Save
Paulit-ulit na hinaplos ni Tobias ang aking likod, naglalayong pakalmahin ako. Paulit-ulit rin naman ang pagkabigo niyang magawa ito lalo na at maging ako ay hindi makontrol ang mga hikbi at singhot ko.
Sumandal ako sa malamig na dingding ng hospital at pinakatitigan ang lumuluha ring si Xenna sa aking harapan. Her expression is somewhat vague. Hindi ko mapagtanto kung galit ba sa pagsasawalang pake ko sa aking sariling ina o naaawa dahil ngayon ko lang nalaman ang masakit na katotohanan matapos ang tatlong mahahabang mga taon.
"B-bakit.. bakit.." Hindi ko matapos-tapos ang tanong na kumikitil sa aking sariling paghinga. Ang pagdagundong ng aking puso ay tunog lamang ng sakit, pagsisisi, at paghihinayang para sa mga taong aking sinayang lamang sa pagsasawalang bahala sa kalagayan ng iba habang ikinukulong ang sarili sa sakit.
Bakit hindi ako nangialam? Bakit mas pinahalagahan ko ang sakit kaysa sa mga taong mahalaga sa buhay ko? Bakit mas minahal ko ang pighati kaysa pansinin ang pighati ng mga mahal ko?
"Tobias, I want to go home... tulungan mo akong makauwi sa Cebu..please.." Tiningala ko si Tobias, nanghihingi ng tulong sa kanya. Wala nang iba pang makapitan at masasandalan sa panahong ito.
He pulled his head back slightly for a second to look at me. Walang ano-ano ay naramdaman ko ang pagkabig niya sa akin patungo sa kanyang matigas na mga braso, ang tenga ko ay sentro sa kanyang dibdib kung saan dinig na dinig ko ang bawat pagpintig nito. And just like everytime I hear his heartbeat, I started to feel calmer. Better. Hindi ko kasi gusto ang tunog ng pagkakabasag nito para sa akin. He hold me so dearly that I can feel him losing himself just to make me feel that I'm not alone on this fight anymore.
"We're going there, Yndra. Pupuntahan natin ang Mama mo. Sasamahan kita." Bulong niya sa aking tenga. Ngayon ay humahalik na sa aking noo at ulo.
Pumikit ako at inalala ang huling tagpo ng aming pagkikita ni Mama. Sa parke iyon, sa araw na pinaramdam at ipinaalam sa akin na niloko ako ng buong mundo. Hindi ko pinansin ang mga luhang tumulo galing sa kanyang mga mata noon, mas matimbang sa akin noon ang panlolokong ginawa nila sa akin. Siya ang naging susi para makilala ko ang kapatid ko at si Tito Alexis at hindi ko man lang siya nilingon nang pinili kong tumalikod sa kanya. Wala nang mas sasakit sa kaalamang hindi ko naisip ko paano niya nakayanan ang sakit ng aking paglisan sa kanyang harapan. Ako ang nag-iisang anak niya at ako rin ang nag-iisang taong inaasahan niyang sasamahan, aalagaan, at mamahalin siya hanggang dulo.
"Xenna.." Tinawag ko ang pansin ng pinsan kong halos hindi ko na makilala sa kanyang sariling mukha.
Pagod siyang bumaling sa akin.
"I-I'm sorry because I learned everything this late.. and t-thank you for letting me know," Tumulo ang patak ng aking luha na agad pinahid ni Tobias para sa akin. "U-uuwi ako ng Cebu at h-hindi ko bibiguin ang matagal ng gusto ni Mama. Uuwi ako at ipapakita kong m-mahal na mahal ko siya.."
Kumawala ako sa yakap ni Tobias sa akin para lamang mayakap ko si Xenna. Sabay ang paghagulhol namin ng gumanti na rin siya ng yakap sa akin.
"U-uuwi din ako, Yndra. S-sabihin mo kay M-mommy na uuwi na ako ngayon para sa k-kanya.." Sabi niya sa akin. "Mauuna ka lang sa akin sa pag-uwi..ngunit susunod ako."
Tumango-tango ako sa kanya. Isang beses pa siyang niyakap ng mahigpit bago binitawan. Parehong malungkot ang aming mga mata at pareho kaming determinadong balikan at ayusin ang basag naming parte na aming naiwan sa Cebu.
Nauna akong maglakad kay Tobias para tumuloy na sa kwartong inuukopa ni Tito Alexis dito sa hospital. Nanghihina ang aking tuhod ngunit determinado ang aking paglalakad para lumaban kasama ang ina ko.
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomancePaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...