Tipsy
Dirediretso ang akyat ko sa aking kwarto. Bumubuhos ang aking mga luha habang kinukuha ang isang bag at nilagyan ito ng iilang mga damit. Pinilit kong magtype sa aking cellphone kahit na hindi ko na mahawakan ito ng maayos dahil sa panginginig.
Ako:
Joan, pls book me a flight to Cebu. ASAP.Basta-basta ko na lang na itinali ang aking buhok habang naghihintay sa confirmation ni Joanna. Simpleng puting shirt lang at high waisted jeans ang aking isinuot.
Joanna:
I already booked a flight for you. 3 hours away from now.Pagkabasa ko sa reply ni Joan ay agad na akong bumaba ng hagdan. Sinigurado kong dala ko ang aking wallet, lahat ng ipon ko ay nandoon. Hindi ko pwedeng gamitin ang mga credit cards na bagong bigay ni Papa sa akin. Hindi man lang umabot ng 15 minutes ang aking inilagi sa kwarto.
Tuloy-tuloy na sana ang paglabas ko kung hindi ko lang nasalubong ang hinihingal, pawis, at galit na si Tobias pagkabukas ko ng gate. Dali-dali kong pinahid ang mga luha sa aking pisngi. Buong tapang kong sinalubong ang kanyang titig. Kitang-kita ko ang mahinang paghikbi ni Jeazza sa kanyang likuran.
"Where the hell are you going?" Hinarang niya ang mismong katawan sa dadaanan ko.
"Umalis ka sa dadaanan ko Tobias!" Tinulak-tulak ko siya ngunit ayaw niyang matinag. Desidido na akong umalis dahil sa aking pag-aalala kay Mama.
"Please..I badly need to go.." Hindi ko na napigilan ang tuloy-tuloy na pagpatak ng aking mga luha.
Gulat na gulat siyang siyang napatingin sa bawat paglandas ng mga ito galing sa aking mga mata na pumapatak sa aking magkabilang pisngi.
"What happened, Yndra?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
Umiling-iling ako.
Hindi ko kayang sabihin sa harap niya ang lahat-lahat. Ngayon ko napagtantong lahat ng aking nagawa ay mas lalong nagdulot lamang ng pasakit sa akin. Imbes na maalagaan ko si Mama ay mas pinili ko pa siyang iwan para lang sa lintek na planong ginawa ng utak ko. Dapat ay diniligan ko ng pag-asa ang aking pusong natutuyo kaysa pasikatin pa lalo ang mapanlinlang na liwanag ng paghihigante sa paligid nito.
From the start, it's all my fault. Dahil inisip kong si Papa lang ang magpapatino kay mama. Masyado kong pinaniwalaan na kailan man ay hindi ako naging sapat para sa kanila. Pinili ko ang nakaraan kaysa ang umunawa para sa kasalukuyan.
"I am so sorry, Tobias.." Madamdamin kong saad.
Napatigalgal si Tobias sa nakita niya sigurong emosyon sa aking mga mata. Alam kong inilalahad ng bawat titig ko ang sakit at pagsisisi. Alam na alam kong ayaw niyang marinig na humihingi ako ng tawad sa kanya, but this time ay seryoso at sincere ako.
"Yndra!" Jace called my name.
Nailayo ko ang aking paningin kay Tobias at inilipat sa taong sakay ng kanyang Mitsubishi Expander. Hindi ko alam kung bakit siya nandito ngunit sa tingin ko ay siya na lang ang taong makakatulong sa akin ngayon. 3 hours away lang ang flight ko at maaaring magkaroon pa ng traffic along the way. Hindi pwedeng hindi ako makauwi sa Cebu sa araw ding ito.
Dumaan ako sa gilid ni Tobias para lamang makalapit sa kung saan nakapark ang kotse ni Jace.
"Jace.." Tawag pansin ko sa kanya.
"Can you drive me to Davao?" Dirediretso
kong tanong sa kanya. My voice is laced with tiredness and painfulness.Dahan-dahan siyang tumango sa akin. Ang maliwanag niyang ngiti kanina ay napalitan ng mapanuring tingin na nakadirekta sa aking mga matang namamaga.
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomansaPaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...