Kabanata 2

17K 467 63
                                        

Good Luck

"Kailan ka pa naging kj, Yndra? Ano ba yan..."

Inirapan ko si Joanna na kanina pa ako kinukumbinsi para sumama sa kanila ni Serenity sa isang sikat na country club ng Cebu.

I'm still torn between the idea of going home to Pueblo Dulce or stay here in Cebu. Kahit alam kong kailangan kong bumalik sa lugar na iyon ay may bahagi sa akin ang  pumipigil sa pag-alis ko.

Kung sana ay kaya kong i-open up sa mga kaibigan ko ang dahilan ng aking planong pag-alis sa susunod na linggo ay magiging madali sana ang pagtanggi ko sa imbitasyon ng club hopping nila ngayong gabi. Kaso, hindi ko kaya. I don't want to remember the deep hole of painful memories in my heart. My mind is in chaos and I need to think... alone. Kung saan walang makakakita sa mga luha at pighati ko.

I'm too broken inside that I don't want anyone to pick up the broken pieces. Sapat nang ako ang nasugatan at nasaktan. Wag lang ang mga taong naging pamilya ko na sa loob ng ilang taon.

"Give it up, girls. Wala talaga ako sa mood."

Eksaheradang napahawak sa dibdib niya si Serenity. Mula sa pagkakasalampak sa couch ay unti-unti siyang tumayo at lumapit sa akin.

Kinurot niya ako bigla.

"Kailan ka pa wala sa mood huh? Eh ikaw pa nga ang laging nagyayaya samin eh."

"Exactly! At VIP pass pa ng Tipsy Villa ang gusto mong palampasin sa pagkakataong ito!" dagdag pa ni Joanna.

Yumuko ako. Kumbinsido nang hindi talaga ako pupunta.

"Look, this will probably our last bonding together. Aalis ka na next week and we will be on a vacation starting tomorrow too."

Napaangat yung tingin ko sa kanila. Pinaprocess ko pa ang sinabi ni Joanna.

Malungkot na ang ngiting binigay nila sa akin. I want to think that they are just joking, but I know better. Totoo ang sinasabi nila. Parang gusto ko tuloy umiyak sa harap nila.

"We will going to miss you so much, Yndra. Kaya nga plinano na namin ito. Ang hirap pa namang makakuha ng VIP pass lalo na at wala pa tayo sa legal age."

Umarte pang nagtatampo si Serenity bago yumakap sakin nang naiiyak.

"This is going to be our last night out and we will make our most of it. This is going to be our best night ever!"

Sumunod naman ng yakap ang nagpipigil ng iyak na si Joanna.

"Fine then. Sasama ako..."

Ang neon lights ng Tipsy Villa ang unang sumalubong sa amin. Muntikan pa kaming mahuli sa pagsisinungaling ng tamang edad. Buti na lang at alam na namin ang alibi tungkol diyan. We're veterans in this case. Isa pa ay may pass naman na kami.

We are here drinking liquors in this VIP chairs and couches. Totoo talagang high class ang country club na ito. This cost millions. I should thank my friends later for bringing me to this cozy and expensive place. Sanay naman na ako sa hitsura ng mga clubs at bars pero itong club na ito ay iba para sa paningin ko. This is really the club shouting for freedom for party and socialization.

"For the safe homecoming of Yndra to whatever that place's name is!"

Humalakhak si Serenity na mukhang tinamaan na sa bloody mary niya. Tinataas niya ang kaniyang wine glass. Humagikhik din si Joanna at tinaas ang wine class para sa toast. Napapailing-iling na nakigaya na rin ako.

Nakapangalumbaba na paunti-unti kong sinipsip ang margarita ko. Pang ilang shot ko na rin ito kaya ko dinadahan-dahan. I'm tipsy just like the name of this country club. Ang atat na atat na sumayaw na si Serenity ay ayon na sa gitna ng dancefloor at maharot na sumasayaw.

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon