Dance
"I should have wear my two piece underneath this freaking dress!" Sere almost jumped off from the moving motorboat. Hindi na kabilisan ang andar ng makena nito dahil malapit na kami sa baybayin ng isang resort.
Gusto kong isipan na ang dagat ay nagagambala sa pagtakbo ng motorboat kaya nagbibigay ito ng malalaking alon. The blue sky is complementing the features of the clear and crystalline sea water. Kitang-kita ko na rin ang naglalakihang rock formations sa isang bahagi ng isla.
"I'll probably ditch your party for an island hopping experience!" Nang-iinis na bulong niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. If I have other choice, I'll probably ditch my party, too. Naexcite lang naman ako sa kaalamang pupunta kami sa napakagandang islang ito.
From Davao, we travel through a motorboat for about forty-five minutes before we reached our destination. Ang islang ito ay isa lamang sa mga naggagandahang isla dito sa Samal. The tour guide woman said that the resort we're booked is located in this certain address of Kaputian, Samal.
This beach resort have these luxe wood hut and 5-star Hotel. May malaking swimming pool sa gitna at mayroon rin namang glass villas. Ang alam ko ay pinareserve ni Papa ang buong resort na ito para sa debut ko at sa hotel kami magstastay.
Inayos ko na lang ang aking maxi dress matapos kong macheck na hindi na kayang liparin ng hangin ang malaking sumbrerong nakapatong sa ulo ko. Medyo mainit kasi dahil almost 10 na rin ng umaga.
"Yndraaaaaaa! Halika na!"
Panay na ang tawag ni Serenity at Joanna sa akin. Katabi nila ang nananahimik na pinsan kong si Xenna. Nakatapak na sila sa puting buhangin ng resort. Pare-pareho nilang gusto ang pumasok sa hotel kung saan kami nakacheck-in.
"Naghihintay na daw ang daddy mo sa loob ng hotel!" Sigaw ni Joanna. "Pwede daw tayong mag-island hopping mamaya. Baba ka lang muna kasi may mga bisitang naghihintay na sayo doon!"
Tumango lang ako.
"Una na lang muna kayo. Susunod agad ako!" Sigaw ko pabalik.
Nagngiting aso ang tatlo matapos tumingin sa malayong likod ko. Sabay-sabay silang kumekembot na umalis. Iniinis ako lalo.
"You don't want to get there yet?"
Marahan kong nilingon si Tobias sa aking likod. Ngayon ko lang talaga siya natitigan ng maayos pagkatapos ng nangyari sa rooftop ng bahay ni Tita. Sa byahe kanina ay hindi ako makasukli ng tingin sa kanya. Funny, I want him to fall for me, then ako iyong naiilang ngayon?
Nakaputing polo siya at board shorts. Bukas ang una at pangalawang butones ng polo kaya sumisilip ang maliliit na balahibo sa kanyang dibdib.
Umiwas ako ng tingin at tumikhim.
"Hinihintay lang k-kita.." Hindi ko sinasadya ang pagkautal ko. Masyadong desperada yata ang dating ng mga sinabi ko.
His shallow mouth quivered for a side smile. Hindi siya naaamused, he's being pleased!
"Halika na nga, Tobias!" Inirapan ko na lang siya. Humawak na ako sa hawakang metal sa kanan ko. Ito lang ang tanging makakapitan mo habang bumababa ka sa makitid na hagdang kahoy para makababa galing sa motorboat.
"Okay, kid." Narinig ko ang halakhak niya sa aking likod.
Uminit ang pisngi ko kaya binilisan ko ang pace ng aking pagbaba.
"Hey, slow down!" Sigaw niya bago ako inalalayan. Maingat at mahigpit ang pagpulupot ng kanyang palad sa aking palapulsuhan.
"A-ng tagal mo kasi eh!" Bulyaw kong nakatalikod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Drought Affection (Pueblo Dulce #1)
RomancePaano didiligan ni Yndra Chiara Villacias ang pusong natuyo na dahil sa pinagsamang sakit, pait, at panloloko? How will she embrace the sweetness of Pueblo Dulce when all she need is pure bitterness? Armored with painful reality, will she escape the...
