Kabanata 23

9.2K 253 40
                                        

Endearment

Walo silang lahat sa table na ito. Pito ang bilang ng mga kalalakihan at may nag-iisang babae. Boss ko ang isa, kilala ko ang apat, pamilyar sa akin ang isa pa, at ekstranghero para sa akin ang dalawa, kabilang na nga iyong sinasabi kong babae.

"Yndra Villacias!" Masiglang tawag ni Apollo Montravo sa akin. Siya ang unang nagsalita matapos nila akong pagmasdan kanikanina lang.

Ngayon ko lang ulit sila nakita pagkatapos ng ilang mga taong nagdaan.

Hilaw akong ngumiti at inisa-isa ang kanilang reaksyon base sa kanilang ekspresyon.

Nangingiti ng nakakaloko si Apollo sa akin. Medyo seryoso naman si Adam Clavesta habang tinintingnan ako. Galit pa rin si Theo at nakakabwisit ang parang glue sa lagkit na tingin ni Tobias. Iyong ibang nasa table ay curiosity lang ang makikita mo sa kanilang mga mata para sa aking presensya.

Mas tinuon ko ang pansin kay Theo na hindi nagsasalita pero sobrang galit na galit sa akin.

"What are you doing here?" Matalim niyang anas. "Bukas pa ang gig mo di ba?" Galit niyang dagdag.

Alam ko naman kasi ang ikinagagalit niya. Kanina, bago ang gig ko ay tinanong niya ako through text kung nasaan ako at sinabi kong nasa condo lang at may ginagawa related sa school. He tried to ask me if I can see our Dad now and I refused.. for almost a hundred times I am so sure that I don't want to talk to him yet. Oo at tanggap ko na siya nga ang biological father ko pero ang mahirap sa akin ay ang makausad sa ginawa nila. Siguro'y hangga't hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa nilang lahat ay mananatiling ganito ang sitwasyon.

"Paupuin mo muna yang kapatid mo Theo, wala ka talagang gentle bone na nakatago sa katawan mo." Nakakapanlokong saad nung ng-iisang babae sa kanila bago pa man ako makasagot sa tanong ni Theo kanina.

Tinap nung babae ang extra space sa couch na inuupuan niya at ng boss ko. Nahihiya akong umupo sa gilid noon.

"So, what's with the reaction, Theo? May masama ba sa pagtugtog ng kapatid mo ngayon sa club ko?" Tristhird Clavesta also known as Tres Clavesta, my boss, suddenly asked my brother.

"The schedule of her gig is MWF dude," Sagot ni Theo. "Today is Tuesday and it's my right to know how the hell she has a gig here!"

"Easy there, dude. Bukod sa nag-absent ang bandang dapat ay tutugtog ngayon, Adam also want to hear a song from one of the amazing singers in my club." Mahinahong sabi ng boss ko.

Nag-init ang pisngi ko para sa hindi direktang papuri sa akin ng boss ko. Sa dami ng magagaling na singers sa kasalukuyan ay bibihira na lang ngayon ang nakakapansin sa boses ko.

"And dude, stop being a possessive brother to your sister. She's mature on her own, there's no need to babysit her." Ani naman ngayon ni Adam.

Ipinilig ko ang aking ulo nang may naalala sa sinabing pahayag ni Adam. The person who said that he wants to babysit me is the same person who made me mature out of those horrible experiences from before.

Tumingin ako sa kanya at nang makitang nakatuon pa rin ang kanyang buong pansin sa akin ay parang singbilis ng kidlat na nag-iwas ako ng tingin. Hindi na muling gugustuhing malunod sa hazel brown niyang mga mata.

Hindi na muling nagsalita si Theo pagkatapos ng sinabi ni Adam kaya medyo gumaan na ang atmosphere. Bumalik sila sa pag-uusap ng kung ano tungkol sa business at hindi ko alam kung ano pa ba ang ginagawa ko dito kasama sila.

"You know what, ang galing mo talagang kumanta!" Bago pa ako makapag-excuse na aalis ay napigilan ako nang kinausap ako ng babaeng katabi ko. Like me, she seems so out of place too.

Drought Affection (Pueblo Dulce #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon