihintay kung kailan matatapos ang magiging pagtunog nito. Nang hindi pa siya nakuntento ay nilagay niya pa sa silent mode ito, hinayaang magvibrate at umilaw na lamang ang kanyang telepono para sa mga tawag ko.

Bumalong ang luha sa aking mga mata. Akala ko ay unti-unti nang nagiging okay ang lahat, iyon pala ay pinaniwala lamang ako ng aking ilusyong buohin muli ang sarili ko.

What if he's the broken piece that can be replace with another piece? Paano pala kung hinahayaan ko lang ang sarili kong masaktan habang minamahal siya gayong hindi naman talaga siya isa sa pirasong bubuo sa akin? Siya kasi ang pirasong pilit na dinudurog ako ngayong sinusubukan kong ayusin ang buong ako.

Ibinaba ko ang aking telepono at tinigilan ang pagdadial ng kanyang numero. Nasa bandang exit na ako ng hospital at tanaw ko siyang maingat na ibinigay si Jheah kay Jeazza. Nakahinto ang isang taxi sa kanilang harapan, bukas ang backseat nito at naghihintay na lamang sa kanilang pagsakay.

Hindi ko alam kung ano pa ang pinag-uusapan nila ngunit pansin ko ang umuusbong na galit sa mukha ni Tobias. Maya-maya lamang ay umiiyak na pumasok na sa loob ng taxi ang mag-ina, iniiwan si Tobias na nakaantabay sa pag-alis nila. Bakit hindi siya sumama sa kanila?

Damn, perfect family.

Mabigat ang puso ko ngunit mas pinili kong umalis sa pagkakatanaw sa kanya. Nahihirapan akong huminga dahil nasasaktan na naman ako, ngunit hindi ibig sabihin noon na titigil na rin akong mabuhay para sa iba.. lalong-lalo na kay Mama na malaki ang ngiting sinalubong sa akin pagkabalik ko sa clinic ni Doctora Montravo. Pati ang Doktora ay may malaki ang ngiting nakapaskil sa buong mukha.

"Hello again, Miss. Villacias.." Panimula ng Doktora. Nangingiti ang kanyang mga mata.

"The medications is done. Ito na ang magiging last check up ng Mama mo dahil ayon sa test na isinagawa ko ng halos tatlong beses na ngayon ay fully healed na ang kanyang kidney. I'm so happy that finally, matatapos na rin itong health problem ng ina mo." Tuwang-tuwa niyang dagdag.

Hindi ako magkamayaw sa pagpapasalamat sa kanya nang marinig mismo ito sa Doctor ng aking ina. Hindi na napigil ang aking pag-iyak nang nakita ko nga ang result ng laboratory test at kitang-kitang wala na nga ang sakit ni Mama. Tuwang-tuwa ako sa nangyayari ngayon kaya hindi ko alam kung bakit pinipiga ang puso ko sa sakit. Pakiramdam ko ay hinahati ako para sa dalawang emosyong hindi pwedeng pagsamahin, ang sakit at ang saya.

"I'm so happy, Mama.." Niyakap ko si Mama habang nasa taxi kami at pauwi na sa bahay ni Tita. Pinapairal ko ang saya para sa tuluyang paggaling ni Mama kahit na pinipilit pumaibabaw ng sakit nang dahil sa panlolokong nasaksihan ko na naman.

"If you're happy..bakit ka lumuluha, anak?" Malungkot na sabi ni Mama. Pinapahiran ang mga luhang hindi ko namamalayang tumutulo na pala mula sa aking mga mata.

"I'm just so happy, Ma.. n-nakakaiyak p-pala.." Paos kong wika. Iniiwasang mabasag ang aking boses kahit na hindi ko rin ito nagawa sa huling dalawang mga salita sa aking pahayag.

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon